Vice Ganda, sa hirap ng role, posibleng mag-best actor

Vice-GandaSA HIRAP ng role ni Vice Ganda, portraying four characters sa MMFF entry ng Star Cinema at Viva Films na Girl, Boy, Bakla, Tomboy, hindi pupuwedeng hindi siya ma-nominate sa kategoryang Best Actor.

Hindi lang naman ang hirap ng portrayal niya sa kanyang role ang basehan ng mga MMFF Jurors kundi pati na rin kung paano niya nai-portray nang tama ang role niya sa pelikula. Sabi nga ni Vice na mahirap sa kanya ang role ng tomboy dahil kontrolado niya ang pag-o-over acting sa peg ng isang tomboy na hirap siyang iarte.

Kaya nga ‘pag nagkataon na makapasok si Vice, ito marahil ang pelikulang comedy na alam mong puwede ilaban sa hanay ng mga pelikula tulad ng Shoot to Kill: Boy Golden ni Gov. ER Ejercito; ang pelikula Rocco Nacino tungkol sa buhay ng isang saint o naging santo, at ang pelikula ni Robin Padilla tungkol sa isang pulitiko na nakipag-hide and seek mula ‘Pinas hanggang Amsterdam mula sa mga may kapangyarihan; at ang lima pang entries kabilang ang pelikulang Pagpag ni Daniel Padilla na isang horror ang peg (may pamatos kaya siya na puwedeng makipagsabayan sa aktingan sa pelikula ng mga nabanggit na mga bida sa obrang kanilang ilalaban?).

I’m sure happy ang Pinoy dahil mae-enjoy nila ang tawanan with Vice, ang action scenes nina Gov. ER at KC Concepcion at ang pananakot sa pelikulang Pagpag nina Daniel at Kathryn Bernardo, na alam ko dudumugin ng publiko lalo pa’t tuwing Pasko, tradisyon na ang panonood ng mga Pinoy movies ng bawat Pilipino.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Vice Ganda, sa hirap ng role, posibleng mag-best actor

Leave a Reply

Your email address will not be published.