Vice Ganda, gusto nang bumalik sa dating buhay?!

KUNG HINDI PA nag-guest si Vice Ganda sa The Buzz, hindi pa namin makikita in person sina Melai at Jason.  Gano’n pa rin ang hitsura ni Melai. Si Jason, siguro, mga 5.6 lang ang height.

Nakatutuwa si Jason. Nakita niya kami. Tapos, hindi niya alam kung ano’ng gagawin niya. Kung yayakapin ba niya ako o ibebeso-beso. Ang ginawa namin, kami na ang naglapit ng pisngi namin at yumakap na rin siya.

Ayaw naman naming isiping na-starstruck si Jason pagkakita sa amin, dahil hindi naman kami kagandahan, ‘no! He-he-he!

Pero sabi namin sa kanya, siya ang bet naming magwagi that time. Kasi, para sa amin, siya ang pinakatotoo.

KAHIT FEELING NG mga taong nakakapanood kay Vice Ganda sa Showtime ay bato ang puso niya sa mga grupong lumalahok doon, ‘yun lang ang akala n’yo.

Tao rin si Vice na nasasaktan sa mga bumabatikos at nang-iintriga sa kanya.

Minsan nga, sa sobrang lungkot niya, nakapagdayalog siya sa amin ng, “Bakit ba ganito kakumplikado ang buhay ko? Nu’ng araw namang nagsi-show lang ako sa comedy bar, magsi-show lang ako, tapos, matutulog na ‘ko.

“Ngayon, parang de numero na ang ikinikilos ko, dahil me imahe na akong dapat alagaan.

“Naisip ko, ano kaya kung bumalik na lang ako sa dati kong buhay?

Isa lang ang isinagot namin kay Vice: “Hindi kita ibabalik. Me obligasyon kang pasayahin ang mga tao!”

KAHIT TAPOS NA ang May Bukas Pa, itinatanong pa rin sa amin ng mga tao sa tuwing mag-iikot kami sa District 3 ng Quezon City kumbakit hindi namin kasama si Santino.

At very standard ang sagot namin: “Ay, ‘Nay, nagpatuli po kasi si Santino!” Saka sila bubunghalit ng tawa.

Eh, ang asawa mong si Arlene Muhlach? “Ay, nako, ‘Nay, ayun, nagdyi-gym. Nagpapapayat!”

AT ‘ETO NA, naalala namin. Minsan, merong nagtanong sa amin.

“Me anak ka na? Ampon mo?”

“Ay, hindi po. Anak ko po talaga ‘yon. Galing po sa semilya ko!”

Bakit nga ba gano’n, ‘no? Porke bading, parang wala nang karapatang magkagusto sa babae? Parang wala nang karapatang tayuan sa babae?

Apat na po ang anak namin.

“Bakit puro babae anak mo?”

At ang lagi naming sagot: “Ok lang po ‘yun. ‘Yung iba nga, kahit fetus, wala!”

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!’ sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn. Siyempre, kasama diyan ang “alamat” na si Ms. F, ang may megaphone sa lalamunang si Rommel Placente at ang “papable” na si Eric Borromeo.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

3 thoughts on “Vice Ganda, gusto nang bumalik sa dating buhay?!

  1. @rachel: sinong nonsense and website o c ogie diaz o di kayay c vice ganda?

    toink bat ka napadpad dito alam mo namang showbiz ito natural ganyan lahat ang balita nila kung gusto mo ija ng seryosong balita doon ka sa cnn website bbc o di kaya national geographic im sure my sense yon at maka relate ka

    ganda mo matalino ka siguro noh?

    maling bahay pinasok mo ija…

Leave a Reply

Your email address will not be published.