Vice Ganda, witness kay Vhong Navarro

Vice-GandaUMALIS NA papuntang Amerika si Vice Ganda para sa kanyang series of shows the other day (Wednesday).

Pero maaga pa lang, bago pumunta ng airport para sa kanyang flight ay dumaan muna ito sa Pasig Prosecutor’s Office kasama ang kanyang abogado para i-submit ang kanyang pirmadong affidavit tungkol sa kasong rape case na isinampa ni Roxanne Acosta Cabanero laban sa kasamahan na si Vhong Navarro.

Sa kanyang salaysay sa kanyang affidavit, kasama niya si Vhong sa isang show ng maganap ang sinasabing “rape” maaga pa lang hanggang late evening.

Sa pag-alis ni Vice for the US, happy siya lalo pa’t oks na sila ni Karylle at nagawa na niya ang kanyang responsibilidad sa kasong “rape” ng kaibigang Vhong para patunayan kung alin ang totoo at kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Gabi ng Wednesday ang flight ni Vice kung saan inihatid pa siya ng kaibigan niyang designer na si Paul Cabral na “friend” niya sa kanilang mga “krimen”.

 

HABANG NAGPE-PRESSCON last Wednesday evening para sa kanyang concert na “My Token of Love” come March 22 sa Teatrino Greenhills, malungkot ang Charity Diva na si Ms. Token Lizares dahil namatay ang brother-in-law niya sa Bacolod (where she hails).

Right after the presscon, diretso agad sa airport si Token to take the first flight to The City of Smiles.

Sa kanyang concert, makakasama ni Token sina Richard Poon at German Moreno. Special guests sina Prima Diva Billy at ang Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala na si Michael Pangilinan. Good luck!

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.