Vice Ganda, puring-puri ni Joey de Leon! – Ogie Diaz

MALAPIT NA ANG Pasko. Ilang tulog na lang, sabi nga ng mga bata. Pero ba’t gano’n? Parang hindi pa ramdam, ‘no? Aba, eh, 14 days na lang, pero kokonti ang nariringgan namin ng mga Christmas songs. Kahit nga sa radyo, eh.

Totoo ba ang tsika na Santa Claus is not really coming to town? Hahaha! Juice ko, ang mga Pinoy pa. Gagawa at gagawa ng paraan ‘yan para lang mairaos ang Pasko, ‘no!

Magma-magic at magma-magic ang mga Pinoy para lang maging masaya ang Pasko.

HONESTLY, KAMI NGAYON, wa na kami expect kung maggi-give love on Christmas day ang mga artista o hindi. Alam naming hirap ang buhay ngayon. Kung merong i-give love, thank you. Kung wala, hindi kailangang magtampo porke hindi ka naalala.

Maalala kang i-text ng Merry Christmas, maging happy na tayo, ‘di ba?

SI LUI VILLARUZ, kilala n’yo? Siya ‘yung segment producer for how many years sa Umagang Kay Ganda, kasama namin.  Sabi niya, nami-miss niya ang morning show. Kami naman, honestly, kahit seven years din kami sa morning show, hindi naman masyado naming nami-miss.

Siguro nga, gawa ng busy-bisihan din kami. Saka ang sa amin, nawala man ang Umagang Kay Ganda, naniniwala kaming laging May Bukas Pa, he-he-he!

Si Lui, ang pinagkakaabalahan ngayon ay ang pagdidirek ng commercial. Ipinagmamalaki niyang siya ang nagdirek ng commercial na gatas nina Carmina Villarroel, Claudine Barretto at Jodi Sta. Maria-Lacson.

“Pagkatapos no’n, huminto na muna ‘ko. Kasi, napapanot ‘yung bigote ko sa tindi ng stress, ng pressure. Hindi ko pala kaya. Tumatanda na ang lolo mo. Pero next year, kahit apat na commercials sa isang taon, solved na ‘ko.”

Nag-birthday si Lui kahapon and dahil hindi naman siya mahilig mag-celebrate, I’m sure, ka-join lang niya ang dyowang si Angel Aquino na nagpa-laser ng mata.

Me gano’ng factor?

NAGKAUSAP PALA SINA Vice Ganda at Joey de Leon recently. Sobrang gustong matunaw ni Vice Ganda, dahil puring-puri siya ng beteranong komedyante sa kanyang mga “kagagahan” sa Showtime.

Naikuwento ni Joey na pinag-uusapan nila ni Allan K si Vice na sobrang nakakatawa raw sa kanyang pagdya-judge sa Showtime.

“Nilamon” na nga ng Showtime sa ratings ang Sis nina Janice de Belen, Gelli de Belen at Carmina.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

12 thoughts on “Vice Ganda, puring-puri ni Joey de Leon! – Ogie Diaz

    • oh, really? care to venture your stupid opinion another “anoymous”! huwag mo naman akong idamay sa talagang kabobohan mo! bwahahaha!

  1. sori Friday pla un..nagmoodymoody nnman sya nung Fri..nagthreaten parang aalis sya..malamang pinagsabihan nnman sya ng management/ABS kc may mga balita na hindi nnman sya nakikinig sa advice sa knya na huwag pagalitan ang mga staff nya on air..sabi nya hindi nman daw matigas ang ulo nya..

    • bakit, anong nangyari sa wowowee nung sabado? bihira na kasi akong manood nun dahil nakasasawa na ung hep hep hooray nila.

  2. Sus si Joey pa, eh pati Wowowee pinapanood nya. kaya nga sobrang inggit sya, kasi dati si Willie sidekick lang nya, ngayon mas sikat na at mas mayaman pa.

  3. ano ba katapat ng sis diba isang koreanobela na ‘rewind’ lang? di nga tumagal ng isang taon ang ruffa and ai.

    • oh, eh ngayon ay matatanggal na ang SIS, dahil kabog na kabog na, binigyan na sila ng deadline, eh bakit kaya? ang sabi mo nga ay yung rewind ang katapat? affected talaga sila ng showtime!! balitang ganon din ang ang format ang itatapat, yung TODO BIGAY ni bayani, si janice lang ang matatanggal sa mga host, yung dalawa kasama sa new show

  4. kasi naman kahit show ni joey na pang sabado TALO! bwahahaha! imagine, ang sis nakaka 4% na lang sa ratings, kawawa naman at least ang ruffa and ai noon ang nakukuha hindi naman kasing baba as 4%, yan kasi ang mga mapanlait yan tuloy! bwahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.