Vice Ganda, nag-MRT lang papuntang ABS-CBN!

GALING SA LAST shooting day ng Petrang Kabayo si Vice Ganda sa Carmona Race Track. Pero dahil mali-late ang bakla para sa Showtime, kahapon, mula Magallanes station ay nag-MRT ang lola n’yo patungo sa Quezon Avenue station para lang makahabol.

Mabuti kamo at sanay mag-MRT si Vice Ganda, dahil nu’ng siya’y co-host pa lang namin sa Wow! Ang Showbiiiz! ay lagi siyang excited na mag-MRT mula Quezon Ave hanggang Guadalupe.

“In fairness, ang dami kong napupulot na eksena sa MRT na nagagamit ko sa mga shows ko, kaya pag nag-e-MRT ako, I’m super excited!”

Ba’t nga ba ayaw niyang magkaroon ng Twitter account?

“Nako, eh, diyan nagsisimula ang mga away-away, ‘di ba?  Eh, ‘yun nga lang fan page ko sa Facebook na umabot na ng more than 2 million, siguro, one-fourth doon, haters ko!

“But that’s okay. At least, nag-e-effort pa rin silang makisawsaw sa fan page ko!”

“THANK YOU TO Ms. Kris Aquino for my shoes!” sey ni Valerie Concepcion kahapon sa Pilipinas Win Na Win.

Ganyan si Kris ‘pag natuwa sa tao. Kahit magkano ang abutin, basta mapasaya lang niya ito. Look at Pokwang, ‘yung pink bus niya ang ibinigay ni Kris.

Knock on wood.

Bus na naman?

“Allergic” na kami sa bus. Ang dami kasing nangyayari, eh. Kaya pabendisyunan sana ito monthly ni Pokwang para laging safe ang aming Kumareng Pokwang.

NASA OSPITAL NGAYON si Mariel Rodriguez. Inoperahan pala ito dahil sa kanyang ovarian cyst. Ang dyowa namang si Robin Padilla, super bantay sa tabi ni Mariel habang inooperahan.

‘Di ba naman? Super in love talaga ang Robin kay Mariel! Ganya nga talagang magmahal si Robin, lulunurin talaga sa pagmamahal ang girl.

KAHIT SANAY NA sanay na si Erik Santos sa pagko-concert eh, lagi pa rin siyang may kaba sa dibdib. Tulad na lang ng Power Of One concert niya sa Sept. 24 & 25 sa Meralco Theater.

“Kuya Ogs, patulong naman sa promo, sa Facebook at sa Twitter account mo para mas maraming manood ng concert ko! Guests ko sina Martin Nieverra, Rachelle Ann Go, Piolo Pascual and Ms. Regine Velasquez!”

Oo naman. Si Erik ay hinding-hindi namin makakalimutan, dahil isang artistang napakabait na kaibigan. Ilambeses na naming nalapitan ‘yan thru his manager Boy Abunda at basta kaya niya, he’ll do it for a friend nang hindi pinag-uusapan ang anumang amount.

Napakahusay pang singer, kaya sulit na sulit tiyak ang Power Of One.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn with Francis Simeon, Friend Rommel and Ms. F.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

8 thoughts on “Vice Ganda, nag-MRT lang papuntang ABS-CBN!

  1. DAPAT NAG-CALESA NA LANG CYA…LOLS! HU CARES…BAKLANG FROG NA MAYABANG…NAKAKASAWA NA MGA PANG-OOKRAY NIYA EH MUKHA NAMAN CYANG HALIMAW SA BANGA!!!

  2. Sana huwang natin gamitin ang salitang LANG kapag sumasakay sa MRT. Bagkus, let us encourage people to use the MRT. Sa ibang bansa, kahit pinakasikat na tao at mga executives ng kumpanya sumasakay ng tren at hindi nagko-kotse.

    Hanggang maaari MRT at LRT sinasakyan ko para makatulong ako kahit papaano na maibsan ang traffic.

    • KOREK !
      MASYADONG MAARTE SI VICE. KAYA NIREJECT KO SIYA SA WIN NA WIN. GUSTO LANG NIYANG GUMIMIK PARA SIKAT AT MAPAGUSAPAN.
      SAKA, 2 NA BAKLA SA HOST, SI PO AT SI CHOCOLAIT. BAKA NAMAN MAGING BAKLA SHOW NA DATING.

  3. si vice marunong lang lumingon sa pinanggalingan. pero sayang wala na san lazaro race track kaya sa carmona na lang xa. joke joke joke. gud luck sa movie mo

Leave a Reply

Your email address will not be published.