Vice Ganda, Toni Gonzaga at Luis Manzano, puring-puri ng kani-kaniyang pamilya

PALABAS NA sa mga sinehan ang pelikulang This Guy’s In Love With You Mare, ang comedy movie na pinagbibidahan nina Luis Manzano, Toni Gonzaga at Vice Ganda. Walang dudang super riot ito dahil subok na ang angking galing ng tatlo pagdating sa pagpapatawa. May kanya-kanya silang istilo sa pagbibitiw ng mga punchlines.

Okay rin ang kanilang chemistry. Toni and Luis starred together in the series Crazy for You at magkasama rin sila sa ASAP. Sina Luis at Vice naman ay nagkasama sa Petrang Kabayo while Toni and Vice are close friends in real life.

Marami raw dapat abangan sa pelikula tulad ng sinasabing love scene nina Luis at Vice Ganda, ang pagbe-bathing suit ni Toni at ang pagpapakalalaki ni Vice sa panliligaw niya kay Toni.

Marami na silang natamong mga papuri at parangal sa industriya pero wala pa rin talagang hihigit sa pagmamahal at pagiging proud sa kanila ng kanilang pamilya. Sino pa ba ang makakakilala sa kanila nang lubusan kundi ang kanilang pamilya, ‘di ba? Sabi nga ni Star for All Seasons at Batangas Gov. Vilma Santos tungkol kay Luis, “Siya ang pinakamagaling na artista [para] sa akin. Anak ko iyan, eh. Artista, host, mabait na tao. Seriously, I’m happy for my son. Isang hinahangaan ko sa anak ko [ay] kung anuman ang tinatamasa niya ngayon, iyon ay ginawa niya sa sarili niyang kayod. Kung anuman ang meron ang anak ko ngayon, deserve iyon ng anak ko.”

Kuwento naman ng kapatid ni Toni na si Alex, “Noong before siya mag-The Buzz, bago siya mag-start siguro mga two weeks siyang ‘di natulog kasi lahat ng interview pinanood niya sa YouTube. Iyon naman ang hinahangaan ko sa kanya na kahit matagal na siya rito, kahit na anong ihain sa kanyang bagong project talagang makikita mo pinag-aaralan niya.”

Nag-uumapaw naman ang papuri ni Nanay Rosario kay Vice Ganda. “Hanggang ngayon nga hindi ako makapaniwala na nagpapatawa ang anak ko kasi tahimik iyan. Sa totoo lang, anak, proud na proud ako at [sa] katunayan, araw-araw akong nagpapasalamat. Ngayon nga hindi na ako makapagtago kahit saan ako magpunta [dahil] nakikilala na ako ng tao na ako ang nanay ni Vice Ganda.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.