Vice Ganda, takot mag-perform sa Araneta Coliseum?!

AYAW TALAGA NI Vice Ganda na mag-perform sa Araneta Coliseum, ayon mismo sa producer ng May Nag-Text… ‘Yung Totoo… Vice Ganda sa Araneta na si Joed Serrano, pero kinulit niya raw ito nang husto pati na ang manager nitong si Ogie Diaz.

“Ang gusto niya lang sa Aliw Theater, e sabi ko, pareho namang ‘A’ ‘yon, ‘di sa Araneta na lang,” sabi pa ng dating matinee idol-turned-concert producer. “Kinulit-kulit ko si Ogie, madaling-araw nagte-text ako. Naniniwala naman ako, and it’s about time na after Comedy Concert Queen Ai-Ai [delas Alas], may mag-Araneta naman, and this time, lalak… o babae?” Pabiro pang dagdag ni Joed.

Aminado naman ang resident judge ng Showtime na matindi ang pressure sa parte niya dahil hindi nga naman birong punuin ang Big Dome. Aniya, “Iba kasi ‘pag Araneta. Pero ang concern ko lang dito, e ‘yung maganda dapat ang sound system, para dinig na dinig nang lahat ‘yung magiging batuhan namin.” Makakasama rin kasi onstage ni Vice sina Pooh at Ethel Booba.

Patuloy ni Vice, “Si Pooh saka si Ethel, okrayan to the max, first time. Walang script. Kasi mas nakakatawa ‘yung ginagawa namin ‘pag walang script. ‘Pag may sinusundan kaming script, napapa-flop kami.”May intrigang dapat daw ay guest din si Chokoleit sa show, pero nag-backout ito?

“Hindi ko po alam kung kailan siya nag-backout. Pero nu’ng nag-prod meeting kami, tinanong ko ‘yung production, sabi nila hindi na kasama si Chokeleit meron yatang raket abroad. Hindi siya nagsabi sa akin.

“’Yung mga kaibigan kong guests bago sila tinawagan ng production, ako muna ‘yung personal na tumawag, ‘Uy, may concert ako. Sama ka. Keri lang? Ganito ‘yung date.’ Sila ‘yung personal na um-oo sa akin. Ang hindi lang namin pinag-usapan ‘yung budget, kasi sabi ko, ‘O, sige um-oo ka na, ha? Babalikan ka ng production, sila ang makikipag-usap para sa budget.’”

Pumayag din daw si Chokoleit na mag-guest sa concert niya, pero hindi na nga raw ‘yon matutuloy.

“Hindi ko inaasahan, kasi maganda ‘yung usapan namin sa telepono. Hindi naman po ako nagtampo, nabigla lang, tapos nanghinayang. May mali rin siguro ako. Dapat tinawagan ko rin siya or tinext kaya lang ang dami kong trabaho, hindi ko rin naisip,” paliwanag pa ni Vice.

Sa May 15 na ang major concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum, ang sabi pa nga ni Joed Serrano, nakabawi na raw sila sa puhunan nila in terms of ticket sales.

NEGATIVE ANG FEEDBACK ng ginawang paghamon ni Willie Revillame sa management ng ABS-CBN na tanggalin nila ang showbiz columnist at radio host ng DZMM na si Jobert Sucaldito. Masyado raw mayabang at arogante ang naging dating ng ginawa ng host ng Wowowee sa mismong TV show nito nu’ng Martes. Magre-resign daw si Willie kung hindi sisibakin ng Kapamilya si Jobert.

Hindi nagustuhan ng TV host ang pagkuwestyon ni Jobert sa mga contestant ng Wowowee na mga high school students na may grade na 75-79. “Mamili na kayo, kapag hindi n’yo ‘yan tinanggal, ako ang magre-resign dito sa Wowowee. Tandaan n’yo ‘yan!” Ang tinuran pa ng TV host.

Marami ang nagsasabi na sana ay pinigilan na lang ni Willie ang sarili lalo na’t kasagsagan ng pangangampanya ng ineendorsong niyang presidentiable na si Sen. Manny Villar. “Kung si Villar nga, magbibigay ng trabaho kung mananalo siya, ‘eto namang si Willie, ang gusto e, mawalan ng trabaho si Jobert,” reaksiyon pa ng ilan.

Kahapon ay ‘no show’ si Willie sa kanyang noontime show, pero ayon sa isang source na malapit sa TV host, “Hindi gagawin ni Willie ang mag-resign. Alam n’yo naman ‘yan, minsan ay pabigla-bigla lang talagang magsalita.”

Ayon naman sa pamunuan ng ABS-CBN, gagawan nila ng paraan na magkausap at magkaayos sina Willie at Jobert.

Bore Me
by Erik Borromeo

loading...

6 thoughts on “Vice Ganda, takot mag-perform sa Araneta Coliseum?!

  1. i lub u vice,n22wa tlga k sau..d komple2 arw k pg d mu k npptawa..nku ung ibng ayw sau insecure lng yan…go 4 it vice…gudluck sau & godbless u..

  2. hay naku willie, magbago ka na…. sana nga wag ka ng bumalik sa wowowee, OK na OK na si Pokwang! pag wala ka na sa wowowee saka na lang ulit ako manonoood ng wowowee, yun lang!

  3. DOON SA NAGSABI NA WALANG BAYAG SI VILLAR, PARA MONG KINAIN ANG SARILI MONG TAE.

    BETWEEN VILLAR AND NOYNOY ABNOY, MAS WALANG BAYAG SI ABNOY. PATULO-TULO LANG NANG LAWAY AT PAHAPLOS-HAPLOS LANG NG TIYAN, AT PAHITHIT-HITHIT LANG NG YOSI. PARASITE YANG SI ABNOY. NAGDEDEPENDE LANG SA IBA PARA MAKAKAIN. WALA PA SIYANG NAABOT NA NAGGALING SA SARILI NYA. PPURO GALING SA HACIENDA AT SA PORK BARREL. ANG HACIENDA PAG-AARI NG GOBYERNO ANG PORK BARREL GALING DIN SA GOBYERNO. EH DAIG PA ANG WELFARE NITONG SI NOYNOY ABNOY, MILYON MILYON ANG KABIG.

    TUNGKOL SA NANAY NI VILLAR, AT LEAST BUHAY PA SYA. GUSTO NIYANG TULUNGAN ANG ANAK, BAKIT HINDI. EH YUNG MGA MAGULANG NI NOYNOY ABNOY NA MGA FAKE HEROES, EH INU-UOD NA SA ILALIM NG HUKAY AY PAULIT-ULIT NA KINAKALADKAD SA CAMPANYA. DAHIL WALA SIYANG SARILING IPAGMAMALAKI. YAN ANG TUNAY NA WALANG BAYAG.

  4. araneta..ano gagawin nya mag mura ng magmura para magpatawa …tignan nyo sa internet kalat na kalat na kung gano kabaho at balahura bibig nyan…ano nga pala talent nito..kumain ng jumbo hotdog?…..at kapal araneta target eh sa karnabal show sya dapat baka pagtyagaan pa namin

    • namin? may kasama kang may ayaw sa kanya.. nagiisa ka kaya.. hahaha kawawa ka naman insecure ka kay vice ganda..

Leave a Reply

Your email address will not be published.