Vice Ganda, pinasaya ang batang fan na cancer patient

FINALLY, NAGKITA na nang personal sina Vice Ganda at Ashley Ann Nepomuceno, ang anim na taong gulang na batang babae na may sakit na stage 1 cancer of the bone marrow, sa programa ng una na It’s Showtime kahapon lang.

Bagama’t hindi nakapanood ng buong show si Ashley at ang lola n’ya, dahil mga batang may edad na seven years old pataas lamang ang maaaring makapasok sa loob ng studio for safety rules and regulations ng palabas, masayang nakipag-picture sa mag-lola hindi lamang ang Phenomenal Box-Office Star kundi pati ang mga kapwa hosts nito na sina Anne Curtis, Vhong Navarro at iba pa.

Habang hinihintay nga nina Lola Cleofe Navarro at Ashley na matapos ang noontime show sa labas lamang ng studio para magka-tsikahan ulit sila ni Vice, nakita namin ang mag-iinang Nadia Montenegro, Ynna at Yana Asistio kasama si 2013 Bb. Pilipinas-Universe Ariela Arida na napansin ang mag-lola at tila nahabag, kaya kinausap nila ang mga ito at nangakong bibigyan ng tulong ang bagets na may sakit.

Maligayang-maligaya si Vice na makita at makilala sina Lola Cleofe at Ashley, dahil naisip raw n’ya na wala tayong karapatang malungkot sa kabila ng pinagdadaanan ng bata. Siya pa raw ang napasaya ng mag-lola kung tutuusin.

Nang tanungin daw si Ashley noon ng general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na si Mr. Fernando Rojas kung ano ang gusto ng una para sa kaarawan n’ya, nais lang daw makita ng bata ang kanya ngang iniidolo na si Vice.

Pinakuha ng komedyante sa kanyang staff ang stuffed toy na kabayo sa bahay n’ya at ibinigay kay Ashley.

Bukod d’yan, malugod na ipinagkaloob din Vice ang kahilingan ng bagets na mapanood n’ya pa rin ang idolo, kahit nasa ospital ito at nagpapagamot, kaya naman agad-agad namang nagpakuha ang Unkabogable Star ng Star mobile tablet at iniabot kay Ashley at sinabing: “Panoorin mo ‘ko araw-araw, ha?”

Matapos ang pag-uusap nina Vice, Ashley at lola nito, dumiretso na ang una sa shooting ng kanyang pelikulang Girl, Boy, Bakla, Tomboy na ayon sa kanya ay nakaka-walong shooting days pa lang sila.

PASABOG ANG the one and only Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas sa premiere night ng kanilang pelikula ni Marian Rivera na Kung Fu Divas na ginanap sa Megamall cinema last Tuesday night.

Pagtapak sa red carpet patungong stage sa labas ng sinehan ay tinggal ni Ai-Ai ang red and black see-through skirt nito na natatakpan ang harapan at puwetan at rumapa nang naka-tangga kasama ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, kaya naloka ang lahat ng mga supporters ng dalawa na naghihintay sa kanila.

Habang naglalakad sa red carpet ang dalawa ay naghiyawaan ang mga taong malapit sa stage, dahil nakita nilang dumaan sa gilid at pumasok na sa loob ng sinehan ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes.

Inabangan na lang ng Kapuso Primetime King ang kanyang nobya sa gilid sa loob ng sinehan para i-congratulate ito at si Ai-Ai at ibigay ang kanyang dalang bouquet of flowers.

Hindi nagtagal na nanood si Dong, dahil may shooting o dubbing pa raw ito ng kanyang latest movie for Star Cinema na She’s The One opposite Bea Alonzo.

Suportado rin si Ai-Ai ng kanyang business manager at kaibigan na si Tito Boy Abunda at ni Charlene Gonzalez-Muhlach nu’ng gabing ‘yon.

Samantala, ang friendship ng komedyana na si Kris Aquino ay nanood ng special block screening nitong nagdaang Miyerkulas lang ng gabi sa Trinoma cinema na sponsored ng Golden Been Feeds at Calata Corporation ni Joseph Calata kung saan present din si Pops Fernandez.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

6 thoughts on “Vice Ganda, pinasaya ang batang fan na cancer patient

  1. Naku wag tayong maniwala kay KABAYO pinababango lang ng ABS CBN name nya para kumita yung pelikula nya sa MMFF. Kung laitin mo si JESSICA SOHO ganun na lang ha… multi awarded yun di tulad mo puro kabobohan at lalake lang alam mo… Sana yung mga supporters ni JESSICA SOHO at pati na yung iba pang nilait nya para kumita sya ng milyones at wag suportahan movie nya para marealized nya na di dapat tapakan ang ibang tao para umangat sa buhay… VICE KABAYO LAGOT KA!!!!

    • Kelangan pa bang gumimik? E hndi nga matibag ang Sunday show nya! Ni hindi nag alisan ang mga sponsors pati sa Showtime! 

    • TUMIGIL NGA KAYONG MGA BITTER LANG KAY VICE HAHA! INGGIT LANG KAYO DAHIK KAHIT INTRIGAHIN SIYA NG BONGGA  SIKAT PA RIN ANG BAKLA, NAGRE-RATE PA RIN ANG SHOWTIME, NASA ERE PA RIN ANG GGV , DINUDUMOG PA RIN ANG CONCERT NIYA, AT TUMATABO SA TAKILYA ANG PELIKULA, HAHA! WALA KAYONG MAGAGAWA HINDI NYO SIYA MAPAPATUMBA HAKHAK! MAMATAY KAYO SA INGGIT!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.