Vice Ganda at Direk Wenn Deramas, sa kanila pa rin ang huling halakhak

Wenn-Deramas- Vice-GandaNA KINA Direk Wenn Deramas at Vice-Ganda ang huling halakhak. Ang pelikula nilang Girl, Boy, Bakla,Tomboy na ngayon ang number one sa takilya. Kahit hindi nila nakuha ang number one slot (1st top-grosser My Little Bossing, 2nd Girl,Boy,Bakla,Tomboy, 3rd Pagpag) sa nakaraang awards night ng Metro Manila Film Festival last December 2013. Ngayon, for it’s 2nd week, nangunguna na ang GBBT, naka-P360-M na ito as of Monday.

Pagpapatunay lamang na hawak pa rin nina Direk Wenn at Vice-Ganda ang titulong box-office director at box-office king ng local cinema. Hindi gawang biro ang hirap at sakripisyong pinagdaanan ng dalawa bago natapos ang pelikula. Sobrang happy ngayon si Direk Wenn dahil kahit anong bagyo ang pinagdaanan niya habang ginagawa ang GBBT, tumabo ito nang husto sa takilya.

Ibang klase talaga ang tandem nina Direk Wenn at Vice, palaging patok sa madlang pelikula ang kanilang mga pelikula. Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ang susunod nilang movie project together para sa MMFF 2014. Two pictures a year (Star Cinema at Viva Films) lang gagawin ni Direk Wenn plus teleserye for Kapamilya Network.

Medyo relax na nga ngayon si Direk Wenn dahil ang Galema lang ang ginagawa niya. Hindi na siya ngarag tulad ng dati na sobra ang pressure sa trabaho. Na-realize kasi ng magaling na director na hindi na siya bumabata. Pero young at heart naman ang kanyang pakiramdam sa bago nitong special someone. Patok sa manonood ang fantaseryeng ito ni Andi Eigenmann kaya’t hataw sa taas ng rating.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Vice Ganda at Direk Wenn Deramas, sa kanila pa rin ang huling halakhak

Leave a Reply

Your email address will not be published.