Vice Ganda at Ogie Diaz, nagkakalabuan na?!

SA NAKARAANG PRESSCON ng Praybeyt Benjamin, naging issue ang pagtatapat ni Vice Ganda na may problema sa ngayon ang ma-nager-talent relationship nila ni Kuya Ogie Diaz.

Sa nakaraang tweets pa lang ni Vice, few weeks ago, kapansin-pansin na ang mga mensahe nito na hindi na siya masaya sa tinatakbo ng relasyon nila ng TV host/columnist, kung saan inamin niya rin naman sa interviews sa kanya na may pinagdadaanan nga ang propesyonal na relasyon nilang dalawa.

Iwas-magbigay ng detalye sa kung ano ba ang rason ng nasabing problema, ayon kay Vice ay ‘di pa sila nag-uusap nang masinsinan ni Kuya Ogie tungkol dito, dahil wala pa talagang oras. Sa tanong na nagkakasama naman pala sila sa ilang pagkakataon kung saan regular ngang dumadalaw sa kanya si Kuya Ogie sa tapings ng Gandang Gabi, Vice, nagbigay-pahayag sa amin ang komedyante na hiwalay kasi ang pagiging magkaibigan nila sa pagiging magkatrabaho.

Nagbigay kasiguraduhan din si Vice na kahit na ano ang mangyari, ‘di na sila maghihiwalay ng ma-nager kung saan maaaring dumating ang punto na maputol ang kanilang manager-talent relationship pero hindi ang kanilang pagiging magkaibigan. Malalim na rin ang naging pundasyon ng pagkakaibigan nilang dalawa kung saan si Kuya Ogie ang isa sa unang naniwala at sumugal sa talento at kakayahan ni Vice.

Sinubukan naming kunin ang panig ni Kuya Ogie tungkol sa nasabing issue pero tumanggi siyang magpa-interview sa amin sa Cinema News. Manapa’y isang text message ang natanggap namin mula sa TV host/manager. Heto ang nilalaman ng nasabing text: “Kung anuman ‘yung sinabi ni Vice Ganda, totoo ‘yun. Mag-uusap muna kami bago ako magbigay ng statement. Sa isang relasyon naman, nangyayari talaga ‘to. So wala kaming pinagkaiba sa ibang friends o manager-talent relationship na may problema on a professional level.”

ISANG SERYE ANG tiyak na aabangan at tututukan ng publiko kapag nagsimula na. Ito ay ang Padre de Pamilya, kung saan magkakasama sa kauna-unahang pagkakataon sina Jericho Rosales, Piolo Pascual at Christopher de Leon.

Sa panayam namin kay Echo, sobrang excited ang aktor na makakatrabaho niya muli ang tinatawag niyang “the bulldozer” na si Christopher dahil sa napakahusay nitong umarte at magbigay-buhay sa karakter na ginagampanan. ‘Di rin itinago ni Echo ang kasiyahan na makaktrabaho niya sa kauna-unahang pagkakataon ang katulad niyang isa sa pinakamahuhusay umarte sa hene-rasyon niya. Tiyak na aabangan ng tao kung may sapawan bang magaganap sa kanila ni Piolo lalo’t medyo kakaiba ang role dito ni Echo na may pagka-kontrabida.

Ayon kay Echo, ‘di niya iniisip ang ganitong mga bagay sa ngayon dahil ang lagi naman niyang pokus ay ang karakter na gagampanan.

NAKA-ISANG TAON NA ang Public Atorni ni Atty. Persida Acosta kung saan dadayo pa sila sa Cebu para magbigay naman ng legal na tulong sa mga kababayan natin du’n.

Samantala, may nakarating na balita sa amin na dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa nasabing programa, may mga offers palang natatanggap si Atty. Acosta para maglipat-bakod sa ibang istasyon. Inamin naman sa amin ng mahusay na abogado na may mga alok nga raw siyang natanggap, pero dahil mahal niya ang TV5 at sa malaking utang na loob niya rito dahil ito ang unang nagbigay sa kanya ng break at tiwala, siniguro sa amin ni Atty. Acosta na mananatili siya sa Ka-patid Network at wala siyang balak na lumipat sa ibang istasyon anuman ang mangyari.

 

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

11 thoughts on “Vice Ganda at Ogie Diaz, nagkakalabuan na?!

  1. hayaan na nyo si vice, madadapa din yan at pag nadapa na yan… sigurado sa hulog yan sa balon na sangkatutak ang bubog ng bote at mga buwaya ang sasalo sa kanya! baklang powtah!

  2. nagpapahiwatig na c vice na gusto na nyang iwan c ogie diaz. hay naku mayabang na bakla eh dati dugyot na bakla ka lang sa mga comedy bar, ngayon nakaangat ka ng konti kala mo kung cno na napaka righteous lagi magsalita! sana makapagyabang ka pa pag laos ka na!

  3. hahahaha tinakpan ni jake ang mukhang-face ni chokoleit ng piktur ni melissa ricks kaya nakayanan na patulan ! hahahaha

  4. ano ba away nila?…pera o mga lalaking parausan na artistA sa abs?…naunahan na kayo ng chocolate na bading dyan…di ba jake cuenca…

  5. Baka kinumbinse itong si Vice ng ibang manager like Vic para lumipat sa kanila at ginawan lang ng fault nito si Ogie. I never like Vice, OA ang dating, sorry nagpakatotoo lang, at the way na papahiyain niya yong ibang artista sa show, even if it’s a joke, not nice, malaking ulo si vice, sana hindi makarma pag iniwan niya si Ogie. Agree ako kay dogie_d and chuchay.

  6. NAKU SI PACHUCHAY BUHAY NA NAMAN……….KAYA PALA WALA KANG MANAGER KASI FOR SURE MADALI MAGSAWA SA FEZ MO…………HAHAHAHAHA…………

Leave a Reply

Your email address will not be published.