Vice Ganda, pagod na sa pagiging judge ng Showtime?!

TALK OF THE town nga ngayon ang sumabog na balitang may hidwaan sa pagitan nina Angelica Panganiban at Claudine Barretto.

Kahit na sinabi na ng abogadong si Atty. Joji Alonso na binawalan na ng management niya si Angelica na magsalita o magkomento pa sa mga naging pahayag ni Claudine sa diumano’y mga dahilan kung bakit siya nagsasalita ngayon against the Kapamilya star eh, hindi na sa kampo nito magmumula.

Ipinagtanggol ng ama-amahan ng dalawa sa ABS-CBN na si Mr. Johnny Manahan ang mga akusasyong ipinukol kay Angelica.

“Feisty, irreverent and sometimes crude” ang nasabi ni Mr. M kay Angelica. Pero hindi raw ito sinungaling.

At kung ano ang kahihinatnan ng mga salita ni Mr. M patungkol kay Claudine na “Go ahead! Sue, Claudine! Make our day! Para bellum (Prepare for war),” eh, isang bagay na wish ng sinuman na huwag nang humantong pa sa mas grabeng sitwasyon.

As of latest reports, si Mr. M na at ang manager ni Claudine na si Ms. Shirley Kuan na ang nag-uusap tungkol sa lumalaking sigalot.

IKALAWANG  MALAKING ENDORSEMENT naman daw ni Vice Ganda ang pagkakataong ibinigay sa kanya ng Globe para siyang mag-promote ng kanilang ‘regalo’ para sa mga pre-paid subscribers ng nasabing kumpanya.

Ang unang iniendorso ni Vice Ganda hanggang sa kasalukuyan eh, ang mga serbisyo ng Calayan Surgicentre, although wala naman daw siyang ipinaretoke sa anumang parte ng mukha at katawan niya, mga may kinalaman lang daw sa pag-i-enhance ng kanyang byuti ang isinasagawang serbisyo nito sa isa pa rin sa mga inaabangang judges ng Showtime araw-araw.

Kaya, happy si Vice Ganda, na after ni Zaijan Jaranilla, siya naman ang magiging mukha ng Globe, dahil na rin sa kanyang pinasikat na mga katagang “May Nag-Text!”

Ang tanong ko nga kay Vice Ganda eh, kung dahil ba sa mga salitang ito kung kaya naisip ng Globe na kunin ang kanyang serbisyo? Although sabi naman ni Vice Ganda, hindi naman niya naipa-copyright ang nasabing mga salita na siya na ring naging titulo ng major concert niya kelan lang sa Araneta Coliseum, na mga kataga ring nakikita na sa sari-saring merchandise items na gaya ng T-shirts, mugs at iba pa.

Hindi naman sinabi ni Vice Ganda kung tina-patan ng Globe ng malaking halaga ang nasabing mga kataga na masasabing kanya lang sa punto ng kasikatan.

Kahit naman aminado si Vice Ganda na napapagod na rin siya sa pagiging judge niya sa Showtime, at ginawa na nga niya ang kagyat na magpahinga from the show, hindi maiaalis at hindi maitatanggi na sa mga subscribers naman ng TFC at sa naging hits sa Facebook account niya na inaabangan talaga ang lahat ng ginagawa nito sa nasabing programa.

“Kaya nasabi ko na hindi madali. Kasi, every now and then, you have to come up with a gimmick. ‘Yung kailangang lagi kang may bago at hindi naman maganda ‘yung paulit-ulit na lang ang sinasabi mo sa mga komento mo sa mga contestants. Sa isang banda, nagiging challenge na rin. Draining lang talaga. Pero, hindi ko naman basta iiwan ang show. Kailangan lang talagang bumuwelo every now and then.”

Gaya ba ni Petrang Kabayo na malapit nang uma-rangkada sa takilya?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

15 thoughts on “Vice Ganda, pagod na sa pagiging judge ng Showtime?!

  1. Antonio i suggest manood ka FACE to FACE!
    maraming kalaswaan ang mga Straight People na majority ang population dito sa Pinas!

  2. Dapat bawas bawasan ang influence nang mga bakla
    sa show biz, ABS-CBN at GMA ay maraming bakla sa
    mga shows, pati mga actors na gustong sumikat kabit
    bakla. kaya nagkakamalas malas ang bansa kung ano
    anong mga crisis at calamidad dahil masyado nang
    malaswa ang society-kabaklaan, kapokpokan, kabitan
    etc., religioso kuno ang mga pinoy pero pagdating sa
    immorality nangunguna

  3. Nakunan ng Tweetbiz na magkasama sa isang mall sa Makati City sina Kris Aquino at Mayor Junjun Binay.

    Kasama ni Kris ang kanyang anak na si Baby James.

    Narinig daw na nagtanong ang bagets sa kanyang madir kung mag-boyfriend na sila ni Mayor Binay at natawa raw si Kris.

    Nakunan ng mga tao ang eksena dahil hindi naman daw sinasaway ni Kris ang mga cellphone camera na nakatutok sa kanila.

    At dahil may mga ebidensiya na magkasama sila ni Mayor Binay, i-expect natin na lalong iingay ang mga tsismis tungkol kay Kris at sa biyudong alkalde.

  4. VICE PAGOD NA?

    Kami rin pagod na, wala ka namang bagong gimik sa second season ng SHOWTIME! sabi mo sa pagbabalik mo may bago ka ng gimik para d ka pagsawaan?

  5. Ako ay TFC subscriber sa Canada. before GMA kami
    pero napansin namin na konti lang ang bigatin stars
    sa GMA, iilan lang sila (Marian, DingDong, Richard at
    Rhian, yung iba second rate lang) at puro sila ang
    lumalabas, nakakasawa na. Naisipan namin na i-cancel
    ang GMA at lumipat sa TFC maski mas mahal ang bayad
    pero sulit naman dahil mas maraming bigating artista
    sa ABS CBN at me mga bago pa, pati ang kanilang mga
    teleserye ay mas marami at hindi pare-pareho ang
    mga artista kaya maraming choice. Isa pa mas magaganda ang mga artista sa ABS CBN, mas mahuhusay at mas sikat. Dito sa Canada mas popular
    ang Dos kesa sa Siete sa mga pinoy na kilala ko.
    At saka yung mga nalalaos nang artista sa ABS-CBN
    pag-lumipat sa GMA parang lalong nawala. Mas magaling
    mag-build up ang ABS CBN nang mga artista, alam nila
    kung sino ang magugustuhan nang publiko, sa GMA
    panay ang build up nila sa mga artista na hindi naman
    pinapansin nang publiko. Kaya in comparison mas maraming lamang ang ABS CBN sa GMA.

  6. ILANG BESES NG SINASABI NIYA YAN, HINDI PA NIYANG AMININ NA SISIBAKIN NA SIYA SA SHOWTIME DAHIL MABABA RATINGS NA SA NGAYON, NAGSASAWA NA MGA TAO SA KANYA.
    HINDI GOOD ROLE MODEL SA KABATAAN, PANG COMEDY BAR LANG TALAGA.

    • sus naman. magtigil ka nga dyan kanguso. ang che-cheap nyo talaga! mga nakakahiya kayong mga kanguso sa pep!

Leave a Reply

Your email address will not be published.