Vic Sotto at Pauleen Luna, sobrang iniingatan ang kanilang relasyon!

SOBRANG INIINGATAN at itinatago ang relasyon nina Pauleen Luna at Vic Sotto. Kaya ngayong nanggaling na rin mismo sa kanilang dalawa ang pahayag na kinailangan lang nila talagang hindi ipangalandakan ang kanilang ugnayan, ngayon lang din naipagtanggol ng sikat na komedyante na hindi totoo ang tsismis tungkol sa diumano’y napakagandang bahay na ipinapagawa ng pamilya ng magandang young actress na siya raw ang gumagastos.

Habang pinagtsitsismisan si Pauleen na ginagastusan ni Vic diumano ang bahay na kanilang ipinapagawa, taas-noo lang siya. Malaking bawi siyempre, na bago napabalitang magka-relasyon na sila ay nababalita na talaga na nagsisimula nang magpagawa ng maganda at bagong bahay ang kanilang pamilya. Lagi naman kasing nagpapagawa ng bahay ang pamilya nila, kaya diretsong nasasagot ni Pauleen ang mga nagdududa kung sino ang gumagastos sa construction ng house na iyon.

Maganda ang nangyayari ngayon sa relasyon nina Pauleen at Vic, dahil kahit madamot silang magkuwento tungkol sa kanilang love affair, mahahalata na totoo iyon. Dahil kahit matipid magsalita si Oyo Sotto, mayroon talaga siyang laging pahapyaw na mga salitang nabibitiwan. Kung noon ay may pagdududa si Oyo sa mga babaeng nali-link sa kanyang daddy, ngayon ay puro positibo na ang kanyang sinasabi tungkol sa pakiki-pagrelasyon ng kanyang daddy kay Paueen.

 

BLIND ITEM: Magaling talaga ang pang-amoy ng mga reporter sa kung sinu-sino ang mga bading sa showbiz. Dahil mabilis nilang naaamoy kung ang isang guwapong actor ay malamya sa kanyang mga kilos at kung pagdudahan man ang kanyang gender, mayroon iyong bahid ng katotohanan. Marami sa mga naging hubadero nu’ng panahon ng bold movies ay nagtatago sa magaganda at macho nilang pangangatawan.

Katulad na lamang ng dating sexy actor na si Bimbo Duran. Napakaguwapo niya, maganda ang pangangatawan at matangkad na parang basketbolista. Pinagkukuwentuhan dati sa isang movie company, na naaamoy at nararamdaman daw nila na si Bimbo ay may kalamyaan, dahil sobra siyang makasulyap ng panakaw sa bukol sa harapan ng ibang kalalakihan na nagpapaseksi din na kasama niya sa kanyang mga sinasalihang pelikula.

Sa kasalukuyan, malihim pa rin si Bimbo. Mhin na mhin pa rin ang kanyang dating, pero marami sa kanyang mga natitirang kaibigan sa showbiz ay rumerespeto sa kanya, pero nagpapatunay na bading na nga siya.

“May nagustuhan si Bimbo na isang baguhang model na bagets. May fashion show raw na sasalihan. Nag-backout ‘yung guwapong bagets, dahil may lihim na kakaibang offer sa kanya si Bimbo. Ang offer daw, five thousand na kabayaran, pero dyudyugdyugin ni Bimbo si Bagets sa behind. Torero ang baklang Bimbo,” wika ng isang bading na production designer.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Vic Sotto at Pauleen Luna, sobrang iniingatan ang kanilang relasyon!

  1. NAKOH, “GAYDAR” ANG TAWAG JAN. OBVIOUSLY, WALA NYAN ANG MGA GIRLALU KAYA SILA NATATANSO NG MGA BEKI O MGA CLOSETA. PERO ANG MGA BEKI? MGA MATRIS SNIFFERS. HAHAHA. KALOWKAH! WAG NA KASING GUMAMIT NG GIRLALU. PAG AYAW UMAMIN, WAG PILITIN. KARAPATAN NYA YON. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.