Vice Ganda, pati gobyerno kinakalaban!

OLA CHIKKA! SADYANG wala na talagang makapapantay rito sa narating ng komedyanteng si Vice Ganda na dahil sa sobrang taas ay nakalimutan na yatang lumapag sa lupa. Noon pa lamang ay napansin ko na ang biglaang paglaki ng ulo nitong host ng Showtime. Lagi ko siyang pinupuna rito sa aking column hindi para siraan kundi para gabayan upang tumagal siya rito sa ating industriya, dahil siyempre bilang nakatatanda at halos 41 years na sa industriya, karangalan kong makatulong sa ibang tao at isa na roon si Vice Ganda na isa sa mukha ng aming federation.

Bilang isang bading, dinadala niya hindi lamang ang kanyang personalidad kundi pati halos lahat ng kabadingan sa buong Pilipinas ay inirerepresenta niya. Kaya hindi ako sumasang-ayon sa mga pinaggagagawa niya.

Noon, napakasimpleng tao lamang niyan. Makikita mo sa gimikan tahimik lang, walang kahangin-hangin. Kung tutuusin nga, mas maganda pa noong stand-up comedienne lamang siya, medyo napeprenuhan pa ang kayabangan at pagiging taklesa nang wala sa lugar. Ngunit ngayon, mukhang nagka-stiff neck na at nakalimutan nang lumingon sa pinaggalingan.

Teka! Sa bagay, dati pa namang may bahid ng kamalditahan ‘yan kaya hindi na ako nagtataka na maging ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ay hindi nakaligtas sa matalim niyang dila.

Trabaho ng MTRCB na bantayan ang ipinalalabas sa mga pelikula at telebisyon kaya hindi na kayo dapat magtaka kung marami ang nag-iingat makalaban ang mga ito. Ngunit dahil na yata sa sakit ng hydrocephalus keme o paglaki ng ulo nitong si Vice Ganda, nabara na yata ng kanyang kayabangan ang proseso ng tamang pag-iisip na maging ang MTRCB Chief na si Consoliza Laguardia ay sinabihan niya ng hindi magandang salita na wala namang ginagawa sa kanya.

Sa interview niya sa presscon ng kanyang latest na pelikula, natanong siya kung hindi ba siya natatakot sa MTRCB Chief dahil sa mga kumento niya sa Showtime, at ang sagot niya lamang ay hindi ito nag-e-exist para sa kanya.

Sa bagay, sino ba naman siya para pag-aksayahan ng panahon ni Laguardia? Hintayin na lamang niyang mapansin siya nito nang makita niya kung papa’no mag-exist ang isang Laguardia. Hindi ba alam ni Vice na ang MTRCB ay parte ng gobyerno na dapat respetuhin lalo na at kung wala namang ginagawang masama sa kanya.

Hindi lahat ng oras ay pinapairal ang pagiging prangka. May pagkaprangka ring wala sa lugar. Tamah?!
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong super papalicious na as in yumminess to the highest level? Dahil mukha pa lang panalo na at dagdagan mo pa ng super hotness niyang katawan ay daig mo pa ang nanalo sa lotto kapag nahawakan mo siya.

Ngunit babala ko lamang sa inyo, mga kaparazzi, na hawakan n’yo na lahat ng part ng kanyang katawan, huwag na huwag mo nang subukang daplisan at lalung-lalo na singhutin ang amoy ng paa niya dahil iisipin mong isang milyong daga na ang namatay sa loob ng kanyang sapatos.

Sa isang reality show kung saan kasama ang guwapong aktor, amoy na amoy ang masangsang na halimuyak ng kanyang paa! Ha-ha! Halimuyak daw, oh! Dahil siyempre, kapag tinanggal mo na ang sapatos mo ay saka sisingaw ang amoy ng paa mo at sa araw-araw ba naman nilang magkakasama eh, hindi pa nila maamoy ang napakalupit na gayuma ng young actor? Hmmm… Ewwww!! ‘Yun na!

Ano gets n’yo na? Kung hindi n’yo pa rin mahulaan, subaybayan na lamang sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays, 11:30-12 nn. NN. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo, 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

20 thoughts on “Vice Ganda, pati gobyerno kinakalaban!

  1. asus, tita swarding! bitter ka ba dahil nde ka naaambunan ng grasya?? o insecure ka dahil tumanda ka na sa federation nyo, e tabloid writer ka pa rin at nasapawan ka ng isang vice ganda na umalagwa ang career in barely 2yrs.

  2. daming naiinsecure kay vice ganda ah!for sure yang mga nagcocomment dito mga tao lang din ni swarding bwahahahahaha

  3. lintek kasing pang gimik ng isang walang kakwentang kwentang pelikula…pati gobyerno gagamitin na pang gimik..pweee..pwde paki sabi sa baklang to na tigilan ang kayabangan nya baka matulad sya sa isang talent ng abs na tsinugi dahil sa kayabangan,,,….

  4. Hehehehe… sa susunod na makikita nyo si vice eh, nasa binondo na at me hilang karetela. Corny na ang pagpapatawa nya… Wala pa rin sya ke Roderick Paulate.

  5. Sana ma notice ni Vice G. na madalas siyang nakaka offend ng mga hindi gwapo na member ng mga group contestants sa Showtime. Although ang probable intention niya eh magpatawa eh pero madalas nararamdaman din ng mga viewers kapag pinupuna niya ang hindi gwapong members ng grupo. Pag na didinig namin siya while watching here sa TFC Middle East eh pinanghihinawaan kaming mapanood pa si Vice. Sana makarating sa kanya ang mga ganitong comment ng viewers, para mabago naman niya ng kaunti yung ugali nyang yon na nakaka offend. Pare pareho lang ng amoy ang lahat ng tao sa inilalagay sa toilet. Kung mas mabango yung inilalagay niya sa toilet niya eh OK lang, pero pare-pareho lang ng amoy ang inilalagay sa toilet ng lahat ng tao. Honestly, nakakainis na siyang panoorin sa Showtime…..lalo na pag nag-iinarte….ang “corny” na tingnan! Honestly, and prediction namin dito sa Middle East eh lalangawin yung movie niyang Petrang Kabayo….wanna bet?

  6. balita eh nakikipagbati na raw itong si vice chaka ke mrs.laguardia? oh akala ko ba eh hindi siya nag e-exist???

    natakot ang kabayo na baka puro langaw ang papasok sa loob ng sinehan hahaha….

    me kahati na si mariel sa tronong pagiging plastikada.

  7. wala kaming time sa gaya ni vice kabayo kaya never kami manood movie niya – tungkol lang sa kabaklaang wala naman maidulot ng maganda kundi panlalait tulad sa ginagawa niya sa showtime! feel niya sa kanya ang show kung sapawan sila vhong, anne, kuya kim, atbp!

    sana din langawin ang u.s. concerts niya kasi masyadong x-rated; tulad ng showtime sa u.s., sobrang malaswa ang jokes niya tungkol sa mga naka-sex niyang mga ilokano, tagalog, d best daw batangueno w/ matching actions pa – marami pa namang batang fil-am nanonood at nandun pa ang hiyang-hiyang nanay at mga relatives niya!

  8. DAPAT ITUTOK NI LAGUARDIA ANG PAGBABANTAY SA LAHAT HINDI LANG SA SHOWTIME. BIASED. PALITAN NA SIYA.

  9. in my opinion, mali talaga ang ginawa ni vice ganda.. there’s a big difference between being prangka at being taklesa. you can be frank and straight forward without stepping on others toes, and that’s more important than what vice did. hindi porket nagpakatotoo sya ay korek na sya. walang pinagkaiba yan sa pangrireyp dahil nagpakatotoo lang sa nararamdamang libog sa katawan.. may tamang lugar sa lahat ng bagay katulad ng may tamang lugar sa pagtataray.. vice, beke din ako pero di ako sangayon sa style mo. ano na lang mangyari sa pilipinas kung lahat ng beke ay kagaya mo na mapanglait kahit pa sabihin mong katuwaan lamang. you’re not a good role model to us.. sad but true.

  10. Vice Ganda, patay na ang movie mo. sigurado ako, walang manonood niyan. sige magtataray ka pa baka sa basuran ang bagsak mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.