Vice Ganda, nag-celebrate ng birthday sa Excess Club!

HAPON LANG NAG-INVITE, pero gabi ng mismong birthdate March 31 ang celebration, bumuhos ang mga celebrities

sa kaarawan ng sikat na komedyanteng si Vice Ganda na ginanap sa Excess Club sa Timog Ave., Quezon City.

‘Eto na ang nakakalokah, gustuhin mang tapusin ni Vice Ganda ang sariling party, mga ala-una ng madaling-araw, hindi na nagpaalam ang host ng Showtime sa mga bisita. Dahil si Vice, isinugod sa ospital due to hyper ventilation. Siguro, sa dami nang nainom at sa sunud-sunod na trabaho, nanikip ang dibdib at habol ng hininga si Vice. Ganunpaman, umokey na si Vice, dahil ipinahinga lang niya ‘yon at kinabukasan, inilabas na siya ng ospital. Anyway, happy, happy birthday, Vice!

Ni Click-adora

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

One thought on “Vice Ganda, nag-celebrate ng birthday sa Excess Club!

  1. Pingback: Vice Ganda, nag-celebrate ng birthday sa Excess Club! | Vice Ganda Shows Concerts News Photos and Videos