Vice Ganda, super fashionista in movie with Vilma

DUMATING NA SI Vice Ganda mula sa kanyang shooting ng In My Life kung saan super very proud ang bading, dahil nakasama siya sa Vilma Santos, John Lloyd Cruz and Luis Manzano.

“Nalolokah ang mga tao sa set, kasi, fashionista ako rito, eh.  Ako rin ‘yung nag-make-over ke Ate Vi. Nalolokah sila sa mga dala kong damit. Swak na swak sa role ko.

“At ang nakakatuwa pa, si Inang Olive (Lamasan, the director), very open siya sa mga suggestions. Nata-touch ako everytime hihingan niya ako ng suggestion kung ano’ng maganda sa isang eksena o ano ang babagay na dayalog.

“‘O, anak, ikaw na ang bahala sa punchline dito, ha? Nasa ‘yo ang comedy, kaya galingan mo! ‘Pressure talaga for me, pero teka, ‘no! Olive Lamasan ‘yan, ‘Day, kaya ginalingan ko nang bonggang-bongga.

“Merong isang eksena na parang latang-lata ang buong cast. Eh, nakailang takes na. Sabi ni Direk Olive, ‘Cut tayo, wala kayong kabuhay-buhay. Teka, Vice, anak, ano ‘yung pinauso mong sayaw? Gayahin n’yo si Vice, ha?’

“Ako naman si Gagah, napasubo. Sinayaw ko ‘yung ostrich dance ko, gumaya sina Ate Vi, Luis at John Lloyd. Tawa sila nang tawa. Biglang sumigaw si Direk Olive ng, ‘Okay, take na tayo!’ “Ayun, full of energy na ‘yung eksena, dahil tawa na nang tawa ang cast!”

Ilan lang ‘yan sa kuwento ni Vice sa amin. At siyempre, me mga pictures siya na ilalabas din namin dito baka sa Friday, okay?

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi, ha? Sa Wow! Ang Showbiiiz!’ sa DWIZ 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.