Vice Ganda, gustong magkaroon ng anak kay Derek Ramsay!

MASAYA NA raw ang isa sa maituturing na pinakamatagumpay na komedyante ng bagong henerasyon na si Vice Ganda sa magandang itinatakbo ng kanyang career, masayang pamilya at lovelife.

Pero may isang gusto pang mangyari si Vice Ganda at ito ay ang magkaroon ng sariling anak na gagabay sa kanya sa kanyang pagtanda. Biro nga nito na si Derek Ramsay ang gusto niyang maging ama ng kanyang magiging anak.
“Gusto ko nang magkaanak! Gusto ko sana si Derek Ramsay ang maging ama ng aking anak, kaya lang pareho kaming sperm cells, kaya hindi puwede,” patuloy niya. “Matatalo pa ako ni Aiza Seguerra, kung saka-sakali.”0
“Ang option ko ay maghanap ng babaeng foreigner at mag-undergo ng invitro para pagsamahin ang aming sperm at egg cells. Nakatitiyak pa akong magiging maganda ang aming anak at masasarapan akong yakap-yakapin ito.

“’Di ba kapag pinagsanib ang Pinoy at Kano o iba pang foreigners, magaganda ang resulta?”
Pero ayaw na ayaw raw ni Vice Ganda na mag-ampon. Mas gusto raw nitong dugo niya ang nananalaytay sa katawan ng kanyang magiging anak kung saka-sakaling magkakaanak na siya.

 

WALA RAW balak agawin ni Alden Richards si Bea Binene na siyang magiging bagong kapareha nito sa Indio kay Jake Vargas. Dagdag pa ni Alden, ilang araw lang naman daw sila ni Bea mapapanood sa Indio dahil young Sen. Bong Revilla at young Maxene Magalona ang ginagampanan nila ni Bea.
“Ngayon lang po, dito lang po sa project na ‘to, sandal lang kami rito.”

Hindi ka ba natatakot na baka magalit sa ‘yo ang fans ng Jabea (Jake Vargas and Bea Binene)?

“Hindi naman po, kasi matalino na naman ang mga audience ngayon. Alam naman nila na trabaho lang ‘yung ginagawa namin. Sinusunod lang namin ‘yung pinagagawa sa amin ng GMA 7. Tsaka ilang araw lang naman kami dito ni Bea, paglaki kasi sina Senator Bong at Maxene Magalona ‘yung role na ginagampanan namin ni Bea.”

Pero if ever daw na mabibigyan siya ng kapartner ay mas gusto raw ni Alden Richards na ang ibigay sa kanya ng GMA 7 ay si Julie Anne San Jose. Bukod daw kasi sa magaling din itong umarte ay napakabait daw ng dalaga na alam na alam niyang magki-click din sila.

 

NGAYON NA, January 9, Wednesday ng 8 p.m. i-palalabas ang first guesting sa I-Juander ng News TV 11 ng isa sa hottest boyband sa bansa, ang UPGRADE, na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Ron Galang, Rhem Enjavi, Armond Bernas, Raymond Tay, Mark Baracael at Miggy San Pablo.

Ipakikita ng UPGRADE ang kanilang fashion at kung papano nila pinagmi-mix and match ang kanilang mga damit sa kanilang mga show. Ikukuwento rin ng mga ito kung saan-saan sila namimili ng kanilang mga damit. Kaya naman tutok na sa Wed. ng 8 p.m. sa News TV at panoorin ang I-Juander hosted by Direk Cesar Apolinario at Susan Enriquez ,kung saan espesyal na panauhin ang UPGRADE at alamin ang kanilang fashion for 2013.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “Vice Ganda, gustong magkaroon ng anak kay Derek Ramsay!

  1. kung ako halimbawang lalaki di ako papatol sa isang tulad ni vice ganda nakakadiri at nakakasuka kahit tapalan mo pa ako nang pera mo hinding -hindi parang nakakabababaw sa iyong pagkatao na papatol ka sa kapawa lalaki mo kahit ano pa yan lalaki pa yan di niya matutumbasan ang babae dalawa lang ang nilalang nang diyos ang babae at lalaki sa mundo.

  2. YUCK SINCHA NAMAN ANG UPGRADE NA YAN? PARATI NA LANG SINASAMA NG WRITER NA ITO ANG MGA YAN? SINCHA BA SILA? MAY NAKAKAKILALA BA SA KANILA HAHAAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.