Vic Sotto, desidido nang pasukin ang pulitika?

MAYROONG NARARAMDAMAN ang showbiz na parang pansamantalang mawawala si Vic Sotto, dahil maugong ang usap-usapan na papasok siya sa larangan ng pulitika. Hindi naman ito nakapagtataka, dahil ang ilan sa kanyang mga kapatid tulad ni Tito Sotto ay naging senador. Nababagay rin kasi si Bossing na maging senador at makapaglingkod sa masa, dahil may kakaiba siyang karisma sa mga tao. Maamo siya kaya sinusundan siya ng mga tao.

Marami siyempre ang malulungkot kung iiwan ni Vic ang showbiz, dahil bilang sikat na komedyante at movie producer na rin, laging ipinararamdam ni Bossing ang kanyang pagmamahal sa showbiz. Nitong nagdaang mga panahon na kokonti ang nagpoprodyus ng pelikula, isa siya sa mga sikat na artistang laging nag-iisip na kahit once a year a makagawa ng isang malaking project, at ang patuloy na katunayan, sa taong ito ay mayroon siyang Enteng Ng Ina Mo! mula sa Star Cinema na pinagtatambalan nila ni Ai-Ai delas Alas.

Pero mahal ni Bossing ang showbiz. Hindi niya basta iiwan ang larangang ito. Nariyan din naman ang mga nagmamahal sa movie industry, gaya ni Sen. Bong Revilla na kahit napunta na rin sa mundo ng pulitika, hindi nakakalimot na magprodyus ng sarili niyang pelikula para sa masa. Kasunod ni Mang Dolphy bilang Comedy King ay si Vic talaga ang bagong Hari ng Komedya, kaya magiging kawalan siya sa showbiz kung magiging pulitiko na rin siya.

 

KAHIT PA sabihing nagbibiro si Joey de Leon, minsan ay hindi na rin nakakaaliw ang kanyang kataklesahan. Hindi nakakatuwa ang ginawa niyang pasaring tungkol sa pagkakapanalo ni Allan K bilang Best Male Variety Show Host mula sa Philippine Movie Press Club sa katatapos na 25th Star Awards for Television dahil sa pagsalang niya sa Eat… Bulaga!.  Parang napaka-unfair na ang kasamahan mo sa programa ay bigyan mo ng ganu’ng komento na pang-insulto, dahil mula sa mga salita ni Joey ay iisipin mo na hindi deserving si Allan na manalo.

Ako bilang miyembro ng PMPC at laging voting member, hindi naaliw sa mga pinagsasabi ni Joey. Ang daming awards na ang naipagkaloob ng aming club sa EB nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey para siya maglitanya ng kung anu-ano. Sa pagsulat sa balota at pagbibigay ng boto, naibigay ko na ang mataas kong pagrespeto sa programa nila. Kapag ako’y bumoboto sa mga nominado, tinitingnan ko muna ang talento nila para sa kategorya nila, ganu’n din kung plakado ba siya para manalo.

Idol ko si Joey de Leon sa istilo niya dati ng pagpapatawa. Pero maipagmamalaki ko sa kanya, na ibinoto ko si Allan K dahil panahon na rin para bigyan siya ng pagpapahalaga. Ang EB ay nakatatak kina Tito, Vic & Joey. Pero kapag wala sila sa programa, si Allan K talaga ang isa sa mga kasamahan nila, na maaasahan mong makapagbibigay-saya sa mga manonood sa istilo ng buhay na buhay niyang pagho-host. Ang daming ginagawa ni Allan na pagpapakuwela para mapasaya ang mga manonood. Ilong pa lang niya ay tatawa ka na.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

8 thoughts on “Vic Sotto, desidido nang pasukin ang pulitika?

  1. wow ..wala nman sinasabi mismo si bossing na ttakbo daw sya siniraan na agad..onli inthe philippines..kitang kita tlga kung sino tlga ung anti-EB or anti-Bossing anti-Joey..sino kya makkpagsabi na kung sino dpat karapatdapat na iboto.. c eddie villanueva (alagad daw ng diyos) ilang beses ng tumakbong presidente pro talo lagi.bakit kaya?cguro sabi ng Diyos hindi lahat ng tumatawag sa akin or kunwari makadiyos , mabait, matulungin ay papakinggan ko..at hindi lahat ng hindi sumusunod sa utos ng Diyos ay wala ng karapatan..tignan nyo si erap siniraan ng mga pareng katoliko sabi nila iboto kahit sino wag lang daw si erap dahil dami daw asawa pro nnalo presidente at napakataas nakuha nyang boto..si Gloria nman gaganda daw ekonomiya natin dhil matalino economist, masipag pro ano ginawa sa 9years nya..kya mahirap humusga kung sino tlga ang krapat dapat..

  2. Actually kaya naman talaga tatakbo yang mga yan eh para may pangtustos sa mga anak sa labas. Just like nardong Putik na may 71 na anak at nagbibigay ng 500K – 1Million Allowance. And besides future ng mga anak nila yun di ba sa first family kase magiging connected na sa politics so madaming pera. hehehe… gasgas na pero mabebenta pa rin wahehehe… 

  3. Jusme! Kung ikaw matalinong VOTER pipiliin mo ang tao HINDI dahil sa SIKAT sya. Sabihin na nating may nagawa syang tama or mabuti sa kapwa ito ay dahil sa me mga kamerang gala na kumukuha behind the scenes kaya ganyan din sya? Ni hindi nga nya kayang ayusin buhay nya problema pa kaya ng bayan o bansa? Kung pipili ako ng kakandidato yung taong me PRINSIPYO, RESPONASABLE at makikita mo kung paano sya sa kanyang KAPAMILYA kasi kung MATINONG tao sya, PADRE o MADRE de pamilya ibig sabihin mapapaunlad din nya ang bayan nya. Sa kaso ni Vic, i research nyo muna. Yung issue ng rape niya dati with Joey de Leon sa nagpakamatay na bold star na si Pepsi Paloma, yung mga naanakan nyang mga babae, at ngayon nga me PAULEEN LUNA na naman sya. Gurang na nga papatol pa sa mas bata pa sa anak nya. At huwag nyo akong sabihan na love lnows no age ek-ek ha! Ke dami namang kaidad nya na pwede nyang patulan o di kaya bumalik sya sa asawa nya pero TUKSO NG LAMAN talaga inuuna. Tatakbo kamo sya? Eh utos nga ng Dyos na nakapaloob sa 10 commandments di nya masunod yung rules pa kaya ng bayan. TIGILAN! Enough na sa mga taong nagpapabagsak ng EKONOMIYA ng PILIPINAS! 

  4. Mukhang kailangan rin ni Bossing ng batang batang first lady in the presence of Pauleen Luna. Item na raw ang dalawa. OK lang kami diyan. Look at Dolphy and Zsa Zsa Padilla. Ang laki ng age gap nila pero ang May-December relationship nila, still going strong. Mahal na mahal ni Zsa Zsa si Dolphy. Parang Deja Vu hindi ba ? Kasi si Bossing is slotted to take the place of Dolphy. Another comedian with a very young wife. Go for it Vic Sotto. Why not ! ! !

  5. WHY NOT???????PWEDENG-PWEDE KANG PUMASOK SA PULITIKO BOSING KASI KAHIT SA EAT BULAGA SHOW NYO AY LAGI KANG NAKSUPORTA SA MAHIHIRAP,NAPAKALAKI NG NAITUTULONG MO SA MGA KABABAYAN NATING NAGHIHIRAP, HINDI PO AKO MAHILIG MANOOD NG EAT BULAGA,NOONG BATA PA AKO NANONOOD AKO NYAN, PERO NUNG NAGKAISIP NA AKO ,HINDI NA NAGKAHILIG NA MANOOD NG KAHIT NA ANONG SHOWS NATIN SA TV,SA NGAYON 43 YRS OLD NA AKO,AT DITO AKO SA JEDDAH,LAGING NAKAHARAP SA LOPTOP KO AT ISANG BESES KONG TINRY NA PANOORIN ANG EAT BULAGA,,GULAT TALAGA AKO SA SAYA AT KAKAIBA NG DATING NGAYON NG EAT BULAGA,,PINAKANAGUSTUHAN KO TALAGA SA PART NG EAT… AY YUNG JUAN FOR ALL….NA SOBRANG LAKI NG NAITUTULONG NITO SA MAHIHIRAP…KAPAG PO ANG NATATAWAGAN NILA AY TALAGANG HIRAP ANG BUHAY NA HALOS UMIIYAK SA SOBRANG PASASALAMAT NA BINIGAY NG EAT BULAGA AKO PO AY NAPAPALUHA TALAGA AT BIGLA KO NA LANG NASASAMBIT ANG PASASALAMAT SA PANGINOON DYOS NATIN DAHIL SA PAGGAMIT NYA SA SHOW NA EAT BULAGA UPANG SADYAIN ANG TAONG IYON NA NAGHIHIKAHOS…..KAYA BOSING ITULOY MO YUNG PLANO MONG PAGPASOK SA PULITIKA AT TYAK NA MAS MARAMI KANG MATUTULUNGAN….SANA PO MABASA PO ITONG MENSAHE KO SA SHOW NG EAT BULAGA.SA NGAYON PO AY  HALOS ISANG TAON NA AKONG NANONOOD NG EAT BULAGA NA TALAGA NAMANG SINUSUBAYBAYAN KO ARAW-ARAW,KAHIT NAPUPUYAT AY OK LANG ,MAPANOOD KO LANG ANG SHOW NA ITO.PERO BOSING WAG MONG IIWANAN ANG SHOWBIZ,,,PROMISE,,,,WE LOVE YOU,,,AND GOD ALWAYS BE WITH YOU AT SA BUMUBUO NG EAT BULAGA,,SALAMAT PO

  6. bago lang ba itong writer na to..napanood na ba nya ang EB lalo na pag nagbibiruan sina joey allan k at vic?napakasensitive nman nito o bka tlga galit lang kay joey..cguro kung nassaktan c allan k sa mga biro sa knya ni joey bka matagal na ito umalis sa EB..

  7. pwede namang tumulong sa kapwa pilipino si vic sotto kahit hindi sya maging pulitiko. matagal na sya sa showbiz at siguro naman marami syang koneksyon so why join politics? dinudumihan lang nya ang image nya.

  8. Easy ka lang. Nagbibiro lang ang tao. Palaging nagbibiruan ang mga ‘yan. Huwag kang apektado.

Leave a Reply

Your email address will not be published.