Vice Ganda, napilayan sa pagkawala ni Direk Wenn Deramas

Vice Ganda, napilayan sa pagkawala ni Direk Wenn DeramasLugmok ang mundo ngayon ni Vice Ganda nang mamatay dahil sa cardiac arrest ang kaibigang niyang si Direk Wenn Deramas kahapon (Lunes) ng umaga.

Nang mabalitaan ng komenyante ang nangyari kay Direk Wenn Deramas, sumugod kaagad si Vice Ganda sa Capitol Medical Center sa Quezon City para umalalay at sumaklolo.

Kung maaalala pa, si Direk Wenn ang naka-discover kay Vice, kung saan sumisikad na ang career ng komedyante sa mga sing-along bar.

Si Direk Wenn ang nagbigay kay Vice ng lakas ng loob na subukan ang pelikula with his kind of comedy na rason na ganu’n na lang kalaki ang utang loob ng komedyante sa direktor.

Sa lahat ng mga pelikula ni Vice, lagi’t laging si Direk Wenn ang kanyang direktor na rason na basta tambalang Direk Wenn at Vice sa pelikula, asahan natin na walang mintis na ang project ay certified blockbuster tulad sa mga pelikulang pinagsamahan nilang dalawa na “Unkabogable Praybeyt Benjamin”, “This Guy’s In Love With U Pare”, “Sisterakas”, “Girl Boy Bakla Tomboy”, “The Amazing Praybeyt Benjamin”, at ang pinakahuli ay ang MMFF 215 entry ng Star Cinema at Viva Films na “Beauty And The Bestie”. Sa katunayan, may pangamba si Vice ngayon sa pagkamatay ni Direk Wenn.

“Para akong nawalan ng magulang. Para akong batang paslit na naulila. Hindi ko alam. Kaya ang lungkot-lungkot ko. Hindi ko talaga alam kung paano. Siya kasi ang gumawa ng career ko,” pahayag ng komedyante sa kauna-unahang interbyu na ibinigay sa press thru TV Patrol kahapon.

Dagdag ng komedyante sa TV interview sa kanya, “Ngayon, hindi ko na alam kung paano na ako gagawa ng pelikula. Lagi ngang tinatanong sa akin noon. ‘Bakit laging si Direk Wenn?’ Kasi hindi ko naman alam kung mayroong magtitiwala sa akin, katulad nu’ng tiwala na ibinibigay sa akin ni Direk Wenn.

“Ang laki ng nawala sa akin. Hindi lang ako natanggalan ng direktor, kundi natanggalan din ako ng confidence,” pahayag ng komedyante.

Kung maaalala pa, unang nagsama sina Direk Wenn at Vice sa pelikulang “Apat Dapat, Dapat Apat”. At sa launching movie ni Vice na “Petrang Kabayo” noong 2010, si Direk Wenn ang kanyang direktor.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

13 thoughts on “Vice Ganda, napilayan sa pagkawala ni Direk Wenn Deramas

    • SAYANG NGA AT YUNG MAGALING NA DIREKTOR PA ANG NATIGOK, MARAMI PA SANA SYANG MATUTULUNGAN SUMIKAT.

      YUNG IBANG NATULUNGAN NYANG SUMIKAT NA BAKLA NAGING MAYABANG. KAYA IYAK SYA NG IYAK, KASI NGAYON NYA NAPAGTANTO NA TAMA SI DIREK, DAPAT MAGPAKUMBABA LANG. EH KASO YANG MGA BAD INFLUENCE NA ENVELOP GAYS SA PALIGID NYA NA KALA NYA AY MAKAKATULONG SA KANYA AT KAKAMPI NYA, EH DI TINGNAN NA LANG NATIN.

      ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA SA SHOWBIZ WORLD. SOBRA RIN NAGAMIT SI DIREK PARA MAI-PUSH ANG MGA CAREER NG MGA WALANG CAREER DATI. ALAM NA ALAM MO YAN KABAYO. WAG MASYADONG PAPADALA SA BUGSO NG DAMDAMIN AT GATONG NG MGA ENVELOP GAYS. YUN LANG!!!!

  1. RIP DIREK WENN…

    WELL ANYWAYS, I AM BACK ALIVE AND KICKING!!!

    HELLO TO MY SISTERS, KRISTD AND ORIG TONETTE. HELLO NA RIN SA MGA BASHERS NG ALDUB AT GMA7 AT SA MGA KAAWAY KONG ENVELOP GAYS OF ABS CBN.

    NAGULAT KAYO NOH MGA BAKLA? KALA NYO MAI-BA BLOCK NYO KO NG TULUYAN SA WEBSITE NA ITO. SORRY MGA BAKLA, IF THERE’S A WILL THERE’S A WAY.

    PATULOY PA RIN ANG PAGBUBULGAR KO SA MGA NALALAMAN KONG MGA MAIITIM NYONG BALAK.

    UNANG-UNA PO WALA PONG ISSUE SILA AI-AI AT MAINE AT WALANG MASAMANG COMMENT NA BINIGAY SI AI-AI KAY MAINE. PANGALAWA SUCCESSFUL PO TALAGA ANG CONCERT NI ALDEN SA DAVAO. LAHAT PO NG MGA MALING BALITANG YAN AY KAGAGAWAN NG MGA ENVELOP GAYS AT UOD.

    MGA BAKLANG UOD NAKITA NYO NA NANGYARI SA KAIBIGAN NYONG DIREKTOR. BAKA ISAMA KAYO NYAN.

    TIGILAN NYO NA ANG PANINIRA, LAHAT NG BAGAY MAY BALIK SA MUNDO. SABAGAY WALA NAMAN KAYONG MGA KUNSENSYA DI BA? SA NGALAN NG PERA GO LANG KAYO NG GO.

    CHOCO-UOD ANO NALAMAN MO NA BA KUNG SINO TALAGA AKO????? HAHAHAHA BAKLA….MABABALIW KA SA KAKATANONG!!!!!! YUN LANG!!!!!

  2. BLIND ITEM……may isang Kabayo pinakawalan na ng kanyang amo, dahil sa sobrang ingay sa mabaho niyang bunganga,,,,,,zino itech………..he he

  3. wala ng career si Vice,,para na ring inamin niya, na kung wala si Wenm ay hindi kikita ang pelikula niya,,,,,,pag iisip ng isang talentless artist,,

  4. he he huwag puro sarili kasi ang inuuna, napuna tuloy siya sa sinabi niya sa Pep,,parang inuuna ang kanyang career kaysa sa pagdadalamhati, ano ba yan! tumahimik muna siya….

  5. much better na gawin na lang inspirasyon ni Vice si direk wenn sa mga movies niya. for sure magiging masaya si direk wenn kung ipagpapatuloy pa rin ni Vice ang paggawa ng pelikula kahit na wala na si direk.

  6. sad for vice. they’ve been together in so many blockbusters… makes me think who will do the job that direk wenn left.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.