Vice Ganda, nag-birthday salubong kasama ang pamilya sa San Francisco

Vice Ganda’s Dinner Treat at Fisherman's Wharf
Vice Ganda’s Dinner Treat at Fisherman’s Wharf

Sa paglabas ng kolum item na ito tungkol kay Vice Ganda, malamang ay may sorpresa na naman ang Team Vice na kasama niya ngayon sa kanyang pagbabakasyon sa San Francisco, California  sa pag-uwi ng “Unkabogable Box-Ofice Star” sa inuupahan nilang haybols sa SanFo habang nandudun sila, dahil ngayong araw mismo (March 31) ang kaarawan ng komedyante.

Sa katunayan, katatapos lang ng Birthday Salubong Dinner treat ni Vice sa kanyang mga pamilya na nasa San Francisco at sa mga kasama niya sa Team Vice sa Alioto’s Restaurant sa Fishermam’s Wharf.

Kanina, Thursday, sa “It’s Showtime” ay nag-phone patch si Vice Ganda sa mga kasamahan niya na miss na miss na niya na for almost two weeks ay wala siyang kontak sa mga ito dahil nga on vacation ang komedyante na sinabayan naman ng long vacation ng mga taga-showbiz dahil Holy Week.

Sa mga fans ni Vice, sa April 2, ngayong Saturday na ang balik ng Pilipinas ng komedyante.

I’m not just sure kung sa pagdating niya sa Saturday ay magla-live na siya sa noontime show ng Kapamilya Network.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleVivian Velez, umaapir pa rin sa teaser ng Tubig at Langis
Next articleMaine Mendoza at Alden Richards, sinugod ng libu-libong fans sa launching ng iniendorsong Bench products

No posts to display