Vice Ganda and Toni Gonzaga: Catch Me, I’m Falling… Ansaveh?!

By Madam Damin

VICE GANDA
Real Name: Jose Marie Viceral

Birthdate: March 31, 1976

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram
Ruling Planet: Mars
Quality: Cardinal
Element: Fire
Basic Trait: I Am
Closest Metal: Iron
Lucky Day: Tuesday
Lucky Colors: Blood Red and other bold colors
Lucky Gems: Jasper and Ruby
Lucky Flowers: Geraniums

TONI GONZAGA

Real Name: Celestine Cruz Gonzaga

Birthdate: January 20, 1976
Zodiac Sign: Capricorn
Symbol: The Sea Goat
Ruling Planet: Saturn
Quality: Cardinal
Element: Earth
Basic Trait: I Use
Closest Metal: Lead
Lucky Day: Saturday
Lucky Colors: Black, Earth Tones, Indigo and Orange
Lucky Gems: Garnet
Lucky Flowers: Ivy, Pansy and Amaranthus
SINA VICE Ganda at Toni Gonzaga ang dalawa sa pinaka-versatile na talents sa bakuran ng Dos. Maliban sa obyus na kadahilanan na magaling silang TV hosts, may timing din sila sa pagpapatawa at nakuha nila ang suporta ng masa. Hindi ba’t palaban sa box-office ang mga pelikulang pinagbidahan nila?

Natuwa kami nang lumabas ang balitang pagsasamahin sina Vice at Toni sa isang movie, pero naloka kami nang malamang magka-loveteam pala silang dalawa sa ‘This Guy’s in Love With You, Mare’. Together with Luis Manzano, siguradong tatangkilikin na naman ito ng mga moviegoers. Trailer pa lang, bonggalicious na!

Alam natin na in love si Mareng Toni Gonzaga sa cutie director na si Paul Soriano. Hindi rin naman lihim sa madlang pipol na boylet din ang gusto ni Vice Ganda (kailangan pa bang i-elaborate?!), pero WHAT IF mag-iba ang ikot ng mundo at biglang magka-holding hands na as lovers sina Vice at Toni? Hmm… may chance ba o hanggang ilusyon lang talaga tayo? Mga bituin, aming hiling ay iyong tumbukin!

Highly-motivated individuals ang mga Aries at Capricorn, at pareho rin nilang alam kung paano nila makukuha ang kanilang gusto. Magkaiba nga lang sila ng diskarte sa pagtupad nito at ito ang maaaring pag-ugatan ng problema. Mas pabor para sa Aries ang pagiging independent, creative at autonomy. Ang Capricorn naman ay mas kampante kung naka-plano at naka-iskedyul ang lahat. Ayaw na ayaw ng Aries ang pagiging sobrang ‘stick to the rules’.

Para makapag-trabaho nang maayos, mas gusto ng Capricorn na may boss siyang tinatawag at may set of rules na kailangang sundan. Ang Aries naman ay go lang nang go at fight lang nang fight. Sa anggulong ito p’wedeng magkagulo ang dalawa lalo na kung usaping trabaho at pera ang pag-uusapan.Sa totoo lang, kailangan ng matinding pasensya para tumagal at maging havey ang tambalang ito.

Madalas ang pagdedebate ng Aries at Capricorn. Parehong matigas ang ulo nila at gustong sila palagi ang nasusunod. Ang pagi-ging prangka ng Aries ay maaaring ikasakit ng loob ng Capricorn, na mas gusto naman na dinadaan sa maayos at tamang proseso ang lahat. Sa usaping pera ay malaki rin ang tsansang magkabanggaan sila. Trip ng Aries ang glamorosang lifestyle, habang tipid at smart spending naman ang pinapairal ng Capricorn.

Hala, uy! Mukhang in real-life ay hindi lang ang kanilang preference sa lalaki ang isyu nina Vice at Toni kung sakali. Maybe they’re not really meant to be lovers, but as sisters. Havey na sisters, Waley na lovers!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

2 thoughts on “Vice Ganda and Toni Gonzaga: Catch Me, I’m Falling… Ansaveh?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.