Vice Ganda kay MTRCB Chair Laguardia: Hindi siya nage-exist!

DAHIL SA TINURAN ni Ms. Consoliza Laguardia ng MTRCB sa mga ginuguwardiyahan nito sa mga palabas sa telebisyon gaya ng Showtime, kung saan nagbigay siya ng komento sa isa sa hosts nito na si Vice Ganda, ito ang isang nausisa kay Vice Ganda sa grand presscon ng pelikulang pinagbibidahan niya, ang Petrang Kabayo.

Diumano, pinag-iingat at binigyan ng tila warning ng nasabing censor ang komed-yante dahil daw sa double-meaning na mga salita o dialogue na pinakaka-walan ito sa ere.

Ang sagot naman ni Vice Ganda, wala naman siyang masamang salitang pinakakawalan sa nasabing programa. Ayon pa sa kanya, ang nag-iisip ng masama ay ‘yung mga tao’ng nakakapakinig sa kanyang sinasabi. At ito ang mga naglalagay ng sari-saring ibig sabihin sa pinakakawalan niyang mga salita.

Naiintindihan daw niya na trabaho ni Ms. Laguardia na i-monitor ang programa nila. Dahil trabaho niya ito. Kaya lang, kung parang ang dating eh, sa kanya o sa programa lang nila ito nakatutok o tumututok, ang magiging dating naman daw nito sa kanya eh, parang siya naman ang pinag-iinitan. Paano naman daw ang ibang obligasyon nito sa ibang programa kung sa kanya na lang ito naka-tutok?

“Simu-la’t sapul, nag-iingat ako talaga sa mga sinasabi ko, lalo na sa TV. Dahil alam ko ang kaibahan nito sa live na sinasalangan ko sa comedy bars noon. Alam ko ring may obligasyon din ako sa mga taong nakikinig sa akin.”

Tinanong din si Vice Ganda kung hindi ba siya natatakot kay Ms. Laguardia?

“Sa Diyos at sa nanay ko lang ako natatakot. At wala naman akong dapat na katakutan sa kanya. Dahil alam kong wala akong ginagawang masama. Hindi ako tanga na alam ko nang mali eh, gagawin ko pa.”

Kung sakali raw na ipatawag siya o imbitahin sa MTRCB office nito?

“Itse-check ko muna sa manager ko ang schedule ko. Aalamin ko muna ang mga schedule ko. If ever hihingi ng dialogue? Aalamin ko muna kung talagang kailangan ito. If ever, bakit naman hindi?”

Not bothered at all?

“Hindi kasi ako partikular sa kanila. Kung sinuman ang nakaupo o sinasabing papalitan o may mag-o-overstay. Para sa akin hindi siya nag-e-exist!”

Ooops, narinig ko ‘atang humalinghing ang kabayo ni Petra!

ANG SABI NAMAN ng head ng pinaka-Star Magic at Artist Center ng TV5 o Talent 5 na si Audie Gemora, hindi naman nag-walk out si Anabelle Rama bilang isa sa mga Council ng Star Factor nang hindi ang ‘manok’ nitong galing ng Cebu ang mapili para manatili at makabilang sa 12 shining stars ng nasabing programa.

Ayon kay Sir Audie, naging emosyonal lang si Anabelle. Dahil alam nila ang istorya ni Gabo na tubong-Misamis at pinapunta ng ina sa Cebu para kumuha ng vocational course doon. Nag-ambag ang pamilya para may gastusin doon ang bagets at pumasok pang kargador ng softdrink cases doon. At nang makita ang oportunidad sa Star Factor eh, sinubukan ang mag-audition at pumasa naman.

Bumalik na nga raw si Anabelle sa kanilang show pero hindi na ito kinailangan pang mag-sorry. Kumbaga, hindi na lang pinag-usapan ang nangyari.

Sabi rin ni Sir Audie, hindi nga madali ang tumanggap ng rejection kaya naman para mas mai-guide o mabantayan ang kanilang mga contestants, nakaantabay na ang isang psychologist at counselor para sila magabayan sa pagtanggap nila, lalo na ng pagkatalo.

Dahil marami rin ang clamor for Gabo na hindi ito agad-agad dapat na natanggal sa “Star Factor” malamang daw na ipasok ito kung sakaling kailanganin ang wild card sa nasabing programa.

“Yun din ang mahirap. Dahil I am part of Talent 5, I cannot vote. Boboto lang ako when I have to break a tie. And we have to be very subjective. Naiintindihan ko where Tita Anabelle’s coming from. Kasi nga, para kaming namimingwit ng mga isda sa dagat at pagkatapos eh, bigla namin silang ibinabalik doon.”

At sa mga susunod na linggo, isa-isa uling malalagas ang 12 finalists na napili na, hanggang sa grand finals nila in December 5, para sa last woman/man standing na magtatamo ng isang milyong piso (tax free), kontrata sa TV5 na worth isang milyon din at house and lot (two-storey with three bedrooms).

The judges have finally spoken! ‘Yun na ‘yun!

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

17 thoughts on “Vice Ganda kay MTRCB Chair Laguardia: Hindi siya nage-exist!

  1. This is the most arrogant statement I’ve ever read worse than challenging the management for the removal of his co-employee wala akong ma say don’t worry your popularity is fast-approaching

  2. kaya biglang yumabang tong baklang to dhil medyo bff na pala siya nung kris aquino na isa ring mayabang. tingnan lang natin kung me manood sa movie mo.

  3. daig mo pa ang presidential sister kung umasta! wala ka pa man sa kalingkingan nina willie at joey kung mag yabang, pero kung mka pagsalita ka parang an tagal mo na sa showbiz. wala ka modo!

  4. meron pa bang showtime? wala pang 2 taon palaos na agad!

    hintayin na lang nating sumemplang petrang kabayo masarap namang kumain ng ginisang ampalaya. tignan lang natin kung di bumaba ihi ng linshak na yan. kung si willie nga nawala ang isang loud foul mouthed ass of a hole pa ang hindi matitibag. kiss na lang balato ko sa iyo vice ganda kung ako nasilipan mo sigurado malilimutan mo takot mo sa nanay mo!

  5. Grabe I saw the comments here and the pep.ph halos 98% ang galit kay vice.. pare naman ok lang if you have the talent eh… you can’t act nga not even half of roderick paulate eh paano yan ang daming tao lalong nagalit sa kayabangan mo to think tinalo mo pa si willie in this way eh willie kahit mayabang may respeto naman kay laguardia kakaiba ka hindi na ako magtataka na mas mahol pa ang gawin mo sa management nag abs-cbn kesa sa ginawa ni willie… gago buti pa ang kabayo may breeding kesa sau ulol

  6. madalas i suspend ni mrs.laguardia sila joey at willie nun pero ni minsan wala ako narinig na nagrereklamo sila.

    kung ma suspend si joey nun lagi lang yun sa backstage ng eat bulaga kasi di siya pwedeng humarap sa audience at magpakita sa tv.

    si willie naman nun pag na suspend ganun rin nag sosorry naman sila ke mrs.laguardia, naalala ko pa during MTB days halos lumuhod na si willie nun eh maibalik lang siya kasi na suspend siya nun.

    pero itong si vice chaka mayabang, mula nung dumami ang nag like sa facebook account niya dun naman nagsimula paglaki ng ulo niya. sobrang panlalait inaabot ng mga contestants. feeling niya SIYA LANG ANG INAABANGAN SA SHOWTIME, kung wala siya hindi mag re-rate ang showtime. YABANG….

  7. tama kayo kinabog mo pa si willie at joey sa kayabangan bastos, sorry pare what will happen kaya saiyo after showtime, you can’t even host a show what you can do is to criticize people pero kapag ikaw na ang tinitira kala mo kung sino kang napakataas.. masahol ka pa kay rosanna bastos, the worst of your class

  8. i believe na me pinapanigan yan si laguardia or ngaantay lang yan na lagyan sya ng showtime para tumigil sya…yung kasalanan ni osang inde ksalanan ng show or ng mga hosts…opinion ni osang yung sinabi nya inde scripted un…bakit msyado nia tinitira yung showtime? nasuspend na nga gusto pa nia matanggal tlaga ung programa…

    nung ininterview sya sa channel 5 prang tapang pa nia masalita…pero nung ngsalita si vice tungkol sa sinabi nia biglang umamo sya…kc alam nia na inde takot si vice na masuspend dahil alam nia wlang syang ginagawang mali…

    pera pera lang yan…bka mhigpit pangangailangan ni laguardia…

  9. korek…sobrang yabang mo bakla ka…hindi ka big star! kung makapanlait ka sa mga contestants ay sobrang below the belt…wala kang respeto…BASTOS ka na parang si willie…honestly, mas masahol ka pa kay willie sa pagka-balahura! pwe!

  10. Grabe hindi naman ganyan si willie at joey kay laguardia konti respeto sa government official if you still have it, you’re not a big star, you’re not even have talent to stay in showbusiness pwe!!!!!!!!!!!!! ka

  11. Haay Vice. Sobrang naging paborito ko ang Showtime dati dahil sa’yo, pero ngayon parang di ko na masyado feel ang show dahil sa’yo. Di na kinakaya ng kalabaw ang pagtungtong ng kabayo na tulad mo sa kanya. Baba na dyan.

  12. Nung Bago bago si Vice Medyo okay…Pero Now Di ko na sya pinapanood..Nakakairita na sya kasi minsan Sobra sya manlahit kala mo Sobra Sikat na! Grabe nya pagsalitaan Si Ryan un chinese kesyo tumatalsik daw laway at prang nandidiri!! eh sa Totoo lang mas nakakdiri Hitsura mo VICE..mas okay ka pa kung sa Punch LINE ka nalang…dati like namin mapnoorin Movie mo Petrang kabayo EXITED Kame nun…Now prang NAWALAN kame ng Gana..Humihirit ka pa kay Lgauardia pasikat ka talga!! kung sila WiLLie Revillame at Joey DeLeon..di nag ccoment sa ganyan eh ikaw FeeLing ka talga ccoment pa!! EpaL Ka kala mo Lagi ka nakaktuwa Pweeee.!!! Corny Corny mo nman nho!! wala ka sa kalingkingan ni ROderick PaulaTe…at buti nga di sya sumali jan sa petrang movie mo!! kya di yan Kikita kasi ang mga manonood lang nyan mga sumali sa Show Time na mga nanaLo at mga ksamaan mo sa showtime!! yun lang!!

  13. talagang sobrang yabang ng vice ganda nyan parang akala sobrang sikat cy, kong manlait ng mga contestants kakaawa yong mga bata. tama lang yong ipapalabas ng petrang kabayo, BK YONG MISMONG KABAYO TADYAKAN CY KC S SOBRANG YABANG NY. BASTOS AT MATARAY MAGSALITA pati c laguardia binastos n, BAKA AKALA N VICE GANDA (KUNO) CY ANG PRESIDENTE NG PILIPINAS N WALANG TAKOT MAGSALITA. sna magalit yong kabayo s kanya ng makatikim cy ng matinding sipa. nababawasan ang mga nanood ng showtime kc s inis s pamumukha ny. pag my gwapo kasali n contestants parang akala mo kinakagat ng surot sobrang magpacute.

  14. DAPAT LANG RENDAHAN ANG KABAYONG SI VICE GANDA. SOBRA ANG YABANG. MATINIK AT LUMUBOG KA SANA PARA MATAUHAN KA!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.