Vic Sotto, iwas pa rin sa break-up nila ni Pia Guanio

UMIIWAS PA RIN si Vic Sotto na pag-usapan ang tungkol sa break-up nila ni Pia Guanio. Sa tamang panahon daw ay magsasalita siya uli, at malamang sa presscon na lang ito ng pelikula nila ni Sen. Bong Revilla na Si Agimat at si Enteng.

Nu’ng nagpa-press visit nga sina Bong nu’ng Sabado, gabi na dumating si Bossing Vic para makaiwas siguro muna sa mga reporter na gustong mag-interview sa kanya.

Nakakaloka naman kasi! ‘Di ba napag-usapan na iyan noon pa? Bakit naulit na naman ngayon? Parang kinumpirma na lang ngayon dahil talagang wala na nga sila?

Kung ang mga taga-Eat Bulaga ang tatanungin mo, wala naman daw silang nakikitang kakaiba sa dalawa. Parang hindi naman daw nag-break. Pero nu’ng natanong ng 24 Oras si Pia, base sa mga sagot niya, parang wala na talaga sila pero na-maintain ang friendship. Ganu’n na nga siguro!

Kaya nu’ng nag-Showbiz Central naman, may teaser pa silang magsasalita si Pia tungkol sa napapabalitang boyfriend nito. ‘Yun pala, si Pia Magalona. ‘Di ba matagal na ring pinag-usapan ‘yan?

Sinubukan ding tanungin si Sen. Bong tungkol sa isyu ni Bossing Vic, wala naman siyang maisagot dahil hindi naman daw nila pinag-usapan ‘yun.

Puring-puri nito si Bossing Vic dahil talagang napaka-propesyunal daw katrabaho at parang naglalaro lang daw sila sa set.

Nasugatan pa nga ang kamay ni Bossing Vic nang aksidenteng natamaan ito ng espada ni ER Ejercito pero hindi niya pinatigil ang shooting. Ayaw niyang maka-delay pa ito sa kanilang shooting kaya bilib na bilib si Bong sa kanya.

‘Yun lang ang isyu nila sa set dahil magaan silang lahat katrabaho pati ang mga bagong leading ladies nila na sina Sam Pinto at Gwen Zamora.

Siguro abangan na lang natin sa promo nitong pelikula nila na pang-MMFF kung mapag-uusapan pa rin ang lovelife nina Vic at Pia.

LALONG TUMAAS NAMAN ang respeto ko kay Ervic Vijandre nang napanood ko siya sa Survivor Philippines nu’ng nakaraang linggo.

Hindi na ito nakapagpigil, napaiyak na ito nang tinanong siya ni Richard kung alin ang mas mahalaga: Ang P3-M na premyo sa Survivor o ang karangalan?

Parehong mahalaga raw sa kanya dahil kailangan din nito ang pera para hindi na raw niya pagtrabahuhin ang Mommy niya. Pero mahalaga rin daw ang karangalan dahil sa nasasaktan na raw ito na laging nakakabit na lang sa kanya ang isyu kay Marian Rivera at pati na nga si Dingdong.

Tinitiis na lang daw niya na minsan tinatawag siyang Marian, Marimar o Dingdong. Mahirap din daw para sa kanya ang pinagdaanan niyang ‘yun.

Nu’ng huling nakausap ko sila nang mag-guest ako roon sa island na pinagteypingan nila, puro tungkol kay Marian at Dingdong pa naman ang mga tanong ko sa kanya. Nasasaktan na pala siya nu’n.

Naawa naman ako sa kanya dahil matagal na pala niyang dinadala ang sakit na ‘yun sa dibdib kaya lalo ko siyang nirespeto.

Naku! Tutulungan ko talaga iyang si Ervic para magkaroon naman siya ng sarili niyang pangalan at hindi laging nakakabit sa kanya ang isyu kina Marian at Dingdong.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

10 thoughts on “Vic Sotto, iwas pa rin sa break-up nila ni Pia Guanio

  1. tama Manay.. tulungan mo si Ervic..given the right workshop at mahasa lng ang acting skills, pwedeng pang leading man ang dating

  2. PASINGIT PO: KIM N GERALD
    It’s “A Headaches”, real flop in ratings.. too commercialise this movie. Before showing, too obvious of the gimmicks boiling around the media, crying (again and again), drama etc… In fact, everybody knows the real score, even my 6 six year old cousin, believed me, she said one time ” Tita, are they acting?”.. Joey Reyes rush as in ruch to end the shooting, Why? Strike While the Iron is Hot. Kapag lumamig na ang pagkain, nakakawalang gana na. Nice job Joey.. just see wala na sa media now after the showing..thats the proof, grandstanding gimmickery.

    • yup bangaw lang nanood sa isang walang kwentang kaekekean paiyak iyak pang gimik..pwe!!….ngayon umiyak na kayong talaga nilalangaw pelikula nila…

    • please lang, sinasaktan ako ng ulo sa ‘yo. Ok lang naman na tagalugin mo dahil pare-pareho naman tayong pinoy. Mas mahirap ang balinguynguyin, cge ka.

  3. yes manay, ikaw na ang maghandle kay Ervic mas macho sya kaysa kay Dingdong na mukhang lampa at hindi marunong umarte…ito siguradong lalaking-lalaki…sorry na lang si Marian na akala nya papakasalan sya ni Dingdon…eh ang Dingdon 5-10 yrs. pa raw bago mag-asawa…naku lola na si Marian non kung sya nga ang pakakasalan.

    • ano raw?? wala pa sa isip ni dingdong at marian ang pag-aasawa, marami pa silang gustong gawin sa buhay nila siguro maaga kang nag asawa anoh nung nagka bf ka malisyosa kang mag isip.

  4. Yes Manay ..tulungan mo si ervic , ikaw na mag handle ng career nya ..para naman hindi na puro kay marian at dingdong sya lageng nakaka kabit,pero infairness dapat na lang nya sakyan para sumikat sya like bella padilla

Leave a Reply

Your email address will not be published.