Vice Ganda, mataas na ang tingin sa sarili?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly.

Kumustahin naman natin itong talagang ayaw akong tantanan sa chikka na nagkataon namang ang daming nagchi-chikka sa akin, na talaga namang hindi rin ako naniniwala. Pero sa mga nakikita ko, trulili!

At heto na nga, simulan na natin ang chikka na itong si Vice Ganda ay super lumaki na ang ulo at talagang maloloka sa Earth!

Nai-chikka kasi sa akin ng isang staff ng It’s Showtime na hindi raw pinansin ni Vice Ganda ang talent-manager na si Ethel Ramos. Samantalang lahat ng mga taga-Showtime na sina Anne Curtis, Vhong Navarro at iba pa ay bumati kay Manay Ethel.

Para nga raw walang nakita si Vice Ganda. Baka naman ang gusto niya, siya ang unang pansinin. Hahaha! Nakakaloka talaga sa Earth!

May mga ganyang tao talaga, na akala mo ay mataas na ang tingin sa kanilang sarili. Kaya lang, kung ganyan pa rin ang ipapakita niya sa madlang pipol, hanggang kailan kaya siya tatagal sa showbiz industry?

Nakakalungkot isiping nu’ng nakaraan, nawalan siya ng show… o baka naman gusto niyang mawala na rin siya sa industriya?

In fairness naman, siguro baka kung sakaling ako ang makita niya, mapansin niya ako. Hahaha! Dahil nga kasi sa mga ikinukuwento ko sa inyo. Maloloka ka talaga sa Earth sa attitude problem.

 

HINDI PA rin daw in good terms sina Vic Sotto at Pia Guanio, at hindi pa rin daw nag-uusap. Tsismis kasi na nagpagawa ng bahay silang dalawa, pero mas malaki ang pera ni Bossing Vic na gastos sa bahay na dapat kung nagkatuluyan sila, ‘yan ang kanilang titirhan.

Iyon lang, nagpakasal si Pia at ang bahay na pinagawa nilang dalawa, ‘yun ang tinitirhan ngayon ng mag-asawang Pia at Steve Mago. Kaya ‘yan daw ang dahilan kung bakit hindi nagkikibuan sina Bossing Vic at Pia.

Kaya pala, eh! Bakit pa nandu’n si Pia sa Eat Bulaga kung hindi sila nagkikibuan? Nakakaloka naman talaga sa Earth, ‘di ba? Hindi talaga kakayanin ng powers mo.

Pero sa bagay, mabait naman si Papa Vic. Kaya lang, ano kaya talaga ang pinag-awayan nilang dalawa, at kung bakit sila naghiwalay? Kaloka talaga sa Earth! Pak!

 

BLIND ITEM: Sino siya? Sino naman kaya itong sikat na aktor nu’ng araw na kaya pala ayaw niyang makasama ang ex niya sa isang teleserye ay dahil mahilig pa rin daw talaga ito sa mga babae at mga bagets pa?!

Naku naman talaga! Kaya naman pala! May point siya kung bakit ayaw niyang makasama ang ex niya, ‘di ba?

At take note, iba-iba pa ang nakakasama niya ngayon, at mahilig pa rin! Ganyan talaga kapag lalaki, kaya lang, hindi ko lubos-maisip na sa itsura niyang ganun… hay, naku!

Chikka lang naman ito, hindi pa rin ako naniniwala dahil idol ko ito, at kumpare ko ito. Pak! Bahala na lang kayong manghusga kung maniniwala kayo, ‘di ba?!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

13 thoughts on “Vice Ganda, mataas na ang tingin sa sarili?!

  1. No comment s mga laos na nawalang narating… Kundi magsulat ng walang kakwentakwenta.. Magsama kayo ni luciferminute namimili ng mga sinisiraan..byASS

  2. nakakatawa tong si SWARDING.. lost ka na day! wa ka na career! bkt nga ba mga writer kung makapamintas sa mga artistang ndi lng sila mahagip ng paningin o mabati ganun na lang. kung tutuusin sa knila sila kumikita.. ang tataas ng ere niyo huy… mga kala mo nmn kung sino..

  3. LALO NA ITONG SI LUCYFERMIN NAPAKAKITID NG UTAK MATRONANG ITO..KUNG ANG LAHAT NA TAO SA PINAS AY TULAD NILA, MY GOD TAYO NA ANG PINAKAMABABANG TAO SA BUONG MUNDO..

  4. ANG MGA WRITERS TLGA MGA “KSP”PAG NA NAPANSIN MASAMA KANANG TAO..MAY UGALI BLA BLA BLA..ANG KIKITIDDDDDDDD NG MGA UTAKKKKKKK NAKAKAHIYA KAYO…

  5. Juice ko naman 555 Swarding, di lang pinansin e may  attitude problem na agad? Di ba pwedeng di lang bet pansinin ni Kaberna si Ethel–e  kung di naman talaga sila friends, why bother dava?

    Kung bakit kasi ang taas din ng tingin ng mga showbiz writers (daw) sa mga sarili nila. E sa mga paninira sa mga artista lang naman din kayo kumukuha ng pangkain nyo. Ang sakit nyo sa bangs!

  6. obvious naman dati ka pa galit kay Vice Ganda…. siguro di nya pinapatulan shows ng wonder gays mo na unknown… puwede ba laos ka na…. eh kung malaos man si Vice, never mo naman maabot yung mga naabot nya… jealous ka lang, parang konting di lang pagpansin issue na… at least sya inamin nyang may away sila ni AiAi at ni Ogie noon… at teka di pa cancelled ang Gandang Gabi Vice , ok…. wala ka tlaga kuwnta bakla ka!

  7. Pingback: Vice Ganda, mataas na ang tingin sa sarili?! | Celebrity Philippines

  8. Kung naka-away nga ni Vice si Ogie na manager niya dati na siyang nagpasok sa kanya sa showbiz mula sa comedy bar na konti lang kinikita at inaway rin niya si Boss VIC na nagbigay sa kanya ng chance na magkarun ng sariling pelikula ikaw pa kaya swarding hindi makikinig si VICE sa iyo… Wala yan pinapakinggan hehehe…. Matigas ang ulo niyan binastos pa niya dati si MS. LAGUARDIA sinabihan niyang hindi siya nag eexist sa mundong ibabaw…. Pero me pag-asa pa si VICE kung sakali na mawala na ang SHOWTIME panay ang dikit niya ke Kris na siyang nagrereynahan sa ABS hehehe….

  9. Unang-una Lola Swarding, dapat last year pa yan natapos ung show, na-e-extend lng. Pangalawa, bat mu nmn ppancnin ung taong d mu nmn kelangan pansinin? Close ba kau? Kht manager pa xa, kelangan ba pansinin kaagad? Bday ba nia?LOL D kgya sau Sawrding at ng mga Da WHOnder gays, eh ngpa-plastikan kau. d mu alam pg nkatalikod ka ,eh abot impyerno ang pgkasuklam nla sau.. HAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.