Vice Ganda, may malisya sa mga maiinit na eksena nila ni Derek Ramsay!

PINANINDIGAN NI VICE Ganda na hanggang ngayon, pinapantasya pa rin niya si Derek Ramsay. Hindi siya makaarte tuwing nasa harapan niya ang hunk actor sa maiinit nilang eksena sa Praybeyt Benjamin.

“Nakaka-tense po, nakakahiya. Gusto ko siyang kausapin kasi pinagpapantasyahan ko siya noon pa. Sobrang generous si Derek sa kanyang friendship, walang kaarte-arte. Open siya sa lahat kaya ako itong nahihiya at saka ‘yung lahat ng maselan naming eksena, ‘yung shower scene, bed scene, ako ang nahihiya. Sa kanya walang kamali-malisya, pero sa akin mayroon talaga. Hirap na hirap akong umarte, hindi ko maarte na wala lang, trabaho lang, pero hanggang ngayon mayroon pa. ‘Yung huling eksena naming shower scene, tumatawad ako kay Direk Wenn na puwedeng huwag na lang kunan kasi nahihiya ako. Tamatayo ang nipples ko sa shower scene namin ni Derek,” say ng gay comedian.

Nang sumikat si Vice, mara-ming mga pagbabago sa buhay niya ngayon kahit abot-kamay na ang tagumpay. “Marami pong nagbago sa sarili ko, unang-una  sa physical. Kung anong mayroon ako, kung ano ang naiipon ko, sa mga taong nakapaligid sa akin nagbago rin po ‘yun. May mga taong hindi ko inaakala na mapapalapit sa akin, ngayon ay malapit na sa akin. May mga tao rin noon na malalapit sa akin na nawala na rin. Araw-araw may pagbabago sa buhay kahit umasenso ka o lumakpak ka sa buhay may magbabago’t magbabago sa buhay. Napaka-sinungaling ko kung sasabihin kong walang pagbabago. May mga bagay na kailangang baguhin ko sa sarili ko para makasabay ako roon sa mga pagbabago nangyari,” pahayag niya.

Walang arteng inamin ni Vice na nagkaroon siya ng girlfriend noong araw. “Kahiya-hiya man para sa sarili ko, totoong mayroon, pero hindi ko napasok… Ha! Ha! Ha! Kiss lang, kasi nagka-girlfriend ako dati mga ilan-ilan, lagpas isa lang, siguro apat. Tina-try kong humalik pero hindi ko na kaya pagkatapos nu’ng halik. Wala akong naka-sex, buti na lang at wala,” walang kagatul-gatol na sabi ng magaling na singer-comedian.

Pinangarap din kaya ni Vice Ganda na maabot niya ang kasikatan ni Roderick Paulate  “Sa ganda’t ganda lang na tinakbo ng career ni Roderick, gusto ko ring maranasan ang naranasan niya. Pero ‘yung sinasadyang sundan kung anuman, hindi siguro sinasadya. Kung anuman ang narating ni Roderick Pau-late, magiging masaya ako marating man lang ‘yun.”

Kinulit-kulit din namin si Vice kung sino sa mga sikat na artistang lalaki ang naka-sex niya. Inamin ni Vice Ganda na marami siyang nakatalik na artista pero hindi niya binanggit ang pangalan ng mga ito bilang respeto. Ang latest tsika, basketball player ang boytoy ngayon ni Vice, pero break na raw sila, ayon kay Vice. Happy pa rin ang gay comedian kahit walang dyowa dahil naranasan niyang ibigin at mahalin kahit hindi siya tunay na babae. Ganu’n?

 

KAHIT BINABATO NG intriga si Willie Revillame, patuloy pa rin ang da-ting ng suwerte sa controversial TV host. Hindi na mabilang ang dami ng property mayroon si Willie sa iba’t ibang lalawigan. Investment para sa future ng kanyang mga mahal sa buhay.

Umaani man ng tagumpay si Willie, patuloy pa rin ito sa pagtulong sa mga kababayan nating kapus-palad. Walang patid na pagtulong sa masang Pinoy na mahihirap sa programa niyang Wil Time, Bigtime ng TV5. Bukas ang palad sa mga taong na-ngangailangan, bata, matanda, may sakit  may kapansanan, etc. Katuwiran ni Willie, “ibinabahagi ko lang po sa inyo  ang blessing na dumarating sa akin galing sa ating Panginoon.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

5 thoughts on “Vice Ganda, may malisya sa mga maiinit na eksena nila ni Derek Ramsay!

  1. hindi kaya itong si vice ang tinutukoy dati ni carrasco na nagsanla ng kaluluwa kay satanas para sumikat? lahat kasi ng kababuyan sa bunganga sinasabi lalo na sa tv, di man lang isipin na meron mga minor na nakakapanood sa kanya sa tv, ito rin kasi ang gawain ng demonyo

  2. Pingback: Vice Ganda, may malisya sa mga maiinit na eksena nila ni Derek Ramsay! | Vice Ganda Shows Concerts News Photos and Videos

Leave a Reply

Your email address will not be published.