Vice Ganda, hindi sineseryoso si Ate Gay!

SOBRANG MAYABANG lang ang da-ting ng personality ni Vice Ganda, pero hindi na rin niya kailangang ipakilala ang kanyang sarili bilang isang tao na matulungin din naman sa kanyang kapwa. Siya raw kasi, kung mayroon siyang gagawing kabutihan para sa sino man na gusto niyang tulungan, kusa na lang niyang ginagawa kesa ipagmakaingay pa iyon. Kaya nga siguro nagpapatuloy ang magandang karma sa kanyang showbiz career.

Sikat na sikat na si Vice, at alam niya ang hirap sa showbiz kung papaano magsimulang mapansin. Kaya nga ngayong mayroong nag-aangat sa pangalan ng komedyante ring si Ate Gay at ipinantatapat pa sa kanya ay hindi na lang niya sineseryoso ang isyu. Kasi nga, alam din naman niya na mahusay din si Ate Gay para mapansin na talaga ang kanyang galing katulad ng nangyayari ngayon. Pambato kasi si Vice sa programang It’s Showtime ng ABS-CBN habang nasa Wowowillie ng TV5 ngayon si Ate Gay na nagbibigay-kuwela.

Ang dami-daming proyektong nakatakdang gawin ni Vice, kaya puro na lang iya pasasalamat ngayon. Maganda rin siyang makisama sa mga artistang nagiging guests niya sa kanyang programang Gandang Gabi Vice! Dahil kapag sila naman ang nangailangan ng suporta ay naroon lang si Vice para umalalay. Katulad na lamang sa gaganaping Valentine concert ni Angeline Quinto sa SMX Convention Center Function Room 1 and 2 sa February 14, ang Angeline In Love, naroon si Vice para suportahan ang sikat na sikat ngayong singer.

TAGILID PA rin naman ang sitwasyon ngayon ni Angelica Panganiban sa relasyon nilang dalawa ni John Lloyd Cruz. Hindi naman kasi basta artista lang ang kanyang boyfriend ngayon, kundi sikat na sikat siyang artista sa showbiz. Sobrang lapitin si Lloydie ng mga kababaihan, dahil maamo nga ang lakas ng dating ng kanyang sex appeal. Maraming naggagandahang mga babae ay gustong mapalapit at makipagkilala sa magaling na actor.

Hindi naman kasi mayabang na tao si John Lloyd. Aaminin ba naman niya na nagkakandarapa sa kanya ang mga babae? Kahit mga sosyal na mayayaman ay naaakit talaga ng kaguwapuhan ni Lloydie. Mapagbiro lagi ang actor, at hindi niya ugali na mang-isnab ng mga babae na nakikipagkilala sa kanya, kaya talagang malapit siya sa tukso na kung mayroong bagong babae na makilala ay magsimula talagang maligaw ang damdamin na lumaylay ang mainit niyang pagmamahal sa kanyang karelasyon.

Maamo lang talaga ang dating ni John Lloyd kumpara sa ex-boyfriend ni Angelica na si Derek Ramsay kung hitsura ang pag-uusapan. Masyado kasing brusko ang dating ni Derek. Pero pagdating sa panghatak sa mga kababaihan, winner silang pareho. Dapat mapansin din ni Angelica na kung dati’y nakakaintriga kung bakit ang dami-daming kaibigan ni Derek na magagandang babae, ay ganu’n din si Lloydie, na hayup din sa gaganda ang mga nakikipagkilalang mga babae.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

2 thoughts on “Vice Ganda, hindi sineseryoso si Ate Gay!

  1. d naman talaga magaling c ate gay…ewan ko ba kung cnu ang natatawa sa kanya….wala namang bago sa mga spiels nya…

    • natatawa kaya ang mga tao kay ate gay..at hindi siya nananakit ng tao di tulad ng iba..pwede ka namang magpatawa na hindi nakakasakit dahil ang pagpapatawa ay para maging masaya ang tao, hindi para malulungkot sila :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.