Vice Ganda filled Lucena Convention Center with fans for the reconstruction of a church


HINDI RAW KARANIWANG
napupuno ang 6,000 seating capacity ng Lucena Convention Center in Quezon Province, but last Friday was an astounding revelation.

Tampok sa pagtatanghal si Vice Ganda, who just returned two days from his trip to Doha, Qatar en route to London, UK. And why Lucena shortly after his foreign sojourns?

Kuwento ng manager ni Vice Ganda na si Ogie Diaz: “Sabi niya, ‘Ogs, gusto ko ‘yung Lucena show, tanggapin natin.’” It was a benefit show na ang proceeds would be earmarked for the reconstruction of a church in the provincial city. Sa madaling salita, ang inialok na TF (talent fee) sa standup comedian-TV host was the least of his concerns.

Patuloy ni Ogie: “Ganu’n naman si bakla, eh. ‘Pag gusto niyang gawin ang isang bagay, he’ll pursue it. Kung tutuusin nga, marami na kaming mga tinanggihang offers, as in bongga ang mga TF kaya bongga rin siyempre ang  ‘komi’ (commission) ko, pero it’s not always money, eh. You have to love what you do.”

Kaya ganu’n na lang daw ang pasasalamat ng parokya kay Vice Ganda. Tanong tuloy ng parish priest sa kanya: “Ano bang panalangin ang gusto mong i-offer ko sa Itaas para sa ‘yo?” Sagot naman daw ng hitad: “Father, basta ipagdasal n’yo na lang po ako.”

Bumibiyahe si Vice Ganda pabalik ng Maynila, ramdam niya’y sumikip ang kanyang pang-itaas sa pagtaba ng kanyang puso. Mas siya raw ang nabiyayaan ng kagalakan kesa siya ang nakapagbigay-kasiyahan sa kanyang mga tagahanga. Walang inilayo ‘yon sa batang bidang kasama niya sa 100 Days To Heaven, si Xyriel Manabat na gumaganap bilang Ana Mana-lastas. For every good deed that she does in atoning for her sins ay naliligayahan siya.

Teka, may mga kasalanan din bang dapat ikumpisal si Vice Ganda sa parish priest ng Lucena church?

 

BLIND ITEM: ISA sa mga sensitibong paksa na isulat ay ang pagkakasakit ng sinumang personalidad, lalo’t kung ang kanyang buhay ay tulad ng isang de lata na may expiration date.

Hindi naman talaga siya (our subject) isang showbiz persona-lity, but he is married to an actress who started young in the business. May supling na rin sila.

But theirs is not a marriage that has counted several years, pero hindi naman ‘yon ganoon kaikli tulad ng napapabalitang anim na buwang pamamalagi na lang sa mundo na ibinigay ng kanyang oncologist (doctor that treats cancer patients).

Hindi sa binibigyang-katuwiran namin ang karamdamang dumapo sa mister ng aktres, but if it’s any sigh of relief, may-kaya ang pinagmulan niyang pamilya para matustusan ang mahal na gamutan just to prolong life.

But let us approach this from a spiritual point of view. We can, but we should not question God’s plan for us. Sana lang, buong tapang na harapin ng mag-asawa ang pinagdaraanan nilang pagsubok, as this will further strengthen—not just their marital union, but their faith in God.

Hindi na mabilang ang mga binigyan ng taning ng mga tagapaglaganap ng medisina, only to get their medical expertise disproven because of the word “miracle”.

 

TINUTUKAN NAMIN nitong Linggo ng gabi ang pre-SONA (State Of The Nation Address) episode ng News5 Debates sa TV5 na nag-analisa ng pamamalakad ni Pangulong Noynoy Aquino titled Unang Taon ni P-Noy: Bagsak o Pasado?

Siyempre, may dalawang panig na nagsulong ng kani-lang paniniwala kung passed or failed nga ba ang dapat ibigay na marka sa Pangulo. Naging mainit ang talakayan dahil iba’t ibang aspeto ng pamumuno ni PNoy ang hinimay. Imagine, even the never-ending issue on his ba-chelor’s life, pinaglaanan din ng airtime?

Over-all, bagama’t mas na-naig ang mga negatibong komento sa kasalukuyang admi-nistrasyon, ang labindalawang buwang pagkakaupo pa lang ni P-Noy sa puwesto ay hindi sapat para matupad niyang lahat ang kanyang mga pangako.

But here’s looking forward to seeing more issues of national importance addressed in his next SONA a year from now.

 
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

One thought on “Vice Ganda filled Lucena Convention Center with fans for the reconstruction of a church

  1. Pingback: Vice Ganda filled Lucena Convention Center with fans for the reconstruction of a church | Vice Ganda Shows Concerts News Photos and Videos

Leave a Reply

Your email address will not be published.