Vice Ganda, knocks-out Manny Pacquiao-Marian Rivera show!

 

BLIND ITEM: MALAKI NA si-guro ang ipinagbago ng ba-gets actor na ito mula nang maliko ang kanyang landas.

Naalala pa namin ang kuwento ng isang kaibigan na nu’ng ito’y may bisyong mine-maintain ay dumating na ito sa puntong “sumeserbis” na sa mga bading.

Dati-rati, ‘pag tsinatsansingan siya o iniisahan ng bading, nakakabalita kami na dyinombag niya ‘yung bading.

Pero dahil nga may “bisyo,” ayun, “humahada” na rin ang bagets, kaya nu’ng makarating sa amin ang tsikang ‘yon, sobrang umarko to the tenth floor ang kilay namin, dahil hindi kami makapaniwala na keri na ng bagets na ito na “humada” ng bading for a fee just to sustain his vice.

Anyway, sana nga, tuluy-tuloy na ang pagbabago ng bagets na ito. At sana, mabigyan uli siya ng second chance sa mga pelikula at teleserye.

 

HINDI PA NAMIN nabibisita, pero sa pinoyexchange.com daw ay merong comment doon na parang hindi kami pabor ni Mareng Nikki Gil kay Jennylyn Mercado for Luis Manzano?

Halata raw sa hilatsa ng mga mukha namin habang iniinterbyu si Luis. Hahaha! Nakakalokah naman ‘to. Kelan pa kami nanghimasok sa lovelife ni Luis?

Ever since, wala kaming pakialam. As long as happy ang a-ming “anak-anakan” sa kanyang lovelife, happy na rin kami para sa kanya.

Sa dressing room nga, sa sobrang happy ni Luis, nag-macho dancing pa sa likod namin, eh. Hahaha! Ganyan kaaligaga sa kanyang lovelife si Luis.

Saka we always ask Luis. ‘Pag malungkot siya o hindi mapagkausap, eh tinatanong namin kung ok ba siya o baka puwede kaming makatulong.

Kasi nga, si Ate Vi, laging i-binibilin sa amin ang anak niya. Na ‘pag wala raw siya eh, kami muna ang “nanay” ni Luis. Kaya siyempre, madir na madir ang feeling namin ke Luis.

So there…

So there daw, o!

 

KINABOG NANG BONGGANG-BONGGA ng Gandang Gabi, Vice! ang Show Me Da Manny sa National, Mega Manila at Metro Manila nu’ng pilot episode ng solo chat show ni Vice Ganda.

‘Eto po: Gandang Gabi, Vice: 21.9/19.8/23.2 samantalang ang Show Me Da Manny ay 7.5/9.9/8.7.

Hindi pa ipinapalabas ang Gandang Gabi, Vice! nag-trending topic na ‘to sa Twitter, pang-anim. At nu’ng Sunday mismo, nag-number 4 ito sa trending topic sa ‘Pinas.

Sa mga hindi nakaaalam, o ‘yung walang Twitter account, ibig sabihin po ng “trending topic” ay “pinag-uusapan” sa Twitter sa buong ‘Pinas.

“Mas nakaka-pressure ngayon for me ito, mama,” sey sa amin ni Vice. “Kasi, masyado na namang mataas ang expectation ng mga tao sa show. Ang nakakatuwa rito, halos lahat, bongga ang comment sa show. Wala ako halos nabasang negative, sa totoo lang.

“Gano’n lang naman ang purpose ng Gandang Gabi, Vice! eh. Gusto ko lang magpasaya every Sunday bago sila matulog bilang me pasok na naman kinabukasan!”

Sana nga, ma-maintain ni Vice ang taas ng rating ng show.

“Gusto ko naman, kahit one season lang ang show na ito eh, maging memorable naman sa ating lahat, ‘di ba?’

Yes, one season lang po as in 13 weeks lang ang Gandang Gabi, Vice! kaya namnamin na natin nang bonggang-bongga.

 

Favor naman, baka puwede n’yo namang i-like ang aming Facebook fanpage na The Ogie Diaz at i-follow ang aming blogsite www.ogiediaz.blogspot.com at sa twitter @ogiediaz.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

20 thoughts on “Vice Ganda, knocks-out Manny Pacquiao-Marian Rivera show!

  1. Gandang Gabi Vice No. 1 on Sundays.
    Amaya, walang kwenta puro press release kesyo most expensive production, most whatever… puro kayo press release di naman nagrerate mga shows nyo. Bulok ang Syete!

  2. GOOD FOR VICE, NOW IF YOU CAN ONLY BEAT STARTALK . KAHIT KELAN HINDI NYO MATALO, NATIONWIDE, MEGA MANILA AT METRO MANILA.
    NG GAYA PA SA HULA WHO NG PAPARAZZI.

  3. Noon hindi ako impressed kay Vice pero after watching her show this past weekend, na=realized ko na I made a mistake-super talented siya. Congratulations! ang galing ng boses mo at may rapport ka sa mga guests mo.

  4. gago si vice GANDA wlang kwentang tao yn. d ako n22wa s kanya, corny, wlang trill kumbaga sa palabas, dpat mg resign n sya, pg nkahanap ng ktapat yn, lagot yn, subukan nya lng bastusin si joey de leon, tngnan ko kung d kbahan yn. 

  5. AMAYAYAYAYAYAYAY????? PWE!!!!! HINDI AKO MAGAAKSAYANG MANOOD NG MGA PALABAS NG GMA, ISANG EWANNNNNN!!!!!!!

  6. manahimik n lang kaung lahat! comment pa kau ng comment pare-pareho kau walang kwenta! na-nyo! hahahahahaha

  7. ang galing ni kampamilyang ogie diaz mag promote sa show ni kapamilyang vice ganda pero sarili mo di mo naipanalo sa pagtakbo sa local elcection OUCH! mas pangit ka daw kesa kay Mo! agree naman ketch.

  8. “…iba si vice… sarili nya ang gngamit nya sa katuwaan..”

    Napanood mo ba lahat ng mga shows nya on and off cam? Subukan mong panoorin ng malaman mo kung paano nya lait-laitin (for laughter’s sake kuno?) ang mga taong makatuwaan nya. Kahit sa Showtime na lang lalo na noong mga unang season. Ipagpalagay natin na katuwaan lang lahat ng yon, pero at the expense of others? Kahit pusa at aso deserve full respect and dignity. At sa palagay mo ba naiintindihan yong mga panlalait nya ng mga manunood lalo na ng mga minors? very typical of Pinoy fanaticism. So please don’t just idolize, be critical in your devotion.

  9. VICE GANDA is another “monster’ in the making just like PUPPY WIL. Mark my word for this..

    >> minark ko na… iba si vice hndi myabang sarili nya ang gngamit nya sa katuwaan hndi tulad ng IBA na gngmit ang IBA para mapagkatuwaan

    ANYWAY CONGRATS VICE…

  10. @ amayabas————————hahaha napipikon ka dahil sa sinabi kong nag copy -paste sa isang article ang recycle na balita ni ogie na isang taon ng issue? LOL….. o napipikon ka dahil sa panggagaya nya ng style ng pagsusulat ni lolit solis? ALIN DUN? hahaha….. ikaw dapat ang lumabas sa iisang channel mo at tigilan na yang network war na yan para hindi ka maging biased at hindi ka magmukhang tanga-tangahan.

  11. magkakaalaman nga na palpak at walang binatbat yang balahurang marian na yan and besides, HOYYYY!!! TIGER TIGERAN!  Si Ogie in fairness masarap basahin mga sulat niyan d kagaya ng iniidolo mong mandurugas!!!! magsama sama kau lahat sa channel 7, PWE!

  12. Pingback: Vice Ganda, knocks-out Manny Pacquiao-Marian Rivera show! | Vice Ganda Shows Concerts News Photos and Videos

  13. So there…. So there daw o! ——————————- langhiya bat gaya -gaya ka ke lolit solis, wala ka bang sariling tagline? nung isang araw lang halos kinopya mo yung recycle na issue about marian at venus bukod sa isang taon na yun para ka lang ng copy -paste. mukhang tinatamad ka ng magsulat sayang lang yung binabayad sayo ng pinoyparazzi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.