Vice Ganda at Coco Martin, tuloy na ang pagsasama

Vice-Ganda-Coco-MartinLAST TUESDAY afternoon naganap ang presentation conference nina Vice Ganda at Coco Martin para sa isang project.

Yes, tila matutuloy na ang pagsasama sa pelikula ng dalawa na ang balita namin, target date ng project ay late November or early December bago ang MMFF 2015. Hindi pa namin alam ang detalye ng project.

Sa presentation conference, ipinakikilala ang iba’t ibang mga projects sa mga artista or bida na puwede nilang pagpilian para gawin.

Sa mga hindi nakaaalam, magkaibigan sina Vice at Coco bago pa man pumasok sa showbiz ang aktor. Noong nagtatrabaho pa ang aktor as a waiter sa isang restaurant noon, doon nagkakilala ang dalawa.

Hopefully, sa naganap na presentation conference ng dalawa, may napili na silang project na puwede nila pagsamahan.

I’m sure, riot ito ‘pag nagkatuluyan sa isang project sina Vice at Coco.

Pero habang naghihintay sa naturang project si Coco, busy siya sa paghahanda sa kanyang role as a policeman sa Ang Probinsiyano, kung saan nag-a-undergo ng physical training ang aktor together with Arjo Atayde and other stars sa PNP Academy. Kita sa mga photo posting ng Dreamscape Entertainment na napakahirap ng pagsasanay ng aktor together with real policemen. Ang alam ko this week ang first taping day nila.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleJericho Rosales, proud sa remake ng serye nila ni Kristine Hermosa
Next articleKris Aquino, sobrang bilib kay Bimby na ‘di maba-basted balang-araw

No posts to display