Vic Sotto at Pia Guanio, kapwa piniling manahimik sa isyu ng hiwalayan

SIGURADO KAMING BLOCKBUSTER sa takilya ang pelikulang Si Agimat at Si Enteng Kabisote nina Vic Sotto at Bong Revilla. Sa trailer palang, panalo na ito sa masang Pinoy na mahilig manood ng action-adventure/comedy. Maging sina Kris Aquino (Dalaw) at Ai-Ai delas Alas (Ang Tanging Ina Mo, Last Na ‘To) ay tanggap nilang magna-number 1 sa takilya ang pelikula ng dalawa.

Pinuripuri ni Vic sina Gwen Zamora at Sam Pinto na leading ladies nila ni Sen.Bong. “The two leading ladies are very nice to work with. Walang angal kahit magdama-gan ang shooting kahit wala pang tulog. Si Gwen nga lumalagare pa ng Baguio nasa Tanay kami. Parehong masipag, mahusay silang mga artista. Si Gwen kahit beginner maga-ling siya.”

Ngayong nagsama sa iisang pelikula sina Vic at Bong, inaasahan ba nilang pareho na doble ang kikitain nila sa takilya? “May sariling crowd si Senator Bong. May sariling crowd din naman ako. Siguro ‘pag pinagsama-sama mo ‘yun, doble-doble ang magiging resulta.”

May pressure ba sa inyo ni Bong na kailangang maging number 1 ang inyong pelikula sa takilya? “Kahit anong number ayos lang sa amin. Ang gusto lang namin, ito na ang pinakamalaking Metro Manila Film Festival. Lahat ng entry magaganda, panoorin nating lahat.”

Reaction ni Vic sa sinabi ni Ai-Ai na okey lang basta hari ng industriya ang tatalo sa kanya sa takilya? “Magkaibigan kami ni Ai-Ai, ilang beses na rin kaming nagkasabay sa MMFF so, ano lang ‘yun, pa-cute lang ‘yun. They’re just numbers. Sa amin, it doesn’t really matter. Ang importante masaya ang manonood at once a year lang ito.”

Balitang may special christmas gift daw si Vic kay Pia Guanio na isang malaking bahay, how true? “Walang ganoon, mayroon siyang pinatatayong    bahay    pero    hindi

ko   regalo  ‘yun.  Siguro kung mag-

asawa kami, bahay naming dalawa pero hindi kami mag-asawa. Sa ngayon bahay niya ‘yun.”

Kumusta naman ‘yung interbyuhan ninyo ni Pia sa Showbiz Central? “Masaya naman, lahat ng tinanong niya sa akin, tinanong ko rin sa kanya so, ‘yun ang naging takbo ng kuwentuhan namin.”

Nagbabantay raw kayo sa construction ng bahay ni Pia? “Hindi naman nagbabantay, ginawa mo naman akong security guard! Paminsan-minsan pumapasyal ako dahil malapit lang sa bahay. Kapag may gusto siyang ipa-check or whatever, on the way out, dinadaanan ko.”

Reaction sa balitang totoong split na raw kayo ni Pia? “I cannot talk about that, napag-usapan na namin ni Pia na whatever is happening right now or  whate-

ver happens we’ll keep it to ourself. Kung mayroon namang mahalagang announcement or kung ano pa man, we will be happy to announce it on television.”

Itong pagsasama ninyo ni Bong sa iisang pelikula, ultimate na ba ito sa series ni Enteng Kabisote? “Enteng Kabisote is the biggest, I believe. Kung anuman ‘yung susunod, hindi ko pa napag-iisipan. For me, ito’y isang medalya sa sarili ko na nakagawa ako ng pelikula kasama si Bong Revilla.”

Paano sini-celebrate ni Vic ang Christmas? “I’ve been ce-lebrating Christmas for the past 8 or 9 years same way, December 24, parada. ‘Yung Parade of Stars sa Metro Manila Film Festival. Midnight mass, December 25, lunch or dinner with my family.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.