Vice Ganda, seryosong pinag-aaralan ang role ng tunay na babae

SOBRANG PAYAT ni Vice-Ganda nang makita namin ito sa birthday party ni Direk Wenn Deramas. Totoong nagbawas siya ng timbang bilang paghahanda sa movie niyang Girl, Boy, Bakla, Tomboy ng Viva Films at Star Cinema, entry sa Metro Manila Film Festival this coming December.

Hindi gawang biro ang apat na character na gagampanan ni Vice sa nasabing pelikula. Totoong mahirap gawin ‘yun, ayon kay Direk Wenn. Dito masusubok ang galing niya as an actor/comedian.

May tsika, gusto raw ni Vice na mala- model ang dating niya kapag naka-in character na ito bilang babae sa paningin ng manonood. Sa tindig, galaw at katawan, pagkakamalan mong babae nga siya. Boses lang ang kailangang pag-aralan para maging makatotohanan ang kanyang pagganap. Pati damit pala na gagamitin sa shooting ay talagang pinaghandaan. First time kasi niya gaganap na babae sa pelikula. Pawang mga sikat na designers ang gagawa ng mga damit na isusuot  ni Vice-Ganda sa GBBT.

Kahit comedy ang tema ng istorya ng pelikula ni Vice, seryoso nitong pinag-aaralan ang bawat character na ipo-portray niya. Gusto ni Direk Wenn na maging makatotohanan ang pagganap niya sa apat na character. Naniniwala ang box-office director na mabibigyan ng justice ni Vice ang role na ibinigay sa kanya.

Kahit inuulan ng intriga si Vice-Ganda dahil sa pagiging taklesa nito, patuloy pa rin siyang sinusuportahan ng kanyang fans. Wala naman siyang intensyong manlait o makasakit ng kapwa niya. Parte lang ‘yun ng pagiging stand-up comedian niya. Kung mayroon man siyang nasagasaan sa kanyang mga jokes, nagpapakumbaba si Vice at humihingi ito ng tawad sa taong kanyang nasaktan.

 

KAHIT MAY katabaan si Sunshine Dizon, lumutang pa rin ang galing niya sa pag-arte sa mga eksena nila ni Jaclyn Jose sa drama-series na Mundo Mo’y Akin ng GMA-7. Bumagay naman ang pagiging mataba nito bilang ina ni Lauren Young at Louise de los Reyes. Pero nangako ang actress na magda-diet na siya bago simulan ang bago niyang soap sa Kapuso Network.

Actually, sinimulan na ni Sunshine ang Cohen Diet, mabilis ang pagbaba ng kanyang timbang kaya sinigurado nitong babalik uli ang hubog ng kanyang katawan at magmumukhang bata na naman siya sa susunod niyang TV show.

Sobra kasing nag-enjoy si Sunshine nu’ng nagbakasyon siya sa States. Lahat daw ng masasarap na pagkain ay tinitikman niya sa bawat restaurant na puntahan nila sa US. Hindi niya namalayan ang biglang paglobo ng kanyang katawan. Napansin na lang ni Sunshine ang pananaba niya nang magbalik-‘Pinas na siya. Biglang siyang tinawagan ng GMA-7 para sabihing may bagong siyang soap na gagawin. Wala nang nagawa ang actress kung hindi tanggapin ang offer dahil very challenging ang role na ginampanan niya rito.

 

BONGGA SI Joey Paras, puro foreigners pala ang mga nakarelasyon niya. Palibhasa lead singer ng band at madalas mag-show sa ibang bansa. Nakilala niya abroad ang mga lalaking nagkaroon ng kaugnayan sa kanyang buhay. Pero hindi rin nagtagal ang relationship kahit taon din ang binilang.

“May single at may hiwalay sa asawa na foreigners akong nakarelasyon. “Puro banyaga ang nagkakagusto sa akin. Slim ang katawan ko noon, takaw pansin ako ng mga foreigner at saka, ako ang lead singer sa band kaya’t pansinin ako,” say ng comedian, sabay labas ng kanyang cellphone para ipakita sa amin ang katibayang nagsasabi siya ng totoo.

True,  super guwapito nga ang mga naging boyfriend at na-in love kay Joey Paras.

Sa ngayon, walang panahon si Joey sa mga lalaki. Mas gugustuhin niyang mag-concentrate sa pagiging actor/comedian. Lalo pa ngayong may launching movie na siya, ang Bekikang sa direksiyon ni Wenn Deramas.

“Marami akong experience pagdating sa relationship. Pahinga muna tayo pagdating sa love. Ang totoong nami-miss ko ang pagkanta abroad,” turan ng magaling na comedian/singer.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

5 thoughts on “Vice Ganda, seryosong pinag-aaralan ang role ng tunay na babae

  1. HELLO JOEY PARAS, DO YOU NEED ANNOUNCE TO THE WHOLE WORLD ABOUT YOUR SEXPLOITS? AND MIND YOU, FOREIGNERS PA RAW. BAKA NGA NAMAN KUNG SABIHIN NYANG PINOY DIN MGA DATI NYANG NAGING BF EH MA-DISPUTE PA. KUNG FOREIGNER FOR SURE WALANG REKLAMO. I SAW HIS LAST MOVIE AND I DIDN’T SEE PROOF OF HIS CLAIM THAT HE IS DESIRABLE TO GOOD LOOKING FOREIGNERS. MUKHANG MABAHO ANG BUNGANGA NYA EH.

Leave a Reply

Your email address will not be published.