Vice Ganda has ‘past’ with Rafael Rosell and Jon Avila?!

MAGANDANG MAKISAMA SI Vice Ganda sa mga nakakasalamuha niya sa showbiz, kaya patuloy na dumarami ang kanyang mga kaibigan na nagmamahal sa kanya. Pero siyempre, hindi naman lahat ay gusto siya, kaya mayroon din namang mga naiinis sa kanya, na parang ang dating naman ay naiinggit lang sa patuloy na bumobongga niyang showbiz career. Pero kapag naman nalalaman ni Vice na mayroong mga taong hindi siya gusto, inaalam naman niya kung bakit, at kasunod din noon ay pinakikisamahan niya kung pupuwede.

Bilang bonggang bading, si Vice ay para na ring si Allan K. na pagdating sa kagandahan, ang mga guwapong kalalakihan sa loob at labas ng showbiz ang nagpaparamdam para kanilang patulan. Pero siyempre, hindi naman basta-basta ‘yon, dahil mayroon na ring image na pinoprotektahan si Vice, kaya hindi pupuwedeng basta-basta pumatol na lang. Dahil din sa kabaitan ni Vice, hindi siya binabastos ng mga kalalakihan.

Marami ngang bading ang lihim na naiinggit at sineseryoso ang isyu na sina Vice daw at Rafael Rosell ay nagkaroon ng relasyon. Hindi lang naman si Rafael, kundi maging si Jon Avila ay nagkaroon din daw ng kaugnayan sa sikat na komedyante ng Showtime. Nakakaintriga nga, dahil kapag sina Rafael at Jon ay tinatanong tungkol kay Vice, tumatawa lang sila, pero hindi tipong “Yuck!” ang dating ng isyu. Pareho silang mabait kay Vice, kaya nakakapag-isip kung mayroon ngang nakaraan si Vice sa dalawang guwapong aktor. Ang haba talaga ng hair ni Vice, oh!

MAYROONG MGA MANUNULAT na naiirita kay Kylie Padilla, dahil ang anak daw ni Robin Padilla ay hindi marunong makiharap sa press. Tipong hindi pa siya sanay, na nakakainis daw ang dating. Kaya nga siguro, pagdating sa ganyang bagay ay dapat magpaturo si Kylie sa kanyang daddy, dahil si Binoe ang isa sa pinakamahusay na artista pagdating sa pakikisama sa press people. Lahat ng taga-showbiz, pinakikisamahan niya sa abot ng kanyang makakaya.

Isa-isahin mo ang lahat ng manunulat sa showbiz, at hindi sila mawawalan ng kuwento tungkol sa kung papaano si Robin ay kanilang minahal dahil sa mabuti nitong pakikisama. Kaya kahit anong mga pinagdaanang kontrobersiya ni Binoe sa buhay at career niya, hindi siya kinakanti, dahil marami rin ang nakakaalam na mabait siyang tao. Nu’ng nasa kainitan ang kasikatan ni Robin, hindi namin makakalimutan nang minsang magpadalaw siya sa aming grupo sa kanyang tirahan d’yan sa Ybardolaza St., Kamuning, Quezon City.

Nakasagot si Robin sa amin na mainterbyu. Kaso’y nag-shooting pala siya at napuyat. Pero hindi niya ipinakansela ang aming interbyu. Dumating kami sa tinutuluyan niyang apartment ay nakahiga pa siya sa kama, dahil mga alas-nuebe iyon ng umaga. Mga lima kaming reporter noon, at kahit kulang pa siya sa tulog ay nakipagkuwentuhan siya sa amin.  Pinapasok niya talaga kami sa bedroom niya. Minsan naman, hindi sinasadya ay nakainom si Binoe, pero dahil sa pakikisama ay hinarap pa rin niya kami nang dalawin namin siya sa Quezon Memorial Circle, sa shooting ng kanyang pelikula. Ganu’n rumespeto si Binoe sa mga manunulat, na dapat matutunan ni Kylie kung gusto niyang magtagal sa business na ito.

PERSONAL: HAPPY BIRTHDAY kay Luis Manzano. Ang wish natin para sa kanya ay ang matagpuan na niya ang babaeng susunod niyang makakarelasyon para hindi na siya maintrigang nagmamakaawang balikan ni Angel Locsin. Naka-kabilib si Luis, dahil sa kanyang kasimplehan kahit anak siya nina Governor Vilma Santos-Recto at Edu Manzano. Hindi siya nagiging mayabang simula nu’ng mag-showbiz siya, hanggang ngayon na sikat na siya bilang TV host, kaya maraming nagmamahal sa kanya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

6 thoughts on “Vice Ganda has ‘past’ with Rafael Rosell and Jon Avila?!

  1. ilusyunadang baklang frog naman itong vice kc ginagamit niya si papa rafael and jon para mapag-usapan!

  2. sobrang friendship naman nitong writer si vice ganda, at todo paniwala sa pag-iilusyon na si Rafael at Jon ay mai-involve kay Vice. dapat theme ninyong mag-friendship ay “In My Dreams”, kaloka, feeling na isa siyang kanais-nais na girl na ubod ganda, pwee!

  3. I like Rafael Rosell and Jon Avila, ang mga guapo nila. I like Tom Rodriguez also, guapo to the max at ang ganda ng dimples nya.

  4. Pingback: Vice Ganda has ‘past’ with Rafael Rosell and Jon Avila?! | Vice Ganda Shows Concerts News Photos and Videos

Leave a Reply

Your email address will not be published.