Vice Ganda, pangalawang Willie Revillame?!

OLA CHIKKA!! MAGANDANG Lunes sa lahat! Ngunit parang itong unang chikka ko ay hindi masyadong ikagaganda ng araw ko. Nais ko lamang linawin ang isyu tungkol sa akin at sa pelikulang Petrang Kabayo na naging headline sa isang tabloid.

Kung inyong matatandaan ay naisulat ko pa rito sa aking column at naipahayag ko na rin sa radyo na isa ako sa main cast ng Petrang Kabayo. Siyempre, kahit papaano, sumama ang loob ko dahil ang lumabas ay pinaasa lamang nila ako.

Noong April ay nag-text mismo sa akin ang scriptwriter ng pelikula na si Mel Del Rosario at tinanong kung ayos lang sa akin ang isang certain role dahil ako raw talaga ang napili niya para sa character na ‘yun, at siyempre tinanggap ko dahil

sayang naman ang kabayotic beauty ko, ‘di ba?! Kaya sabi niya ay si June Rufino na raw ang makikipag-communicate sa akin.

Nakatanggap ako ng tawag mula kay June at tinanong kung magkano ang talent fee ko kaya ang sagot ko ay itulad na lang sa TF ko sa Masikip sa Dibdib dahil parehas namang under Viva Films. Kaya ayun sabi niya, “BABALIKAN NA LANG KITA” kaya naghintay naman ang lola n’yo. Ayun, lumipas na ang mga linggo wala pa rin tawag or text man lang.

Kaya noong nag-guest sa akin sa DZRHTV itong si Chito Alcid, ikinuwento ko ang lahat. Kaya naman agad niyang natanong, “Hindi kaya ipinatanggal ka ni Vice Ganda?” Sabi ko naman siguro marahil dahil ito sa pagpuna ko sa kanya sa Showtime na huwag itulad ang wholesome program sa comedy bar, dahil may mga batang nanonood.

Nakatanggap naman ako ng tawag mula sa manager ni Vice na si Ogie Diaz ngunit hindi ko ito nasagot at hindi naman na siya tumawag ulit or kahit nag-iwan ng text message. Nakapag-usap naman na daw si Chito at Ogie at

nabalitaan ko na ang pumalit sa akin ay itong si Ricky Rivero. Ang baboy pala ay puwede nang pamalit sa kabayo?! Ha-ha! Joke!

Kahit naman tumawag pa ang sino man mula sa Petrang Kabayo ay wala naman na akong interest at basahin na lamang nila ito para sa aking paliwanag. Ay, naku! Vice Ganda, pangalawang Willie Revillame?!

Sabi nila… Enough is enough and the damage has been done.

AT NAIS KO naman batiin ng congratulations itong ever dearest friend kong si Mayor Rafael Diaz ng San Mateo, Rizal matapos ang kanyang matagumpay na inauguration noong June 30, 2010. At siyempre malapit na ang fiesta kaya maghahatak na naman ako ng mga artista upang maimbitahan at… maintriga! Ha-ha!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong male host? Male daw, oh! Gay host-actor na naispatan ng aking parazzi girl na lasing na lasing sa isang bar sa Timog.

Kunsabagay, hindi na naman big deal kung malasing ka. Eh, ang problema, lasing na siya eh, ang kulit-kulit pa. Ang chikka pa ay naghahanap daw ng mai-booking ‘yung tipong ginawang Quezon Ave itong bar at namimik-ap ng lalaki.

Naku, huh! Hindi maganda ‘yan. Sino itong young gay host-actor na ito. Talented pa naman siya… oh I see… Ha-ha! ‘Yun na!

At nais ko kayong anyayahan na maki-chikka sa amin online tuwing Biyernes sa PINOY PARAZZI LIVE! Just log on to http://www.flippish.com/pinoyparazzi from 3-4 PM!

Para pa rin po sa mga guesting, shows, advertisement of products, services and everything, maaari po namin kayong matulungan diyan. Just call our OLA CHIKKA PRODUCTIONS’ office at 417-6181 or text 09274284216 para sa inyong mga katanungan.

At patuloy pa rin po akong subaybayang sa aking programa sa DZRH TV tuwing Linggo from 2:30-3:30 P.M. at DWSS 1494 kHz tuwing Sabado at Linggo 10:30-11:30 am. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

26 thoughts on “Vice Ganda, pangalawang Willie Revillame?!

  1. magbabago din c vice pag iniisip nya ang sinasabi niyA… kung mag iingat cya magtatagal cya sa showbiz…..ang mabuting tao ay nagtatagal talaga… SINUSUBUKAN LANG ANG TAO KUNG MARUNONG SIYANG MAGBIGAY HALAGA SA NATATAMASA NIYANG TAGUMPAY…

  2. alam mo hanggang dyan k nlang swarding,”wag k ng
    mangarap n si2kat k s mga indie film..kung ako syo umasa
    k nlang s pag su2lat mo s colum mo n wlang kuwenta….!!!
    yan dyan k nlang at mag sulat k ng mag sulat pra kumita k ng barya-barya..asa kpa n maku2ha k bilang petrang kabayo!!!!shit!!! mas mala2 kpa kysa s kabayo!!!!!!!!
    wla kng alam n ibang tirahin kundi si willie…bkit d mo kya tirahin c joe de leon or c vic sotto? aber!!!!!!!ha!ha!ha!
    tkot ang baklang bato!!!!!

  3. honestly, nabawasan ang paghanga ko kay vice simula nung sobrang nilait at pinahiya niya si Tado…dati i dont miss showtime at bentang benta sa akin si vice now parang nagiba na tingin ko sa kanya…ska minsan talaga off mga jokes niya….saka yung arte niya na galit galit pag pinagsasample siya.parang sa akin, dapat pagbigyan mo ang mga fans kasi dahil sa sample sample na yan lalo kang sumikat…hay sana di naman tuluyan mawalan na ako ng paghanga kay vice.

    • Bastos naman talaga siya, kanto boy kasi dati. Just watch yong mga bukas ng bibig niya, sobrang yabang at too proud sa sarili. Puede silang magsama ni Willie sa programang ” Vice & rEVILlame Game Show” sa tagalog..Bisyong Satanas Game Show” timeslot 1:00am para tulog na mga bata.

  4. ABS-CBN may alaga na naman kayong talent na sisira sa inyo, dapat maaga palang eh tanggalin nyo na si Vice Horse Ganda sa Channel 2 para hindi na maghasik ng lagim sa mga show ninyo…..

  5. parehas sa sila ni Vice horse Ganda at Wowowee, si VG eh akala mo kung sinong mag-judge sa Showtime, last week lang eh inilaglag nya yung isang group tapos ang ipinanalo nya eh yung mga kabaro nyang mga bading, halatang halata si VG Horse sa inasal nyang asal kabayo, sana Burado na si VG Horse sa Showtime, sumikat lang ng konti eh akala mo kung sinong ubod ng ganda eh puro gilagid at ngala-ngala lang naman ang itsura ng mukha na kamukha talaga ng kabayo…..

  6. YES, I’VE NOTICED THE PICS. LOOKS LIKE REALLY SISTERS SILA. AND SEE, WATCH, ANALYSE THEIR PROFILE, BEING VERY ARROGANT, VERY PROUD, MAYABANG TALAGANG TINGNAN, KAHIT SAANG ANGLE. MAPAGMATAAS YONG MGA TINGIN NILA. PARANG MINAMATA KA ULO HANGGANG PAA.

  7. Kalurkey! Daming bitter ky vice. At mga kapuso ito malamang, kasi naman di na nakaahon sa puTik ang diz is it. Masama ang loob ng mga kapuso dahl hit na hit ang showtime!

    Swarding wag ka na mgtaka kung tinanggal ka, o di natULoy ang pag cast sau! Dahil yun sa ksamaan ng ugali m0! BITTER KA!

    • KALA MO LANG YON BAKLANG STAMBAY, IKAW ANG BITTER AMPALAYA KA.
      OBVIOUS AND KNOWN NA NAPAKARAMING GALIT NA KAY SUPER BIAS, BASTOS AT MAYABANG NA VICE AT WILLIE. SEE THE PICS, HALOS MAGKAMUKHA SILA, PARANG MAGSISTER BA. SA SIMULA OKEY SILA, PERO LUMALABAS TALAGA NATURAL LATTER ON, LIKE THEIR CASE…….. HAR HAR HAR..HAR..

  8. TITIGAN NYO MGA MATA. GANYAN DAW MGA MATA NG ISANG GANID, MAPAGKUNWARI, MAY SARILING MUNDO AND WITHY CRIMINAL MINDS, THATS MY PSYCO ANALYST SAID UPON SEING THIS PICS. MALAY KO BA, YON ANG SABI NYA EH. GRADUATED SA U.P. SIYA AT LAGING 99% TAMA EVALUATION NIYA THRU VISUAL TEST.

  9. Bagay sila sa picture, parang kambal tuko. Parehong ubod ng bastos, mayabang, hambog, walang modo at bungangera. No.. no.. no….as a role model na kabataan.

  10. Vice is naturally bastos, bungangera at mayabang. Kaya bagay talaga sila magsama. suggest this show : Vice @ reEVILlame Show, sa tagalog Bisyo ni Satanas Show, timeslot 1am para tulog na kabataan.
    Too obvious, binaboy niya taga Davao crew last week Showtime. Lahat ng judges excellent remarks and score, pagdating sa kanya, bagsak to a shocking 06. Dahil kasi sa manok niya na Ilolio Crew na puro kabaro niya, (malaki lagay?) Dati akong fans ni Vice, pero marami akong nadiscover sa kanya. Remeber last 15 june 2010, taga Davao Oriental, binigyan niya ng lowest score na 05, susmayosep, sa layo ba naman, tapos 05 lang? Asan naman puso mo Bisyo?

  11. Sa totoo lang, dati akong fans ni Vice, pero marami akong nalaman about him/Her. Latest kaya ako naturn off, yon bang Showtime judging nya last week sa Davao Crew, against Iloilo Crew, BINABOY NIYA SCORE. Lahat judges excellent comments & score, pagdating sa kanya # 06, lahat nashock. e mga professional dancers taga Davao.
    Agreed. si Vice another Willie Revillame in the making, sa tingin ko, masahol pa sa yabang at kabastusan. Hindi dapat maging huwaran ng kabataan. Definitely, Cannot be a Role Model AT ALL. Garapal kasi magsalita at Kumilos.

    • Yes, dapat silang magsama at gumawa ng show titled :
      ” Vice & rEVILlame Show”,
      sa tagalog po ” BISYO NI SATANAS “,Time slot:1.00am, para tulog na mga kabataan at mga moralista. Di ba?

  12. MASISISI BA NINYO SI TITA SWARDING NA MANGHINALA KAY VICE E HALOS LAHAT NG MGA ARTISTA PAG MEDYO NAPUNA LALO NA SI TITA SWARDING NAG REACT AGAD.ANO GUSTO NILA MAGSINUNGALING ANG MGA WRITERS KAHIT ASAL DEMONYO SILA ISULAT NG WRITERS NA MGA ANGHEL SILANG BUMABA SA HEAVEN.MGA ARTISTA TAO DIN KAYO NAGKAKAMALI.MAGPAKUMBABA NAMAN KAYO AT AMININ KUNG NAGKAMALI KAYO.AT MGA FANS GAMITIN NINYO MGA UTAK NINYO DAHIL ANG IBA SA MGA INIIDOLO NINYO ALIKABOK LANG TINGIN SA INYO,HUWAG NINYONG IPAGTANGOL PATI KAWALANG HIYAAN NILA

  13. BASTA ANG MASASABI KO KUNG SI VICE NGA ANG NAGPATANGGAL KAY TITA SWARDING KUNSENSIYA NIYA ANG MAGDADALA NIYAN.HINDI LAHAT NG PANAHON NASA TOP KA.THE MORE TAONG SINASAKTAN MO THE MORE LALAYO SA IYO ANG BIYAYANG TINATANGAP MO.KUNG HINDI NAMAN SI VICE.E DI TULOY TULOY ANG SWERTE NIYA.HUWAG KAYONG TUTULAD KAY WILLIE.MAYAMAN NGA SIYA PERO MAY NAKAKA MISSED BA SA KANYA.E DI WALA.MEANING MGA TAONG NAKAPALIGID SA KANYA KINAMUMUHIAN SIYA.

  14. magkamukha sila dito ni willie…sabagay ang pinagiba lang ni willie kay vince eh si willie babae ang minamanyak si vice eh kung di papablow job sa kanya di nya papanalunin sa pangbaklang showtime nya….di ba isyu na yan kay kabayo///

  15. hoi swarding..ahaha..kasi naman sa mukha mong yan may talent fee pa? syempre sayang bayad nila para sa mukha mo no..ahahhaa..ambiyosa..isa pa ..hindi si vice yun kasi sabi nga ni vice kayong nag sususlat ng negative sa kanya dahil kayo nagpapasikat sa kanya…ahahha…tska ito apa…di ka pwede kabayo ganda ng katawan ng kabayo ei….ang dapat sayong role! TUKO! shahhaha……

    BLIND ITEM; SI IC MENDOZE TE..SURE AKO

  16. inggit ka lang kay VICE kea ganyan ka mag react.. batas ba si vica sa viva at lahat ng gustu nia susundun?magisip ka nmn nuh..bka hindi ka nmn talented kasi kaya hindi ka na kinuha.

  17. hindi ka pala sigurado kung bakit hindi ka nakuha. tapos ipapasa mo agad na si vice ang nagpatanggal sa yo? sisirain mo pa yung career nung isa dahil napag iiwanan ka lang. bago ka magsulat kausapin mo muna yung pinag iisipan mo ng ndi maganda. ndi yung nakikinig ka sa bulong ng iba. btw, lumaki man ang ulo ni willie, pero aminin man o hindi, mali naman talaga ginawa ni jobert. kung regular syang nanonood ng wowowee, alam nyang lahat ng buhay may storya. hindi lang yung mayayaman, maganda at matalino ang meron.

Leave a Reply

Your email address will not be published.