Vic Sotto & Pauleen Luna: Age Ain’t Nothing But a Number!

VIC SOTTO

Real Name: Marvic Castelo Sotto

Birth Date: April 28, 1954

Zodiac Sign: Taurus

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

 

PAULEEN LUNA

Real Name: Marie Pauleen J. Luna

Birth Date: November 10, 1988

Zodiac Sign: Scorpio

Symbol: The Scorpion

Ruling Planet: Pluto

Quality: Fixed

Element: Water

Basic Trait: I Desire

Closest Metal: Plutonium

Lucky Day: Tuesday

 

SABI NILA, walang pinipiling edad ang pag-ibig. Ito rin malamang ang paniniwala ng bagong mag-nobyo sa showbiz na sina Vic Sotto at Pauleen Luna. Matagal nang magkasama ang dalawa sa noontime show ng Siyete na Eat Bulaga, pero ngayon lang nagka-debelopan ang dalawa.

Thirty Four years ang agwat ng dalawa kaya naman hindi maiiwasan na magtaas ng kilay ang ilan. Sa katunayan nga, sumali noon si Pauleen sa Little Miss Philippines at nainterbyu pa ito ni Bossing habang siya ay literal na Baby Poleng pa. Sa ngayon, nakatatanggap ng mga kritisismo ang dalawa at wala pang kumpirmasyon kung sila nga talaga. Kung hindi naman kasi totoo ang mga tsika sa showbizlandia, napa-kadaling sabihin ang ‘No’. Dabash? Silence means bonggang yes!

If age doesn’t matter, the stars do. Samahan n’yo kami sa pagtuklas kung ang bagong May-December love affair na ito ay makakatalo sa nakabibilib na tambalang Hayden Kho at Vicki Belo. Ready na? ‘Eto na!

Malaki talaga ang tsansa ng Taurus at Scorpio na tumagal kung compatibility rin lang ang pag-uusapan. Nagkakatalo lamang sila sa ilang bagay, pero hindi ito big deal. ‘Ika nga, their differences complement each other. Parehong possessive ang dalawa, pero mas selosa ang Scorpio at puwede itong ikapikon ng Taurus kapag nagkataon. Pareho rin silang nahihirapang i-express ang kanilang sarili through words and action kaya madaling ma-frustrate ang dalawang ito. Kung sakali mang magkaroon sila ng major problem, kailangan ng masinsinang pag-uusap na hindi makikihalubilo ang ibang tao. Ang mahirap kasi rito, natural na sa tambalang ito na may mga kontra. Outside comments na iyon, pero basta matatag sila sa pagtiwala sa isa’t isa, hindi ito magiging problema.

Trait din ng Taurus at Scorpio ang pagiging loyal. Kailangan din nila ng oras na hiwalay sila sa isa’t isa para hindi mawala ang kanilang individuality. Challenge sa dalawa na kontrolin ang kanilang napakaraming similar negative traits. Kilala pa naman ang Taurus sa pagiging mainitin ang ulo at ang Scorpio naman ay gustong present lagi ang intimacy.

Ang pagsasamang ito ay hindi magiging madali kaya dapat ay maging matatag silang dalawa. Sa sitwasyon nina Vic at Pauleen, marami na silang pinagdaraanan ngayon pa lang. Sana ay mahanap na talaga ni Bossing ang Happily Ever After sa piling ni Baby Poleng. Bossing love Baby Poleng. Cute naman, ‘di ba? Eat… Bulaga!

By Madamme Damin

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

2 thoughts on “Vic Sotto & Pauleen Luna: Age Ain’t Nothing But a Number!

  1. Pingback: Vic Sotto & Pauleen Luna: Age Ain’t Nothing But a Number! - Vic Sotto 2013 Elections

Leave a Reply

Your email address will not be published.