Vic Sotto, papalitan na si Kris Aquino sa gameshow?!

IPINAPAKITA NA ang teaser ng Kapamilya Deal Or No Deal, pero wala pang eksaktong date kung kelan ang pilot.

Nagpapa-audition na rin sila para sa mga kukuning taga-hawak ng attache case o 26k.

Ang alam ng marami, it’s still Kris Aquino who will be hosting the game show. Hanggang sa lumutang ang pangalan ni Bossing Vic Sotto na siya raw kapalit ni Mareng Kris.

Me source naman kaming nakausap ni Bossing at ang sabi lang daw nito, “Sana nga, pero wala pa namang nakikipag-usap sa akin, eh.”

Sabi naman ng isang source namin, dapat daw, si Kris ‘yon, pero mas type daw ng lola n’yo na umarte sa isang teleserye, dahil ‘yun daw ang gusto n’ya. Ang magpaka-aktres sa 2012.

‘Yung ke Vic naman daw eh, tatapusin lang ang Who Wants To Be A Millionaire, (hindi lang kami aware kung umeere pa ito o tapos na).

Anu’t anuman, bonggang idea ang Vic Sotto to host Kapamilya Deal Or No Deal, dahil panalo sa advertisers si Vic.  Obvious ba eh, ang dami niyang TV commercials? ‘Yung mga ine-endorse lang nito ay otomatik nang magpapasukan sa show.

Pangalawa, parang Hari ng Game Show si Vic ngayon. Walang effort kung mag-host, pero nandu’n ang dating.

Anyway, anu’t anuman, kung si Vic na o si Kris pa rin ang magho-host ng Kapamilya Deal Or No Deal, “big deal” ito sa mga tsismoso.

 

NAKAKATUWANG KATRABAHO ang mga beteranong sina Eddie Gutierrez, Ms. Helen Gamboa at Ms. Susan Roces sa Walang Hanggan na simula na sa Jan. 16 pagka-tapos ng Budoy.

Since andu’n din kami at ginagampanan namin ang pagiging “kanang kamay” ni Ms. Helen ay nasambit namin sa aming sarili, “Sana, lahat ng artista, bago man o beterano, gawing modelo ‘yung tatlo.”

Tahimik lang silang nagtatrabaho, magiliw sa lahat ng tao sa set, kaya mararamdaman mo ang respeto sa kanila ng mga tao.

Hindi sila ‘yung maarte na kailangan ng sariling dressing room, demanding sa set at maldita.

Lagi silang nakangiti sa mga tao, kaya hindi rin kami nate-tense sa kanila, kaya ang respeto namin sa kanila bilang artista at bilang tao, mataas.

Sana, tularan sila ng ibang artista, lalo na ng mga baguhan para ang respeto sa kanila ng mga tao, walang hanggan.

O, ‘di ba, nai-promote pa?

 

GUSTO RIN naming papurihan si Paulo Avelino na hindi marunong magreklamo kahit matagal bago kunan ang mga eksena niya.

(Suwertihan lang naman ‘yan kung sunud-sunod kang kukunan o mahaba-haba ang tengga mo ‘pag artista ka ng teleserye)

Lagare ngayon si Paulo sa dalawang teleserye: ang Walang Hanggan at Ikaw Ay Pag-ibig.

Eh, parehong MWF ang taping days nito, kaya para siyang mana-nanggal na hinahati ang kanyang katawan para mapuntahan ang dalawang taping.

“Four taping days na lang din kasi ang Ikaw Ay Pag-ibig kaya ilang araw na lang, makakaraos na rin ako!

“Masaya naman, eh. Masayang maging Kapamilya!”

Hindi naman ikinakaila ni Paulo na isa na siyang ama. Proud pa nga siya dahil kaya siya nagpupursige sa trabaho dahil ang baby boy niya ang kanyang inspirasyon.

Kaya saludo kami kay Paulo. Habang irita naman kami sa mga nag-dedenay na sila’y may anak na, lalo na sa mga nagpapalaglag.

God bless you always, Paulo!

Mahal na kita. Chos!

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

19 thoughts on “Vic Sotto, papalitan na si Kris Aquino sa gameshow?!

  1. PATI SA SARAH G LIVE C LUIS MANZANO DIN ANG CO HOST!!THIS IS INSANE!SERIOUSLY ABS CBN LILIPAT NA LNG KAMI SA GMA.LUIS IS VERY BORING!!VERY MONOTOUS ANG BOSES NAKAKAIRITA PAKINGGAN,DI MARUNONG KUMANTA AT SUMAYAW,AT OA DI MO MALAMAN KUNG SERYOSO O NAGPAPATAWA NA HINDI NAMAN NAKAKATAWA.PLEASE PLEASE ABS CBS KUNG AYAW NYO NMAWALA ANG INYONG TFC SUBSCRIBERS DITO SA LONDON,UK

  2. ATTENTION ABS CBN!EVERYTIME NA NAKIKITA NAMIN C LUIS MANZANO NILILIPAT NAMIN SA LOCAL TV STATION NAMIN DITO SA LONDON UK.HE IS SO SO BORING!!PLEASE LISTEN TO US AS YOUR VALUED TFC SUBSCRIBERS..

  3. perfect choice si luis manzano. love his hosting skills. quick witted and great sense of humor. Go Luis! You deserve it!

  4. @shelbie aka sili labuyo, dapat sa iyo eh tadtarin ng pino tapos lagyan ng suka at maraming sili, ano nga ba yung tawag sa lutong kapampangan na gustong-gusto ng mga manginginom dyan tulad mo sa pinas? Ah, alam ko na, SISIG . Payo ko sa yo sisig, este sili pala, magtrabaho ka para hindi ka lagi nakatanghod dito at para may pakinabang sa yo ang pinas. hehehe!

  5. waaaah! eh di tigok ka na shebie sili….sili…sili….o, kelan ka magpapa sex-transplant? Saka dapat ipatahi mo na rin ang super laking bunganga mo para matigil na ang kayabangan mo.

  6. naku sana naman wag c luis manzano ang ilagay sa deal or no deal parang si sharon cuneta yan katanda na eh grabe pa rin kung mag pa cute

  7. @rejoice- HETO NA NAMAN SI BAKLANG LABUYO, TOTOO NA MAWAWALA NA ANG TRYING HARD NA HYY KESA ITAPON PA SILANG TULUYAN SA KANGKUNGAN. WE SUGGEST THAT YOU JOIN THEM SO YOU CAN COOK ADOBONG KANG KONG WITH SILI…….HAHAHAHAHAHAHAHA

  8. haha, naniwala naman ang isa dito na mawawala na nga ang HYY. Eh galing ung tsismis na yun kay dolly carvajal na taga tv5, what else can you expect? Sinabi na nga sa HYY kahapon na di totoo yung tsismis ni dolly na walang BINESA.

  9. Patawa -tawa lang yang si VIC pero malabo yan na lumipat sa ABS. Kung nanunuod kayo ng EAT BULAGA pasimple nilang binabanatan ang ABS hindi mo lang nahahalata. At yung reklamo nila nun tungkol sa dayaan na ginagawa ng ABS sa katapat na show nila.  Marami siya SHOW sa TV5 at halos araw araw na siya sa GMA. Yung deal or no deal mababa talaga ang ratings ng show na yan kahit sino ang ilagay nyo na host kasi sa umpisa lamang masaya at exciting sa mga viewers habang hindi pa bukas ang laman ng case pero sa kalagitnaan na mabobored ka na kaya palitan na lang yang deal or no deal na yan ng isang teleserye. Gayahin ng ABS ang ginawa ng TV5 na kinuha nila si DAVID ARCHULETA. Ang galing ng strategy ng TV5 na kinuha nila exclusive contract si David.. Dagsaan na ng mga sponsors at advertisements. 

  10. Kris is still the most credible personality to host DOND but if she will not accept it, Toni Gonzaga is the best alternative.

  11. ay naku, wag na wag na wag na si Luis Manzano ang pumalit sa Deal or No Deal. boring as in boring ang personality ni Luis at monotonous ang sound ng boses nya. OA pa sa pacute kaya anybody else but definitely not Luis Manzano.

  12. WALANG EXCLUSIVE CONTRACT si vic sotto, joey de leon at ibang hosts ng EB sa gma dahil TAPE, inc. ang may-ari ng EB at d gma…. kaya kahit gusto nilang lumagari sa ibang network, pwedeng pwede…

  13. kung totoo man na yaw na ni kris aquino na mag host ng deal or no deal malamang ibibigay talaga yan sa iba, pero marami naman ang mga matatalinong host sa abs bakit pa kukunin si vic sotto wala namang kalatoy latoy sa gameshow hosting yan…. BOPLAKS, MGA BANAT LANG SA WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE WAALANG KWENTA…. mas exciting yan pag kris aquino pa rin…. 

    juicy?? isa lang ang masasabi ko sa show na yan: WALANG KREDIBILIDAD….

  14. ano ba naman iyan wla na bang artista dyan sa dos pati sa gma kumukuha?dapat ndi deal or no deal dapat sisterlet isa na lang ang kulang si gelli hahahhaha kaya naniniwala ako na number 1 ang gma,dahil kung sila ang number 1 dapat puro mga artista nila dba?hayyy nakuuu at iyong juicy karamihan ay korek kasi marami silang spy sa…ndi nanununog ng kilay ..kaya nga mga kafressneess juicyyyyy…heheheheh

  15. Si Luis Manzano daw ang magiging host ng Deal or No Deal kasi mawawala na daw ang Elive at may ipapalit na bagong program to be hosted by Ogie Diaz with Carmina V. and Janice de Belen, totoo ba ang binalita ng Juicy???

  16. Pingback: Vic Sotto, papalitan na si Kris Aquino sa gameshow?! - Vic Sotto 2013 Elections

Leave a Reply

Your email address will not be published.