Vic Sotto at Pauleen Luna, handa sa pagpapakasal?

Pauleen-Luna-Vic-Sotto Vic-Sotto-Pauleen-LunaNAKU! HINDI pa rin matapus-tapos ‘yang isyung pagpapakasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Parang seryoso na raw kasi ang relasyon nila at itong alaga kong si Pauleen ay tila handa na rin, ha?

Pero wala pa silang announcement sa ngayon dahil wala pa naman daw talagang final na usapan.

Sabi ni Pauleen sa presscon ng The Borrowed Wife, mabuting manggaling daw ito kay Vic. Kaya hintayin na lang.

Sabi nga ni Vic, sa kanya dapat manggaling, at hindi naman daw nila ito itatago.

May interview sa kanya ang Startalk, at sabi niya, “Kasama kayo sa hihigop ng mainit na sabaw!”

O, ‘di ba? Sana nga tuloy na ito, ‘no!

Abangan n’yo na lang sa Startalk ang kabuuan ng interview kay Bossing Vic at live guest naman si Pauleen para sagutin ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Vic Sotto at Pauleen Luna, handa sa pagpapakasal?

Leave a Reply

Your email address will not be published.