Vic Sotto at Pauleen Luna, kasal na

courtesy of Twitter: OFC_MaiDenics

courtesy of Twitter: OFC_MaiDenics

courtesy of Instagram: jeanmarc15

courtesy of Instagram: jeanmarc15

courtesy of Twitter: AldubThoughts

courtesy of Twitter: AldubThoughts

Ikinasal na bandang alas-8 ng gabi ng Sabado, January 30, sina Vic Sotto at Pauleen Luna sa St. James The Great Parish sa Ayala Alabang Village.

“When I Fall In Love” ang wedding march ni Pauleen Luna.

Si Father Jeffrey Quintela ang officiating priest sa nasabing kasal.

Residente si Vic Sotto sa Ayala Alabang, kung saan parokyano siya sa nasabing parokya, na isa sa dahilan kung bakit doon nila napiling magpakasal.

Gaya ng napaulaty, kabilang sa mga ninong at ninang Senator Tito Sotto, Joey de Leon, TAPE Inc. President and COO Tony Tuviera, Madeleine Tuviera, Carmencita Garcia, at Salvacion Gatchalian.

Best man ang anak ni Vic na si Vico habang maid of honor naman ang best friend ni Pauleen na si Francesca Que. Veil sponsors si Danica Sotto at ang asawang si Marc Pingris, habang cord sponsors ang mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa. Candle sponsor si Paulina Sotto.

Tuwang-tuwa naman ang AlDub fans nang ihayag na napili sina Alden Richards at Maine Mendoza bilang flower sponsors para sa mass offertory.

Ilang oras bago ginanap ang kasal, nagpakuha pa ngh litrato si Vic kasama ang mga anak na sina Oyo, Danica, Paulina, at Vico kasama sina Kristine at Marc. Habang si Pauleen naman, nagpakuha rin ng litrato kasama ang kanyang close friend at bridesmaid na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Ginanap naman ang reception sa The Tent sa Filinvest Corporate City sa Alabang, kung saan tinatayang may 200 bisita ang dumalo.

By Parazzi Boy

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.