Vice Ganda, sobra ang suporta sa mga kaibigang stand-up comedian

NAKAKATUWA ANG gawain ni Vice Ganda bago magsimula ang taping ng kanyang show tuwing Linggo ng gabi na Gandang Gabi Vice sa ABS-CBN at tuluyang magpaligaya ng audience.

Nagdarasal muna komedyante sa Maykapal para humingi ng pasasalamat at gabay sa kanilang taping sampu ng kanyang staff and crew, pati ang buong audience.

Gaya ni Vice, nasaksihan din namin noon ang Megastar na si Sharon Cuneta na nagli-lead ng prayer sa backstage ng kanyang dating show na Sharon sa Dos with her production staff before they roll.

Bilib din kami sa suportang ibinibigay ng Unkabogable Star sa papausbong na komedyante na si Negi na nagsisilbing jester o nagbibigay-aliw sa GGV audience habang hindi pa nag-uumpisa ang taping o in between takes.

Bukod kasi sa pagiging jester, may exposure na rin si Negi sa GGV, gano’n din ang iba pang mga kaibigan ni Vice na stand-up comedians, gaya ni Iya, na tinutulungan niyang makilala pa nang husto sa pamamagitan ng kanyang high-rating Sunday night show, kahit minsan ay past 11pm nang umeere.

Saksi rin kami nang minsan ay pinagsabihan ni Vice ang kanyang personal staff na ayusin ang kanyang hectic schedule para madalaw na niya agad-agad ang batang umiidolo sa kanya na may sakit na cancer.

 

Miles Ocampo, nagparetoke ng ilong?!

 

NANG PALITAN ng mga mas bagets na cast ang youth-oriented show na Luv U sa pangunguna nina Nash Aguas, Sharlene Sampedro, Jairus Aquino at Mika Dela Cruz, may nakapag-tsika sa amin na nagpa-noselift daw ang isa sa original female lead cast nito na si Miles Ocampo, since pansamantala itong walang show sa Kapamilya Network.

Nu’ng una ay ayaw naming maniwala, dahil hindi pa namin ulit nakikita nang personal ang young actress o kahit sa TV.

Nang minsang mag-guest si Miles sa Gandang Gabi Vice with her bestfriend Kathryn Bernardo ay hindi namin masyadong napansin kung may pagbabago sa kanyang ilong.

Pero nang mapanood namin ang birthday greetings ni Miles sa VTR sa Banana Split Extra Scoop nu’ng nakaraang Sabado ng gabi para sa selebrasyon ng kaarawan ni Direk Bobot Mortiz na siyang lumikha ng nasabing show, gano’n din ng Luv U, at Goin’ Bulilit, kapansin-pansin nga ang iginanda ng ilong nito na masasabing hindi lang basta nakuha sa make-up o noseline.

Well, karapatan naman ni Miles kung bet niyang magpatangos ng kanyang ilong. Besides, investment niya ‘yon para sa kanyang showbiz career.

Ang tanong, aaminin kaya ni bagets ang pagpaparetoke niya ng kanyang ilong o hindi, kahit halata?

 

Aktres na may dyowa nang aktor, pinatulog sa bahay sa ex-boyfriend ng aktor din!

 

BLIND ITEM: More than a year nang magkasintahan ang aktres at aktor. Mukhang maligaya at in love naman talaga sila sa isa’t-isa. They share the same interests. Masaya ang nanay ng aktor para sa kanyang lovelife.

Parehong kontrobersyal ang past relationships ng dalawa sa kapwa nila artista na nauwi sa hiwalayan bago sila nagkakilala hanggang sa naging sila.

Nabalitaan pa nga namin na gaya ng ibang mga mag-jowa sa showbiz, tila nagsasama na o magka-live in na sila sa bonggang bahay ng aktor sa isang exclusive subdivision.

Pero nagulat kami nang maitsika sa amin ng isang mapagkakatiwalaang source na nagkita raw isang gabi ang aktres at ang ex-boyfriend nito na isang aktor din sa bahay ng una.

Nawindang daw ang mga kasama sa bahay ng aktres nang malaman na dumating ang kanyang dating kasintahan.

Hindi naging maganda ang paghihiwalay noon ng aktres at ng ex-jowa nito, kaya nagtataka kami kung bakit dinalaw ng huli ang una sa bahay nito at doon pa diumano nagpalipas ng gabi, kahit alam naman niyang may bago nang boyfriend ang kanyang ex-girlfriend.

May nangyari kaya sa kanilang dalawa ng mga sandaling yon?

Sa ngayon ay walang girlfriend ang ex-bf ng aktres. Isa siyang mahusay na aktor ng kanyang henerasyon.

Magkasama sila sa isang istasyon, habang ang current boyfriend ni aktres ay nasa K (maaaring Kapamilya, Kapuso o Kapatid) Network.

Abangan natin ang susunod na kabanata sa tatlong ito!

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

5 thoughts on “Vice Ganda, sobra ang suporta sa mga kaibigang stand-up comedian

Leave a Reply

Your email address will not be published.