Vice Ganda, ‘di pa sigurado sa The Buzz!

SO, PARANG BITIN pa pala kung sino talaga ang papalit kay Ruffa Gutierrez sa The Buzz. Although, nagkaroon na ng tipong welcome kay Vice Ganda for his birthday sa nabanggit na showbiz talk show, may echos-echos na hindi pa raw talaga ang komedyante ‘yung papalit kay Ruffa rito, na gusto na raw nina Kris Aquino at Boy Abunda si Vice kahit nga raw i-share na nila ang part ng talent fees nila para lang maidagdag na si Vice sa show.

Ganoon katindi ang tiwala nila kay Vice, dahil nga rin sa isang show na talagang binuhay ng presence doon ng dati lamang comedy bar host, ang Showtime na bumongga talaga sa TV at hindi maitatangging dahil ‘yun sa husay sa pagho-host at pagiging hurado ni Vice Ganda.

Palagay namin, tine-test pa ng ABS-CBN kung okey na rin lang na sina Kuya Boy at Kris ang tanging main hosts ng The Buzz. Baka nga hindi na kailangan ng pamalit kay Ruffa. Tingnan na lang natin kapag umarangkada na ang Paparazzi ng TV 5 na magtatampok kina Cristy Fermin, Ruffa, at iba pa. Tiyak na maiiba ang ihip ng hangin kapag naging three-cornered fight na ang mga showbiz talk show tuwing Linggo, although ang alam namin, lihis sa nakaugaliang time slot ang sa Paparazzi sa magkasabay na The Buzz ng Dos at ng Showbiz Central ng Siyete.

As it is, hard-hitting ang magiging dating ng Paparazzi dahil wala raw itong sacred cows na pinoprotektahan, unlike Dos and Siyete na may kanya-kanyang interests at mga talents na iniiwas sa mga eskandalo.

Well, abangan na lang natin.

MUKHANG UNTI-UNTI NANG nagpapabongga ang TV 5. Napanood namin noong Linggo ang balitaktakan sa Face to Face kung saan host si Amy Perez. Nakakaloka pala ang show na ito na parang canned TV program na Jerry Springer na bangayan nang bangayan. Awayang walang humpay, but at the end of the day, nagkakaroon ng redemption at reconciliation.

Ewan lang kung gaano ka-scripted ang programang ito, pero mukhang mahirap itong iskripan. Hindi naman professional actors and actresses ang nagge-guest dito kundi mga common tao na may common dispute. Mahusay ring mag-host si Amy, na kung minsan, nadadala ng kanyang emosyon na para sa amin, click sa mga manonood, at nakaka-relate ang mga ito sa kadramahan at kung anumang kacheapan ng mga participant dito.

Kung gusto nga ng TV 5 na mapaiba, palagay namin, unti-unti nilang maa-achieve ito. Nagiging magandang alternatibo sila at ‘yun ang maganda roon. ‘Yung hinahanap na katinuan sa TV ngayon ay naibabalanse ng Singko, at ngayon pa lang, dapat nang mag-umpisang kabahan din ang dalawang naglalakihang networks, ang Siyete at Dos.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

13 thoughts on “Vice Ganda, ‘di pa sigurado sa The Buzz!

  1. NASULOT NA NI KC CONCEPCION SI KABAYONG.., ESTE KABAYANG VICE GANDA (daw).
    MALAKI UTANG NA LOOB NI KRIS YAP KAY SHARON AT KIKO DAHIL SA PAGBALIMBING PABOR KAY NOYNOY. E SIYMPRE, BAHALA SI MADAM KRIS. KAYA HAYAN, OPISYAL NA..BIGLANG SUMIPOT NA PARANG KABUTE SI KC. SAKA INSECURED SI KRIS N BOY KAY VICE, DAHIL MAS HAMAK NA INTELEHENTE AT MABILIS MAGISIP ANG KABAYO. GETS NYO? O HINDI PA, WELL..MAKINIG KAYO NG TSISMINS SA LIKOD NG TELON SA ABS.

  2. mgnda lang mgpromote ang tv5 pero wla p nmn napapatunayan..d tulad ng kapamilya, established n all over the world (TFC and even s international awards)

    • ngek! wala na ba silang mapagpilian eh ang daming magagaling sa dos? Kung wala silang mapili, si aling dionisia na lang, lol!

  3. natatawa lang ko kay GIGOLO parang staff ka ng d buzz ah at ang dme mong interpretation..close k b kay kris at boy?bka nmn ikw c cristy tlga!excuse me lang c kris mismo ngsbi na isali n c vice kht paghatian nlng nila ni boy ang tf! kaya san mo nkuha yan “ayw ni kris at boy etc”…wg ka nga magimbento..dme mo pa rason puros imbento nmn..pathetic!
    personally mgnda nmn c vice s buzz kc spontaneous sya and smart..pero ang problema kay vice lahat ng attention gs2 nya saknya lang…conflict yn kpg nginterview ng actors kc hde magiging natural kc icocontrol nya un interview ng sobra…instead of allowing un natural responses..malamng mgpupunchline yn or hihirit..controlado nya tuloy ng sobra mismo un interview..hde rin mganda un eh..dpt u let the actor answer the questions and not interrupt or make sidecomments..tiingin nyo b d ggwn ni vice un pgsumalang sya?malamang dba!

  4. …hindi puede si Vice Ganda sa Buzz, simple as abc, AYAW NG 2 mismong si Boy and Kris.. dahil 1. Mababawasan budget ng BUZZ, apektado sila dito 2. Insecure si Boy dahil intelehente din si Vice like him 3. Ayaw ni Kris, dahil mababawasan papel, attraction, focus sa kanya. 4. Boy and Kris, insecured kay Vice, dahil mas mabilis magsalita at mag impromptu. 4. Balak may sumulot kay Vice Ganda, aside from KC Concepcion. 5. Ayaw na ng isa pang bading sa show ni Kris Yap (afraid of baby james closeness, baka mahawa na) 6. Walang bonding si Boy and Kris kay Vice, naiilang sila sa isat isa. YAN PO ANG KATOTOHANAN FROM RELIABLE SOURCES.

  5. sana at dapat na si Alessandra de rossi nalang kuhanin nila.wla naman siyang ginagawa ngayon eh puro twitter lang haha.tska perfect siya as a host sa the buzz kasi parang wala lang kung magsalita siya eh.parang wlang siyang care,haha gusto ko yun,perfect yun sa POV kasi lagi siyang may opinion at very violent reactions haha .may sense of humor pa siya.SHE IS PERFECT!!!THE BUSS MANAGEMENT GET HER AS THE NEW HOST NOW NA!!!!!think about it..

    • i don’t think na kakabahan ang dos at siete dahil ang tv5 ay ngayon pa lang naguumpisa; dapat magkaroon muna sila ng international tulad nung dalawang higanteng network at cgurado akong isa ako sa manood sa kanila. :-)

Leave a Reply

Your email address will not be published.