Vice Ganda, napigilang magpalagay ng boobs!

Vice-Ganda SA NGALAN ng propesyonalismo, kung hindi siguro napigilan ni Direk Wenn Deramas si Vice Ganda na nagpaplano na magpalagay ng “boobs” (yes as in palalagyan niya ang dibdib para may umbok para sa role niya bilang girl sa MMFF entry ng Star Cinema at Viva Films na Girl, Boy, Bakla, Tomboy – siguro “lesbian” na ang itatawag, na sa kanyang pananamit pa lang, hindi nalalayo na pangarap niya ang magkaroon ng malusog na dibdib.

Mabuti’t napiligilan siya ni Derek Wenn. “Sabi ko kay Direk, p’wede namang lagayan then Vice-Gandapagkatapos, p’wede ring ipatanggal,” kuwento ni Vice.

Pero sabi ng box-office director, “Delikado. Baka kung ano ang mangyayari sa kanya,” natatawang kuwento ni Direk Wenn.

Pero kung pagiging propesyonal din lang naman, isa raw si Vice sa artistang napaka-professional pagdating nito towards his work.

“Kaya sinu-suwerte siya dahil mahal niya ang kanyang trabaho,” pagpupuri ni Direk sa kanyang artista.

As of press time, hindi pa tapos ang ilang mga mahahalang mga eksena sa pelikula na may deadline na ng finish product, ayon kay MMDA Chairman Tolentino.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

2 thoughts on “Vice Ganda, napigilang magpalagay ng boobs!

Leave a Reply

Your email address will not be published.