Vice Ganda, isiniwalat ang dahilan ng pagtatampo kay Karylle

Vice-Ganda-KarylleVice-GandaSOBRANG NA-OFFEND si Vice Ganda when he learned kung bakit tila iniiwasan siya ni Karylle.

Noong una, nagdamdam si Vice dahil nalaman niyang nag-alibi si Karylle nang ‘di ito makapunta sa kanyang victory party kahit invited naman. First, sabi ni Karylle ay ‘di siya invited. Then, wala siyang driver. At ang pangatlo ay tinatamad siya.

“Hanggang sa may nakarating na naman sa akin na sobra akong nasaktan. Isang beses nag-absent si Karylle. May sakit daw siya tapos nakita siya ni direk Bobet (Vidanes) somewhere). ‘Ano’ng ginagawa mo dito? May sakit ka, ‘di ba? Inietchos mo lang pala ako, sabi ni direk Bobet. Tapos nag-usap sila. Sinabi ni K kay Direk Bobet na umiiwas ako kasi sobrang nao-offend na raw si Yael (Yuzon). Sobrang nao-offend na raw si Yael, parang hindi niya matanggap na sa dinami-rami ng puwedeng i-pair up sa girlfriend niya ay bakit sa bakla pa. Sobra na siyang pissed off na anytime ay sasabog na at susugod daw sa studio. Sabi ni Direk Bobet, ‘sige subukan niyang sumugod sa studio,’” chika ni Vice sa thanksgiving party niya sa press the other day.

“Hindi naman sa pag-aano, pero sabi nga ni Direk Bobet sa kanya, ‘dapat nga mag-thank you kayo kay Vice dahil nakakatulong sa inyo pareho ang loveteam-loveteam, na nakapagpasaya ng tao, tapos ganu’n ‘yung dating sa kanya (Yael).

“Nu’ng sinabi sa akin ni Direk Bobet ‘yun, sobra akong nalungkot. Ano ang offensive sa pagiging bakla ko? Kumbaga meron tayong “ I am Pogay”, meron tayong “That’s My Tomboy”, meron tayong ganoong segments kasi ini-empower natin ang dating minority, ‘di ba at binibigyan natin sila ng encouragement, in-empower mo sila tapos ganoon ang tingin mo sa akin, nakaka-offend dahil ang loveteam ng girlfriend mo ay bakla? Sobra akong na-offend,” esplika nstand-up comedian.

Pero okay na sila ngayon.

“Actually pinadalhan niya ako ng flowers. Ano naman siya, aminado naman siya. Nagpadala siya ng flowers, nagpadala siya ng sulat, nagte-text siya sa akin. Sabi ko, ‘okay na’ pero ‘wag nating pilitin na (maging sweet uli). Let’s all be civil, ‘wag tayong mamilit ng tao. Nag-sorry siya. Ano ba ang nakalagay sa card? Basta nag-sorry siya.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “Vice Ganda, isiniwalat ang dahilan ng pagtatampo kay Karylle

Leave a Reply

Your email address will not be published.