Vice Ganda, walang balak isauli ang best actor trophy Hot Topic

 alt=

Vice-GandaWALANG BALAK isauli ni Vice Ganda ang best actor trophy mula sa 30th PMPC Star Awards for Movies para sa pelikulang Girl Boy Bakla Tomboy.

Nagsalita na kahapon, Miyerkules, ang comedian-host sa noontime show na It’s Showtime ng ABS-CBN, na kagagaling lang sa kanyang concert tour sa United States. Ito ay kaugnay sa alegasyon na binayaran umano ni Vice Ganda ang kanyang best actor trophy.

Malinis umano ang konsensiya ni Vice Ganda na dinedma lang ang alegasyon at wala umano siyang balak isauli ang trophy na ayon sa kanya, ang kauna-unahan niyang acting award na natanggap.

Aniya, “…kung kakausapin ko ang konsensiya ko, ano kaya ang sasabihin ng konsensiya ko sa akin? Ang sabi sa ‘kin ng konsensiya ko: kung nandaya ka, ibalik mo ang award. Kung hindi ka nandaya, yakapin mo ang award…” At iminuwestra ni Vice Ganda ang pagyakap sa nasabing tropeo.

Nag-ugat ang kontrobersiya ng ‘bayaran’ sa best actor trophy sa alegasyon ng kolumnista/ radio show host at PR man na si Jobert Sucaldito.

Sa post ni Jobert sa kanyang Facebook account (Sucaldito Jobert), sinabi nito na ‘niloko’ siya ng ilang members ng Philippine Movie Press Club (PMPC), at pinaniwalang “they will vote for my baby Jeorge Estregan for Best Actor for his sterling performance sa pelikulang Boy Golden.” Ito ay sa kabila ng kanyang ‘pagla-lobby’ umano sa voting members para makakuha ng sapat na boto para sa Laguna Gov. ER Ejercito.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

loading...

9 thoughts on “Vice Ganda, walang balak isauli ang best actor trophy Hot Topic

  1. aba bakit porke ba di nyo gusto yung tao dina karapat dapat tumanggap ng award at saka kung kayo nasa kinalalagyan at sikat na sikat iisipin nyo pa bang mag bayad ng award kung alam nyo namang ikasisira nyo to at alam kung di ganun mag isip si vice anu tng gagawa pa ba ko ng ikasisira ko para itapon ang mga pinag hirapan ko!!!!! isip,isip din pag may time wag laging syonga!!!!!!

  2. hoy kg mkbakla nman kau dyan! hndi man porke bakla at hndi nio guzto h d na pwede mnalo ng award at bkit ung guzto nyo bng mag kamit ng award eh guzto ng mga tao at krapat dapat ba eh kit d s knia bgay ang ah basta kahit anung mang yari c vice ganda na ang best actor dahil kahit sa makarating at sinu pa ang tanungin matanda,bata,bakla,tomboy,pangalan nia isinisigaw pa ng ngiti ang mga lbi ung bata nio klla ng lahat ng tao?

  3. Nagbayad ang abs…for bidding ang mga awards sa pmpc. Kaya kahit na konsensya ni vice malinis(a rooster crowed 3x and lightning stroke above showtime bldg), people are thinking joel deserves the award. Noon pa, may malansang amoy na yang pmpc

  4. bakit isosoli eh malaki binayad nila dyan…abs cbn sponsored ang star awards kaya yan ang paraan para makilala ang mga starlets nila,,,gumawa ng award body para sumikat artista nila

  5. Bakit isosoli, ano yun guilty siya? Si JS dapat lagyan ng busal na pipino (hehehe). Nag-attempt din siya tapos ngawa ng ngawa. Parang lamok ang ingay pag di makagat, pero pag me pagkakataon, eh talagang kakagat din. Inggit lang.
    Ilang beses ng laging yung manok niya eh complain, whine, reklamo, and all sort ng attention pag natatalo. Eh bakit magaling ba naman ang manok niya?

  6. Pingback: Vice Ganda, walang balak isauli ang best actor trophy - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.