Vice Ganda, ipagpapalit ang career sa pag-ibig?!

OLA CHIKKA! YES na yes… well, kaloka naman ‘tong si Vice Ganda, ayaw magpaawat. Ipapagpapalit ang career dahil sa pag-ibig? Ang taray, ‘di ba? Nu’ng nakaraang interbyu niya kasi sa The Buzz, with Charlene Gonzales, ‘yun ang say ng lola mo… kaya kong bilhin ang pag-ibig na minimithi ko… ‘teh? Okay ka lang?!

Base on my experience, talaga nga namang walang magmamahal sa bading siyempre. Ano nga lang ba ang mamahalin nila, syempre ang bulsa natin… ‘di ba? Eh, pa’no kung wala ka nang pambili, ano na kayang gagawin mo?

Isa lang ang masasabi ko riyan, isa kang ilusyunada, ‘teh! Kasi naman, tumagal na tayo sa showbiz industry, hindi ko man lang lubos maisip na ang isang iniidolo ng maraming tao na si Vice Ganda, ganyan palang mag-isip. Hindi niya talaga pinag-iisipan ang mga binibitawan niyang salita. Akala niya siguro, ang interbyu sa kanya, nasa comedy bar lang siya. Sana iniisip niya muna ang mga saying niya.

BUTI PA ITONG si Baron Geisler, pinahanga niya talaga ako sa mga sagot niya sa interbyu with Boy Abunda. At least nasabi niya ang nararamdaman niya at naipaliwanag niya nang bongga, at inamin niya ang dapat aminin na isa siyang alcoholic at nawawala siya sa sarili niya ‘pag nakainom siya. Pero ipinaliwanag din niya ang mga case niya sa iba’t ibang babaeng nabastos daw niya. Wala naman daw katotohanan porke’t siya lamang daw ang madaling targetin, siya na lang daw palagi at pare-parehas ang naging bintang sa kanya.

At ang Cherry Pie Picache naman daw, of course nanay na raw ang turing ni Baron doon, at ilang beses pa siyang humingi ng tawad. Feeling tuloy ni Baron, wala na raw siyang kakampi at nag-iisa na lang siya sa mundo. Ang alam ko pa dati, ang mga bali-balitang mapagmahal ito sa magulang at ang pangarap pa nga sa ina niya ay patayuan ito ng bahay.

Ngunit ayun! Isa pa nga rito ang pagiging broken-hearted niya, kaya ganito na lang ang nagiging reaksiyon ni Baron palagi. Kaya nagpapasalamat na lang siya na binigyan siya ng opportunity na ipa-rehab siya. At sana pagbalik niya ulit sa showbiz, tanggapin siya ulit ng mga tagahanga niya, ‘di ba? Pakkkkkkkk… badjao!

BLIND ITEM: SINECH itich? Isang young actor ang kaya nawalan ng career ay nahuhumaling sa droga. Ayun ang lolo, madalas sa gimikan kaya ganu’n na lang ang nagiging career niya. Napapasama siya sa mga kaibigan na walang magandang idudulot sa kanya. Isipin mo ba namang ‘yun ang kinababaliwan niya.

Kawawang young actor kaya wala nang career… tsk, tsk! Ayan, para sa clue, nanggaling sa Kapamilya at biglang tumambling sa Kapuso!

For more chikka, more fun… abangan na lang po ang aking programa kasama ang aking anak na si Lady Camille sa DWSS 1494 KHZ, Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 11:30-12:00 ng tanghali. At siyempre, subaybayan pa rin ang aking programa sa DZRH 666 KHZ every Sunday, 2:30-3:30 ng hapon… BADJAO!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleJewel Mische, maarte at paliguy-ligoy magsalita?!
Next articleKasal ni Roxanne Guinoo, inisnab ng kanyang showbiz friends?!

No posts to display