Vice Ganda at Coco Martin, napirata na

Coco Martin and Vice Ganda

Coco Martin and Vice Ganda

Kaloka! Hindi pa man nag-iinit sa mga sinehan ang mega super hit na pelikulang “The Super Parental Guardians” nina Coco Martin at Vice Ganda na produced ng Star Cinema ay humahataw na sa Quiapo ang pelikula na pinipirata ng mga nagbebenta ng mga pirated DVD sa halagang P15 na lang na dati-rati’y balita namin na ang presyo ng local movies na pinarata ay P25 each.

Sa totoo lang, habang isinusulat namin ito, hindi pa namin napanonood ang pelikula na tuwing nagtatangka kaming panoorin, palaging sold-out ang ticket para sa screening.

Ang mahirap pa. walang reserved seating para sa “TSPG” na ayaw naman naming makipag-unahan sa gusto naming upuan. Malamang sa 2nd week of showing na namin ito mapanonood.

Dati kasi, first day of showing ng isang pelikula, pinanonood na namin na siyang nakagawian ko na. Pero with Vice and Coco’s movie sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal, dito yata nabasag ang nakagawian ko.

As of last weekend, more than P150 million na ang kita ng pelikula sa box-office.

Congrats, Star Cinema at sa mga artista ng pelikula!

Panalangin ng mga beki, maambunan sana ng bonus.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Vice Ganda at Coco Martin, napirata na

  1. WEHEHEHEHEH CONGRATS TSPG APAT NA SINEHAN PA PINALABAS SA SM NORTH WHILE ANG ENTENG ISANG MALAKING FLOPSINA ISANG SINEHAN NA LANG PALABAS HEHEHEH KAWAWANG ALDOG LAOS NA TALAGA HEHEEHE

    150 MILLLION NA IN FOUR DAYS KATUMBAS NA NG MOVIE NG ALDOG 150 MILLION LANG GROSS KAWAWANG MGA ASO ALDEN AT YAYA DOG HEHEHE

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.