Vice Ganda, ‘di mailabas sa publiko ang dyowa

Vice-GandaIMBITADO ANG lahat ng malalapit sa kanya, kahit ang mga kaibigan ng kanyang boyfriend. Pero mismong ang boyfriend pala ni Vice Ganda ay hindi puwedeng dumalo sa birthday celebration niya noong nakaraang March 30 sa Gramercy Bar.

Ikinuwento ito sa nakaraang guesting niya sa Buzz ng Bayan, aminado ang komedyante na isa ito sa nakapagpapalungkot sa kanya. Pero ito na rin ang paraan para mapangalagaan ang identity at pribadong buhay ng kasintahan ng sikat na TV host.

‘Di tinago na sa kabila ng popularidad at pinansyal na kinikita sa ngayon bilang isa sa pinakasikat na artista sa kasalukuyan, nakararamdam pa rin siya ng matinding kalungkutan. Kung matatandaan, nag-absent ng ilang araw noon si Vice sa It’s Showtime kung saan dumaan ito sa matinding depresyon at pinuntahan para kunin ang kanyang lolo sa probinsya kung saan ito nakatira.

Bilang isang tao, lahat naman tayo ay nakararamdam ng lungkot. Bilang isang komedyante tulad ni Vice, kahanga-hanga na nakapagpapasaya siya ng maraming tao sa kabila ng lungkot at kakulangan na nararamdaman at pinagdaraanan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

6 thoughts on “Vice Ganda, ‘di mailabas sa publiko ang dyowa

  1. mga ingget lang kayo kay vice at least siya mapera, sikat eh, kayo? mga hampaslupa hahahahahahahaha! lalo na si kristd hakhak!

  2. nyahahahhaa bhukeet marami ba sila sino kaya dun. yung Tisoy na G-Force dancer..o yung varsity player hahahhaha bhukeet kinakahiya ba siya,,,hahahhaha sabagay nakakahiya nga namang malaman ng buong bayan na Bf ka ng isang pambansang Kabayo hahahha kahit ba may DATUNG si kabayo hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.