Vic Sotto at Pauleen Luna, lantaran na ang relasyon!

AYAN! LANTARAN na ang relasyon nina Vic Sotto at Pauleen Luna nang nakita silang magkasamang dumating sa premiere night ng ‘D Kilabots Pogi Brothers nu’ng nakaraang Lunes sa SM Megamall.

Kuwento ng mga bading, nu’ng in-interview si Bossing Vic ng Startalk, lumayo si Pauleen. Ayaw niyang suma-bay dahil ayaw naman talaga nitong magsalita pa.

Siyempre, tipid-tipiran sa mga sagot ni Bossing dahil ayaw naman talaga ni-lang pag-usapan pa.

Pero sumagot naman ito nang nakorner ng Startalk du’n sa premiere night at hindi naman niya tinatanggi.

“What you see, is what you get” daw ang ibig niyang sabihin. Dahil kung ano man daw ang nakikita sa kanilang dalawa, eh, ‘di ‘yun na ‘yun.

Sila naman talaga, at sabi ni Bos-sing, hindi naman daw nila tinatago pero ayaw lang daw nila na gawing big issue pa.

In fairness naman sa alaga ko, umiwas siya nang in-interview na si Vic. Hindi na siya sumabay para hindi na siya mapasali sa usapan.

Sabi naman niya sa mga nakaraan niyang interview, mas gusto raw niya ng tahimik para mas masaya.

Mukhang masaya naman silang dalawa, at sinasabi naman ni Bossing na si Pauleen ang isa sa nagpapasaya sa kanya.

Naku! Abangan n’yo ‘yan sa Startalk sa Sabado dahil nakunan namin lahat ‘yun at meron din kaming interview kay Danica Sotto.

Ayaw naman niyang pangunahan pa ang Daddy niya, pero kung ‘yun daw ang nagpapaligaya sa Daddy niya, susuportahan daw nila ito.

Ang alam ko, nagkita na sina Danica at Pauleen, pero hindi ito ikinuwento ng una. Mas mabuting tahimik din daw sila.

Kaya mabuti na lang at nagsalita din si Bossing.

Haharap ‘yan sa presscon ng pelikula nila na pang-MMFF na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako. Tiyak na pag-uusapan uli ‘yun at itatanong sa kanya.

 

SA PRESSCON nga ni Sen. Bong Revilla para sa Si Agimat… hindi rin naiwasang itanong sa kanya ang tungkol kina Vic at Pauleen dahil napabalitang dumalaw raw si Pauleen sa shooting nila at nakatsikahan pa nga nila roon sa set.

Sabi lang ni Bong, bulag daw siya nu’ng mga oras na ‘yun, kaya wala raw siyang nakikita.

Sabi nga, kung may sari-ling agimat si Bong, meron din daw si Vic at ito na nga si Pauleen.

Sabi na lang ni Bong, kung sino man ang nagpapasaya kay Vic, masaya na rin sila at suportado nila ito.

Wala raw siya sa lugar na pag-usapan ‘yun dahil mabuting si Bossing na lang daw ang magsalita.

Sa isyung dalaw-dalaw na ‘yan, sinagot naman ni Pauleen na pinapunta siya roon nina Jose at Ruby dahil madadaanan naman niya ang set. Nandu’n lang daw siya para sa buong dabarkads na kasali rin sa pelikula.

Siyempre pa-safe din ng sagot ang alaga ko, ‘no!

Pero ayan na, open naman sila sa relasyon nilang dalawa, kaya sigu-ro tama na ‘yun. Huwag na lang kalkalin, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Vic Sotto at Pauleen Luna, lantaran na ang relasyon!

  1. ANO KAYANG NAKITA N PAULINE LUNA K VIC SOTTO? KONG MAGKATULUYAN MAN CILA SOBRANG LAYO NG AGWAT MAUUNANG MAGING LOLO C VIC PANO YAN TAGA AKAY C PAULINE. cy ang tatayong caregiver n vic at tagapamahala ng kayaman n vic. true love kaya yan pauline?

  2. ang mag ama! lol walang say ang parents ni user pauleen mapera si vic eh! lol kakadiri! sabagay eh wala namang nangyayari sa karir nya super starlets at wannabe parin sya kaya patol na lang sya ke vic hahahahahahah

    Tigas talaga ng pagmumukha nito ni bong wala ka hiyahiya sabagay pamiya nga nila walang mga konsensya nagpapatayan dahil sa pera! di mo alam sa taong to kung anu gusto kung showbiz o pulitika kakapandiri!!! mga hayok at ganid sa kwarta at kapangyarihan ang pamilyang to! dami talagang BOBONG pinoy kaboboto sa mga taong tulad nito!

  3. napakatulis tlaga ng vic baba nyan, lahat nlng ng nagiging cohost nia e tinuttuka nya, c ruby lng ata di pinatos nyn. e2 nmang mga bebot nato e mga kiri at madyondi rin pumapatol khit sa tatay nlng nila … ng -eenjoy pba cla samga amoy lupa ngmga yan chaka akla koba may kya nman yng paulinang yan ebat patolera din sa masyonda!!

  4. YES! you are right pereho lang naman sila naggagamitan. Knowing Vic , e kung Pia G nga hindi niya pinakasalan si Pauleen pa?

  5. hayaan na lang sila dahil s hiwalayan rin naman matatapos yan, knowing vic sotto’s record? kaya nga hiniwalayan ni pia dahil wala syang mapapala besides naggagamitan lang sila, si vic para matikman si pauleen, si pauleen para mahuthutan si vic. pareho lang silang nakikinabang hahahahahaha. so leave them alone! taray!

Leave a Reply

Your email address will not be published.