Vic Sotto, plano nang pakasalan si Pauleen Luna?!

MATUNOG ANG usap-usapan na may plano na raw magpakasal sila Vic Sotto at Pauleen Luna. Na kung mauuwi nga raw sa kasalan ang relasyon ng dalawa, lumalabas lang na talagang seryoso sa kanilang relasyon ang komedyante. Taliwas ito sa matagal nang espekulasyon ng iba na ibibilang nito si Pauleen sa mga babaeng nakarelasyon nito, pero hindi naman pinakasalan.

Balita rin na kung noon daw ay tutol ang mga magulang ni Pauleen kay Vic, ngayon daw ay boto na ito dahil nakita na raw ng mga ito na hindi naman nito niloloko ang kanilang anak. Lalo’t hindi na rin naman sikreto sa showbizness ang kanilang relasyon.

Kamakailan, nakita namin sa isang okasyon si Oyo Sotto kasama ang asawang si Kristine Hermosa at dito ay hiningan namin ng reaksyon ang aktor tungkol sa nababalitang nalalapit na pagpapakasal daw ng ama.

Ayon kay Oyo, hindi niya alam ang tungkol sa isyung ito dahil tahimik ang ama pagdating sa personal nitong buhay at nalalaman na lang nila ‘pag may balitang lumalabas ‘pag nababasa nila.

Dagdag na pahayag din ni Oyo, wala siyang magagawa sa anumang desisyon ng ama at nirerespeto niya ito. Ang mahalaga para sa kanya lang ay makitang masaya ang ama sa magiging desisyon nito.

NAGKAROON NG thanksgiving mass kahapon si Ms. Cristine Decena sa kanyang condo unit sa Makati para ipagpasalamat ang kaligatasan nilang mag-ina mula sa pananambang at tangkang pagpatay sa kanila ilang linggo na ang nakalilipas.

Nahuli naman agad ang mga suspect, kung saan kinilala ang dalawang bumaril sa kanila na mga pulis at ang mastermind naman nito ay isang nakalaban niya sa kanyang negosyo.

Labis-labis ang pasasalamat ni Tita Cristina sa pangalawang buhay na ibinigay sa kanya ng Diyo,s at sa lakas ng loob at presensiya ng pag-iisip na ipinakita ng kanyang anak na siyang driver niya nang araw na iyon.

Likas na malakas ang loob din, isang araw ininda at nagka-trauma ang businesswoman sa nangyari, pero marami rin siyang aral na natutuhan dahil dito. Isa na ay ang higit na pagpapahalaga sa buhay, na maigsi ang buhay at ‘di natin alam kung anumang oras ay puwede tayong kunin ng nasa Itaas. Kung kaya’t dapat ay pahalagahan, i-enjoy at mahalin natin ito. Dahil sa nangyari rin, mas nakita ni Tita Cristina ang pagpapahalaga ng kanyang mga empleyado sa kanya.

Sa ngayon, halos lahat ng sasakyan ay bullet proof na, may kasamang security na magbabantay sa kanya at sa seguridad ng mga anak, siniguro sa amin ni Tita Cristina na tuluy-tuloy ang mga kasong isinampa laban sa mga suspect na nagtangka sa buhay nilang mag-ina, at ‘di siya hihindto hangga’t ‘di nakakamit ang hustisya at katahimikan.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

15 thoughts on “Vic Sotto, plano nang pakasalan si Pauleen Luna?!

  1. Swerte naman ni Vic Sotto. Pagtanda nya at medyo mahina na ang tuhod nya ay mayroon na syang asawa, may caregiver pa sya. IKAW NA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.