Vic Sotto, nagbababad sa condo unit ng isang EB Babe?!

SA ISANG KUWENTUHAN ng mga parlorista, narinig namin na ito raw si Bossing Vic Sotto ay nakikitang nagbababad sa Andrea Building malapit sa Aurora Boulevard. Dinadalaw raw nito ang isang EB Babes dancer na nakatira du’n, na ipinagtaas ng aming kilay.

Hindi kami kumbinsido sa balita. Pero kung paniniwalaan ang tsika, walang dudang posible nga dahil ang sinasabing dinadalaw ni Bossing sa nasabing condo ay ang dancer na nagdadala ng mga pagkain sa Pinoy Henyo portion, na noon pa man ay iniintriga na sa aktor.

“Mabait at maganda ‘yung dancer kaya siguro na-in love sa kanya si Vic. Tsaka siguro, sawa na siya sa mga matatalinong babae like Dina (Bonnevie) at Pia Guanio kaya kumuha siya ng parang tatanga-tanga at inosente,” sabi ng aming source.

Sa totoo lang, wala ka-ming nakikitang masamang dahilan kung makipagmabutihan si Bossing sa dancer na iyon. Una at higit sa lahat, binata naman ang aktor at may karapatan itong magmahal. ‘Yun ay kung totoo nga ang balita.

 

SA ISANG MINI-BAR and restaurant sa Alabang, una na-ming nakita ang ina ni Janelle Manahan, ang kontrobersiyal na girlfriend ng yumaong aktor na si Ramgen Revilla. Siya si Mommy Yong, Rosario Quintano sa totoong buhay.

Sa ginawang pakikipag-usap ni Ate Cristy Fermin para sa Paparazzi, mariing sinabi ni Mommy Yong na never silang nagkita nang personal ni Ram. Matagal na raw niyang alam na boyfriend ito ng kanyang anak. “Nagkakausap kami ni Ram sa cellphone.”

Ayon kay Mommy Yong, mabait at mapagmahal ang kanyang anak na si Janelle, kaya sobra-sobrang sakit sa dibdib ang naramdaman niya nang malaman niya ang sinapit ng anak. “Nasa Bicol ako nu’ng mangyari iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Lutang na lutang ang utak ko nu’ng paluwas ako ng Manila. Kasi nu’ng araw na iyon, kausap ko pa si Janelle, then mamaya, nalaman ko may ganu’n nang nangyari.”

Maraming naikuwento si Janelle kay Mommy Yong, pero iwas magbigay komento ang ina dahil ang usapin ng pagkamatay ni Ram ay nasa korte na. “Basta ang masasabi ko lang, naaawa ako sa aking anak dahil sa mga pinagdadaanan niya. Imagine nu’ng mamatay si Ram, hindi niya alam. After five days na lang, natuklasan niyang wala na si Ram.”

Ang magkapatid na Ramona Revilla at Ramon Joseph Bautista ang sinasabing prime suspect sa insidente, na ayon kay Mrs. Quintano ay hindi siya maaaring magbigay-komento sa nasabing usapin kung sino ba talaga ang salarin. Basta ang masasabi lang daw niya, ipit na ipit sa sitwasyon ang anak niyang si Janelle.

 

KUMPIRMADO NA RAW ang pag-lipat ni Sharon Cuneta sa TV5. Ayon sa aming source, hindi na raw pumirma ang aktres sa panibagong kontrata sa Dos, dahil tatapusin na lang nito ang commitment sa nasabing network.

“Hindi naman magpapa-exclusive sa TV5 si Sharon. Kung sakali, pero project lang ang gagawin niya,” sabi ng aming source na nagkumpirmang tatapusin lang daw ng Megastar ang birthday nito sa January 6, tapos nu’n ay lipat na ang beauty nito sa Singko.

“Hindi naman galit si Sharon sa Dos, wala namang ganu’ng factor. Nagkataon lang na may magandang offer, kaya siguro tatanggapin ni Sharon ang alok,” sundot pa ng aming kausap.

Samantala bukod kay Sharon, may isa pang sikat na aktor ng Dos ang nagdada-lawang-isip ngayon kung tatanggapin nito ang offer ng TV5. By December kasi, tapos na ang kontrata ng binata sa Dos. Isa kina Piolo Pascual, Sam Milby, Jericho Rosales, Derek Ramsay, Gerald Anderson, Jake Cuenca at Coco Martin ang hinihinalang maglilipat-bakuran next year.

 

ANG PAGBUBUKAS NG mga restaurant ni Boy Abunda ay bahagi raw ng kanyang paghahanda sa pagtanda. Ayon kay Kuya Boy, ang kasikatan daw sa showbiz ay nawawala. “Ito ay isang paraan upang ang aking pinaghirapan ay lumago at mapunta sa tamang paraan,” pahayag iyon ni Kuya Boy na muling sumagi sa aming isipan nang kami ay kumain sa bago niyang restaurant na Food Republic, kasama ang aking pamilya.

Ang totoo, bibihira kaming kumain sa labas ng aking mga anak dahil sa sobrang taas ng bilihin. Pero dahil mura at masarap ang pagkain sa Food Republic, kaya noong Linggo na iyon, niyaya ko ang aking pamilya.

 

More Luck
by Morly Alinio

loading...

19 thoughts on “Vic Sotto, nagbababad sa condo unit ng isang EB Babe?!

  1. sus puro inglesera lang yang sina dina at pia pero walang binatbat ang dalawang yan sa intelligence ni coney reyes  na hindi nawawala sa dean’s list during her college days

  2. EEK kaBOBOng analysis mo! lahat ng network eh base yn s bisnis at me capital yn ang mga network at employees nila ay d lng pra s charity o kawanggawa, they need n mgprofit cla kc nga bisnis…kelangan nila kumita pareho, kya kung meron mang artista n lilipat o lumipat sa ibang istasyon eh career move nila un d dapat kwestyunin, gusto lng nila kumita at un network nmn eh andyan cla pra mgnegosyo d lng pra ibigay un pera nila s kungsinoman ang nangangailangan nito. Ikaw subukan mo kya ng tayo ng sari-sari store at pagkatapos eh ipamigay mo lng ang paninda mo ok kya un saU?

  3. Maraming lumilipat n mga talent ng ABS kasi una: Palaos na ang mga ito kaya di n importante s ABS kaya naghahanap n rin ang ABS ng mga bagong talent; pangalawa: pangit ang management style ng ABS kaya maraming talent nito ang gusto n itong alisan (di lang papunta s TV5 but also in GMA); pangatlo: malaki ang bigay ng TV5 at malaki rin ang expectation nila sa mga talent na ito, hopefully tama sila, kasi kung hindi laking gastos at kalugihan yan

  4. Sharon Cuneta signed a P1B deal with TV 5, and these are her upcoming shows:
    Sunday Variety Show: aSHAp
    Drama Anthology: Maalaala Mo Kaya SHA
    Talent Show: SHAtime
    Daily Variety Show: Happy Yipee SHA
    Teleserye: Nasaan ka EliSHA?
    Nightly Newscast: SHAksi
    Fantasy Show:  WanSHApanataym
    Daily Morning Show:  Umagang Kayganda SHA
    Public Service Show: Kapwa Ko, Mahal Ko SHA
    Public Service Show: SHAlamat Dok
    Local adaptation of a Mexican telenovela: RoSHAlinda

  5. sus kahit umalis si sharon sa abs ok lng kakaboring naman xa maghost eh…saka walang kwenta ang paghohost nya buti nga lumipat na xa at sa gaya nyang walang nanonoud gaanong mga viewers..hahaha bagay xa sa tv5..hahaha

  6. KAYO ANG MGA TANGA,HINDI UNG BABAENG NAGMAHAL KAY VIC,BAKIT KAMO,KASI MAHUSAY SYANG PUMILI NG MAMAHALIN,REMEMBER WALANG MAHUSAY NA TANGA,,,,KAYO UN,,,,OK,,,,SANA KAY BOSING MAHALIN MO SYA KUNG TOTOO MAN UN,SANA PANGHABANGBUHAY NA ,,IDOLO KITA MR. VIC SOTTO KAYA DASAL KO NA SANAY MAGKAROON KA NA NGA NG PARTNER MO NA PANGHABANGPANAHON,PARA MAY MAG-ALAGA NA SA AMING IDOLO,

  7. Ang bobo ng writer hindi sinama yung dating co-host ng Eat Bulaga yung swimmer forgot na yung name, pero brain and beauty rin.

  8.  Piolo Pascual, Sam Milby, Jericho Rosales, Derek Ramsay, Gerald Anderson, Jake Cuenca at Coco Martin.. lilipat sa tv5? i doubt. mga top leading ang mga yan tapos papakawalan ng abs? sa gma7 bakit walang maibalitang lilipat? hahaha. lage na lang sa abs ang napapabalitang may lilipat. hano ba yan hahaha. …. si dina bonnevie, matalino?! kailan pa? paano? bakit? hahaha! kung si pia matalino, pwede pa pero si dina? c’mon! maganda naman ung eb babe dancer eh compare mo naman kina dina at pia, mas bata ang mas fresh. walang katalo talo si vic dun.

  9. Mura nga dun sa Sir Boy’s food republic pero walang lasa ang food at andaming jologs na kumakain, nakikipagunahan sa pila. Well, what will you expect, 99php lang kasi. Never na akong babalik doon. I

  10. Ang sama ng mga ugali talaga ng mga pangit na writer na ito, ininsulto ba yung babae. inggit lang kayo dahil si Vic walang problem kahit sinong babae pwede sya dahil consider na single na sya at yung babae kung type sya ni Vic wala rin kayong magagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.