Vice Ganda, mas sikat na kay Chokoleit at Pooh!

WALANG DUDA na si Vice Ganda na nga ang number one sa mga hilera ng sing-along master cum TV star ngayon. Bukambibig kasi ang name niya ng masa ngayon, kung ikukumpara mo kina Chokoleit at Pooh. Noong una nga, nangunguna ang dalawa, pero bigla ngang nagbago ang ihip ng hangin.

Malaking bagay na nakasama siya sa programang Showtime with Vhong Navarro and Anne Curtis.Maku-consider nga na isa sa mga highest rating ngayon ang said show.

Balita nga namin ay malapit na siyang mag-shooting ng Petrang Kabayo at ang magiging leading man daw niya ay si Luis Manzano.

At on the side ay pini-iprepare na rin ang kanyang bagong album. Kaya saan ka pa?

Aminin man nila, nakaungos na nga ang si Vice sa dalawa. Ikaw na ang may Height! Ha-ha-ha-ha! ‘Yun na!

MATAGAL NA PALANG hiwalay itong sina Jay-R Siaboc at  Irish Fullerton. Magkahiwalay na nga sila ng landas ngayon. Mukhang tumamlay nga ang kanilang mga career nang mag-concentrate sila sa kanilang buhay pag-ibig.

Ayon nga sa male singer ay last year pa sila nag-break. At hanggang ngayon ay loveless pa rin siya. Samantalang ang kanyang ex-girlfriend ay meron nang ipinalit sa kanya.

“Yes, may boyfriend na siya ngayon. Nakilala ko na. Nagkita-kita na kaming tatlo. Hindi ko na nga lang alam kung saan at kung model ba o hindi,” sey ni Jay-R.

Tinanong din namin siya kung may kapalit na ba si Irish?

“Wala pa, wala pa akong nakikitang kapalit niya. Siguro, mahirap pa sa ngayon, torpe ako, e,” sey niya.

So, sana naman maging okey na ang takbo ng career ni Jay-R after the break up.

Magkaroon na kaya ng focus ang kanyang career?

Mahusay na singer, mas type nang pumatol sa kapwa lalaki!

NALOLOKAH KAMI SA aming nasagap na chika tungkol naman ito sa isang mahusay na singer na kamakailan lang ay nagbakasyon sa abroad na may ginawang milagro habang siya ay nasa labas ng bansa.

Hindi alam ng marami na may pagka-ac-dc ang bida natin. Ibig namin sabihin ay may pagkabading ito at puwedeng pumatol sa babae at sa lalaki. Ang latest nga ay mas napapadalas na nga raw ang pagpatol nito sa kapwa lalaki.

Maraming tagahanga ang singer na ‘to at marami nga ang siyang fans na babae ang dumidikit sa kanya. Pero mukhang marami ang bulag dahil nga hindi babae ang hanap na niya ngayon kundi hotdog na ang gusto niya.

Ang clue namin ay hindi lang boses meron siya, marunong din siyang tumugtog.

O, gets na gets n ‘yo na ba kung sino?

Naku! kapag hindi n’yo mahulaan, siguradong itatapon kayo sa malayong probinsiya!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

6 thoughts on “Vice Ganda, mas sikat na kay Chokoleit at Pooh!

  1. Sabi nga sa show nila. its your time. dapat lang naman na makahabol na siya at its his time na to start. but it doesnt mean mas sikat na siya kc ngayon pa lang siya nakikilala kanya2 sila ng brand of comedy. kaya presently the interest is on him. while the 2 ay nauna na. Esp. Chokoleit since Marina 2004 pa yun atleast nanjan pa rin siya and he has awards fof film and live entertainment na. Thats good for the 3 of them to generate interest na magagaling sila. at sikat sila.

  2. dahil dyan may nag text!!!!
    hahaha katawa tlga c vice!!! i love kuya kim also
    rock n roll jugz & teddy
    at cmpre kudos kay lstikman @ DYOSA anne

Leave a Reply

Your email address will not be published.