Vice Ganda, nag-private plane pa-Boracay kasama ang friends

1 Vice-GandaBONGGA TALAGANG magshare ng blessings si Vice Ganda hindi lang sa kanyang pamilya kundi pati sa mga kaibigan nito.

Last Holy Week ay kasama ng Phenomenal Box-Office Star ang mga tunay n’yang kaibigan at team o staff n’ya sa La Union lulan sila ng isang malaking bus.

Ngayon naman ay kasalukuyang nasa Boracay si Vice at ang grupo n’ya for three days. Kahapon ng umaga lumipad patungong Bora ang mga ito sakay ng isang private plane.

Bukas, Sabado, ang balik nila ng Manila, dahil may Christmas party sila with one of the big bosses of ABS-CBN, Deo Endrinal.

Join din daw sa simpleng Christmas get-together si Richard Yap, a.k.a. Ser Chief, at ang team o staff nito.

Pero s’yempre, dito lang sa Manila magse-celebrate ng Pasko si Vice with his family, dahil kailangan din n’yang mag-promote ng kanyang movie for Metro Manila Film Festival o MMFF sa December 25 na Girl, Boy, Bakla, Tomboy na talagang mukhang nakaaaliw at talagang pinaghirapang gawin ng komedyante, dahil apat na characters ang ginampanan n’ya rito, at ng mga kasama n’ya sa pelikula at ni Direk Wenn Deramas na nagkasakit-sakit na nga.

For sure, tatabo na naman sa takilya ang tambalan nina Vice at Direk Wenn sa MMFF. Kaya ngayon pa lang ay ipinaaabot na namin ang aming pagbati sa kanila at sa Star Cinema at Viva Films.

Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

4 thoughts on “Vice Ganda, nag-private plane pa-Boracay kasama ang friends

  1. Nyahaha. Kelangan tlga maraming comments para masabing sikat? Ang standards hongtaas. Kapupu levels lang ang pag iisip. Nyahaha. Kita kits na lang sa TOP GROSSER na GBBT! Yan ang basehan ng kasikatan. Di ba CERTIFIED FLOP KWIN?? Nyahaha…..

    • Ang basehan ng kasikatan ay kung kilala ka na kahit ng mga hindi mo kalahi, hindi ang resulta ng PADDING at FREE PASSES. Di ba Chupamilya Starlets? Hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.