Vice Ganda, regrets not joining BFF cast

HINAYANG NA HINAYANG si Vice Ganda, dahil dapat sana’y sidekick siya sa BFF (Best Friends Forever), ang pelikula nina Ai-Ai delas Alas at Sharon Cuneta na palabas na sa May 13. Biglaan lang ang tawag. Tumawag ngayon, bukas na ang shooting.

“Mama, sayang naman, kasi gustong-gusto kong makatrabaho sina Ai Ai at Mega. Riot siguro ‘yung movie ‘pag nagkataon.”

Pero hindi pinahintulutan ng kanyang iskedyul si Vice. Dahil sa ibinigay na first shooting day, meron siyang natanguang show sa Davao, tapos, paalis pa siya ng April 24 for New York, dahil kasama siya sa movie nina Vilma Santos, John Lloyd Cruz at Luis Manzano.

Kaya sabi namin kay Vice, “Nakapanghihinayang nga ‘yan. Pero wala naman tayong magagawa, mare, kasi, meron tayong previous commitment. At hindi naman ‘yan ang huling movie nina Sharon at Ai-Ai, eh.

“Dapat kang matuwa, dahil naisip kang isama ni Direk Wenn Deramas sa movie niyang ‘yon. Naikonsider ka, so ibig sabihin, alam niyang meron kang ‘K’ na makasama sa movie nina Ai-Ai at Sharon.
“Hayaan mo na, meron ka namang Vilma Santos movie!”

Pumanatag na ang loob ni Vice Ganda nu’ng sabihin namin ‘yon.

AND SPEAKING OF Best Friends Forever, pautay-utay ay napanood namin ang trailer ng Sharon-Ai Ai starrer, at in fairness, bagong Megastar Sharon Cuneta ang mapapanood n’yo rito.

Sa naturang presscon, sobrang excited si Mega sa movie. Kaya sa loob-loob namin, ano kaya sa mga past movies ni Mega ang ayaw na niyang maalala, dahil isinusumpa niya’t pinagsisihang ginawa? Me idea na kami kung ano.

At kagabi lang, me nakapagsabi sa amin na itanong daw namin kay Mega kung totoong nakauubos siya ng isang buong lechon de leche, dahil ‘yun daw ang peborit ng aming kumare. Sabi namin, “Totoo ba ‘yan?”

“Kaya nga ipinapatanong sa ‘yo, ‘di ba? Dahil ‘yun ang tsika. Kaya nananaba si Sharon eh, dahil sobrang love niyang kumain ng lechon de leche.”

Naku, sabi namin, “Juice ko, kahit ano pa ang maging size ni Sharon, kahit maging tingting pa ‘yan o kumulubot ang balat niyan, eh, Sharon Cuneta na ‘yan. Kaya kung totoo man ‘yung sa lechon de leche, ano pa’ng isyu du’n?”

Don’t forget to listen to “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz882 sa AM radio at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

One thought on “Vice Ganda, regrets not joining BFF cast

  1. OK lang Vice Ganda kung hindi ka kasama sa BFF. This
    just proves that you are a trooper and a professional. You wanted so much to be part of BFF but you chose to do your prior commitments first. You will be remembered in the future and will surely get another or a better role.

Leave a Reply

Your email address will not be published.